FORTY THREE: New beginning

467 19 62
                                    

Shexter 43: Hindi pako sure sa I love you too.

L U H A N' S  P O V

Sabado ngayon at katatapos lang ng pag pra-practice namin para sa susunod na concert namin sa ibang bansa. Nasa SMent ako kanina ng tawagan ako ni President Yoon. He called me over para bisitahin siya. And I'm currently in his room in the hospital, sitting next to him.


"She's previously here. At nag aalala ako dahil natutulala siya at parang wala siya sa sarili, and why is that?" Curious na tanong nito sakin. He sighed heavily at halata ang pag aalala niya kay Yaxle. At oo, ako lang naman ang palaging messenger at tiga update niya sa buhay ng anak niya. I always do this, reporting to him at least two times a week.


Napa-isip ako sa itinanong niya. Natutulala si Yaxle? I don't think na problemado siya, but maybe isa ako sa dahilan ng pagsakit ng ulo niya. Hindi naman sa pagiging assuming ko pero matapos kasi ng ginawa ko kahapon ay hindi na niya ako pinapansin, ni pasada ng tingin ay wala. Galit siya sakin. "I don't know either, pero sa tingin ko isa ako sa dahilan." Nasabi ko nalang sa kanya. Nakita ko ang pag kunot ng noo niya.


"Kahapon kasi ay nag-away kami at nasigawan ko siya ng sobra." Pagduduktong ko. Dahil don ay may malakas na batok agad akong natanggap. Agad akong napa daing at napa-kamot don. "President naman e!" Pagrereklamo ko.



"At bakit mo naman siya sisigawan ha?" He asked bago sumubo ng isang dakot na popcorn. Napabuntong hininga ako.



"Dahil sa isang laruan." I answered, sumubo ulit siya ng popcorn at tinaasan ako ng kilay. "Hays! Bat ba kumakain ka niyan e bawal sayo yan! Susumbong kita kay Yaxle eh!" Pag-saway ko dito bago ko agawin ang popcorn na kinakain niya. Para naman siyang batang dismayado na inagawan ng candy. "Oo na ayan na! Wag mokong susumbong!" Sabi niya bago ako irapan. I hissed.



Oo, dahil sa laging pag rereport ko sa kanya ay naging close narin kami sa isa't isa. Nalaman kodin ang tunay niyang ugali, na sobrang pabebe niya. Grabe, hindi ko akalaing takot na takot ako sa kanya dati. Sa harap ni Yaxle ay nagkukunwari pa siyang hindi maka-kain samantalang pag wala ang anak niya ay nagpapabili siya ng kung anong maisipan niya. Tch.


"Ituloy mona yung kwento mo!"


Asan nanga ba ako? Ah oo, doon sa nag away kami dahil sa laruan.


"Ganto kasi yan, may stuff toy na nakita si mommy sa may basurahan sa labas. And guess what," Parang na curious naman ang itsura niya. "That's my sister's stuff noong bata pa kami. Diba, pano napunta don yon?" Napa-tango tango siya at napa-isip.


"Napag-alaman kong kay Yaxle yon, I approached her at tinanong kung saan niya nakuha yon. Pero pinipilit niyang sa kanya yon mula pagka-bata, sumasakit ang ulo ko sa kanya! Kasi sigurado talaga akong sa kapatid koyon, meron pang palatandaan yon." Pag kwekwento ko sa kanya with matching hands actions pa na akala mo ay tropa kolang siya.



He put his hands under his chin, napa-isip siya. Tuwing naalala ko ang ginawa ko kay Yaxle kahapon ay sobrang na guguilty ako.


"Teka nga, yung stuff toy ba na tinutuloy mo ay yung rabbit na blue, tapos may Iloxia na pangalan?" Kuminang ang mga mata ko sa sinabi niya. "Oo yon nga!" Nanlalaki pa ang mga mata kong tumatango-tango sa kanya. Wow, kabisado niya yung detail ng laruan!



"At etong kapatid mo na sinasabi mong nagmamay-ari non, ay patay na, tama ba?" Pangalawang komento niya na ikina-tango tango ko nanaman ulit. "Nadali mo tatang!" Pag-sang ayon ko dito. Para naman siyang napa-isip nanaman ng malalim. "Alam kona." Payak na sabi niya bago sumipsip sa straw ng pinabili niyang bubble tea sakin kanina. Ano namang alam niya?



It Started with a Sex: EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon