TWENTY FIVE: Vacation

608 15 12
                                    

Shexter 25: Sino kaba talaga, Yaxle?

C H A N Y E O L' S   P O V


"Guys. Ayaw kumain ni Bacon ko." Malungkot kong bungad sa kanila sa kusina. Lahat kami ay nandito maliban nalang kay Yaxle na malay ko ba kung nasaan. Napabuntong hininga naman sila Suho Hyung. It's breakfast.

"Guys hindi niyo na dapat inasar si Yaxle kay Kris Hyung kagabi." Seryosong pagkakasabi ko sa kanila. Nang mapatingin ako sa reaksyon ng iba ay seryoso lang rin sila. Si Tao naman ay naka pout. Umupo nalang ako sa pwesto ko.

"Tama si Chanyeol. Siguradong nasaktan yon." Seryoso ring sabi ni Suho Hyung. 



"Tss. Hindi na siya bata." Napatingin kami kay Xiumin Hyung. Napailing nalang ako. Napaka rude talaga niya minsan. Kahit naman ganon si Baek, ay may nararamdaman din yon. Bacon ko yun eh! Kita kita ko kung gano siya kalata kanina. Nagtatalon ako sa kama niya para lang gisingin siya pero tinapunan lang niya ko ng tingin. Nagtaka ko dahil tuwing ginagawa ko yon ay binabato niya agad ako ng unan. Hays.

Teka, wala rin pala si Kris hyung? 



"Nga pala mga engot, sa isang araw na yung vacation na sinabi ni President diba? Nakapag empake na ba kayong gamit?" Pag bubukas ng topic ni Chen habang nilalantakan yung sandwich na ginawa ni Yaxle kanina. Napakunot ang noo ko at biglang naalala yung meeting namin sa office ni President Yoon. Sinabi niyang nag pa book na siya ng flight secretly para sa instant vacation namin, para sa celebration.

"San naman kaya tayo mag babakasyon?" I asked and they all just shrugged their shoulder.

"Wala kayong kwenta guys."

-

-

Halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ang kabuuan ng resort na pag sstay-an namin. We roamed our eyes and saw how splendid the place is. You're right, we're now on President Yoon's vacation house in the Philippines. Sa kanya ang malaking villa nato? Or should I say resort? Private resort? Puta, sa laki nito e manlulula ka!

Nakita kopang napa tanggal sila ng shades habang nanlalaki ang mata ng parang mata ni Dyo. Lahat kami ay na eexcite na sa totoo lang. Beach please!

"Men! Kaya kong tumira dito habang buhay!" Aligagang pag kakasabi ni Kai at nag simula na silang mag ingay. Oo men lalo kang iitim dito.

Hayyy. This is what I called relax.

Napatingin ako sa banda ni Yaxle at nakita ang bahagyang naka simangot niyang muka. Hindi ba siya nagagandahan dito? Aba. Ah teka, marunong palang sumimangot ang babaeng yan?

Nag tatakbo silang lahat maliban saming iilan. Nakita kong hinubad ni Baekhyun yung jacket niya, at parang wala sa sariling may ini-isip. Napansin kong parang balak niyang ipatong sa balikat ni Yaxle iyon pero parang nag dadalawang isip din siya, pasimple niyang inilalapit yon sa likod ni Yaxle ng.. "Oy bata. Salo!" biglang may ihinagis si Chen kay Yaxle at agad naman nitong nasalo yon. It's a piece of cloth. "Pfft." Muntik konang mailabas ang tawa ko ng bigla napa-ubo si Baekhyun at agad na isinuot ang jacket niya. Kawawang Baekhyun.

"Anong gagawin ko dito?"

"Kainin mo sige." Inis na sagot ni Chen pero tinignan lang siya ni Yaxle ng nagagago-kana-ba look. "Aish! Isuot mo! Common sense!" Pagkasabi ni Chen non ay agad siyang lumakad paalis.

Hindi ko sila masisisi dahil ngayon kolang nakita si Yaxle suot ang ibang damit. She's wearing a sleeveless white dress and a white hat, not her daily uniform. She's too stunning kung tititigan mo siya.

It Started with a Sex: EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon