Shexter 23: Maganda lahat sa kanya.
C HA N Y E O L' S P O V
Naghigab ako bago umupo mula sa pagkaka-higa sa sofa. Anong oras naba? Napatingin ako sa wall clock at nakitang mag fifive thirty na. Buti naman at wala kaming schedule maghapon. Minsan nalang rin kasi kami magpahinga. Napalibot ako ng mata sa paligid at isa isang tinignan ang mga ginagawa nila. Sila Suho at Lay Hyung ay nasa kabilang sofa habang nag cecellphone. Ang HunHan naman nag bu-bubble tea sa center table. Si Kris Hyung nag dradrawing, si Tao naman kinukulit siya. Sila Chen, Kyungsoo at Kai naman nag kwekwentuhan lang. Si Xiumin Hyung? Paniguradong nasa kwarto niya lang yon.
Pero teka... nasan ang Bacon ko?
"Guys, nasan ang Bacon ko?" Nagtataka kong tanong sa kanila.
"Baka natutulog."
"Oh baka naman tuluyan ng sumuko kay Yaxle."
"Kay Yaxle?" Takang tanong ni Luhan Hyung kay Chen. "Oo. Torpe e, nagpapatulong sakin kanina. Hahahhahahahahasha bahala nga siya." Napa-iling nalang ako. Para namang napa-isip si Luhan Hyung dahil don. Talagang tinamaan na ang isang yon. Akala ko nagbibiro lang siya pero mukang totohanan na pala.
I yawns. Pero muntik nakong magulat ng isang boses ang biglang dumagundong sa buong mansion. Lahat kaming nandito sa sala ay napahinto at napatahimik. Boses ni Baekhyun.
Annyeong naege dagawa, Sujubeun hyanggireul angyeo judeon neo~ huimihan kkumsokeseo, Nuni busidorok banjjakyeosseo~ 🎶
Ito yung kanta niyang 'Beautiful' ah? Ano namang naisip niya at naisipan niyang i-on yung outside speakers? Rinig tuloy sa buong bahay yung kanta niya. I sighed. Hinayaan nalang namin. Babalik na sana sila sa kanya kanyang ginagawa, at hihiga narin sana ulit ako sa sofa pero agad akong napabalikwas ng upo ulit..
Neoui misoe naemaeumi naganaeryeo~
Nuni majuchyeosseulttaen,
Dugeungeoryeooh~ 🎶Nagkatinginan kaming lahat. Hindi na yon boses ni Baek kundi boses na ng isang babae. Nanggagaling yon sa mini studio, panigurado. AT DAMNN!!! Kung sino man yung kumakanta ngayon ay talaga namang daebak! Parang biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil don. Sobrang ganda ng boses! "Is that... Yaxle?" Napatingin kaming lahat kay Suho Hyung. Nanlaki ang mga mata ko. Impossible... paano nangyaring...
Saenggakhaejwooh~
neoege hago sipeun geu mal,Hindi kona alam ang nangyari. Basta ang alam kona lang, parepareho na kaming tumatakbo paakyat ng fourth floor. Nag-uunahan at halos magkanda-dapa dapa pa sa hagdan. Medyo kabado ako at hindi mapigilan ang pagka-excite. Pagkadating namin sa hallway ng fourth floor ay medyo huminahon na ang pagtakbo namin, hanggang sa makarating na kami sa dance studio, ilang hakbang nalang ay singing studio na.
You're beautiful~ 🎶
Rinig na rinig parin ang boses nila. Pero napakunot ang noo ko ng makita si Xiumin Hyung na kahinto lang sa harapan ng singing studio. Narinig din pala niya.
Isa isa kaming lumapit don at napasilip sa bintana. Parang nalaglag ata ang panga ko sa nakita. Tama si Suho Hyung! "Guys.. sila nga.." Hindi makapaniwalang sabi ko. Ang tinutukoy ko ay sila Baek at Yaxle na parehong may suot na headphones at nakaupo sa harapan ng Audio Interface. Nang mapatingin ako sa iba ay kanya kanya silang nganga habang nakatutok lang rin sa bintana. Habang nakatingin lang kila Baekhyun...
BINABASA MO ANG
It Started with a Sex: EXO
FanfictionOne second, he was my most hated. Another second, I found myself under him. Under his charm. Like a curse, I can't even break. completed.