FORTY SIX: Sinful

594 16 16
                                    

Shexter 46: Shit, I'm falling into sin.


S U H O' S P O V

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng buong practice room. Nasa fourth floor kami ngayon at katatapos lang ng unang practice namin ng 'the eve' para sa concert. Ten minute break. Kanya kanya lang kaming pahinga sa mga sulok. Kahapon din namin nalaman na mag-kapatid si Luhan at si Yaxle. Tuwing naalala ko yon ay sobrang kinikilabutan parin ako hanggang ngayon, what a small world!

Napaka lupit talaga ng tadhana hays.


"Luhan hyunggg, tubig!"


"Luhannie kinuha kita ng Gatorade sa baba!"



"Luhan hyung gutom kana ba?"



Sunod sunod na lumapit sila Chen, Sehun at Baekhyun kay Luhan na kauupo lang sa sahig. I face palmed. Bigla silang bumait kay Luhan mula kahapon, at halata namang sumisipsip lang sila. "Alis! Diko kayo kailangan!" Pagsusungit ni Luhan sa kanila bago sila talikuran. Muka namang nalugi yung tatlo. Ayan kasi napapala ng mga pasipsip kay Kuya!


"Hyung, saan ulit concert natin nextweek?" Tanong ni Lay saakin. Narinig nila yon kaya binalingan siya ng lahat.



"SA U.S LAY! U.S!" Sabay sabay nilang sigaw kaya't natawa ako ng malakas. Napakamot naman si Lay sa ulo niya at tska bumalik sa tapat ng aircon. Napaka-makakalimutin ng isang yon.


At oo, sa United States ang concert namin nextweek, at apat na araw nalang ay flight na namin. Napatingin ako kay Yaxle na may kausap sa phone niya sa hindi kalayuan, masaya siya ngayon dahil pinahintulutan siya ng daddy niyang sumama saamin sa U.S, noon kasi ay matinding bilin niya na huwag isasama si Yaxle doon. Pero mukang nagbago ang isip ni President Yoon. I can see her so happy to the point na aabot na sa tenga ang ngiti niya. Sino naman kaya ang kausap niya?



"Suho-hyung." Napatingin ako sa katabi kong si Chanyeol.



"Nasabi ba ni Yaxle kung nasaan ang puntod ni Ji-young?" Seryosong tanong nito sakin, pero bakas ang lungkot sa mga mata nito. Napabuntong hininga ako.



"Ayokong kulitin si Yaxle Chanyeol, napag-usapan na natin to." Sagot ko nalang sa kanya. Napa-yuko siya at naglabas din ng malalim na hininga. Noon ay nag usap-usap kaming EXO, na hindi na namin muli babanggitin kay Yaxle ang kaso ni Ji-young. Nahalata kasi namin na ayaw niyang tinatopic si Ji-young, mabilis na umiinit ang ulo niya at minsan pa ay matagal bago namin siya maka-usap. Hindi parin ako makapaniwalang patay na si Ji-young, pero wala kaming magagawa.



I patted his shoulder. "Wag ka magtanim ng sama ng loob kay Xiumin. He's not the father." Makahulugang sabi ko sa kanya. I didn't look at him after that.


Matapos ang ilang minuto na pahinga ay bumalik na kami sa pag prapractice ng sayaw. Kapapasok lang ni Yaxle kanina kaya't siguradong ngayon lang niya makikita ang 'the eve' namin. Napangisi ako sa naisip.





Agad kaming pumosisyon. Sila Yaxle, Luhan, Tao, Lay at Kris naman ay nanunuod lang sa harapan namin dahil hindi muna sila kasali sa part nato. Yaxle just boredly stared at us na para bang alam niyang walang kahihinatnan na maganda ang practice namin.

Aba, wag lang tutulo ang laway niya mamaya.


Ttokbaro bwa What's the situation~





Nang magsimula ang kanta ay nagsimula narin kaming mag seryoso. Hanggang sa mapunta na sa chorus, ang huling nakita ko nalang ay ang naka-nganga at nanlalaking mga mata ni Yaxle.




It Started with a Sex: EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon