FIFTY ONE: United States

633 14 10
                                    

Shexter 51: Finally, at home.


Y A X L E'  S  P O V

"Ah yes! United States!" Malakas na sigaw ni Chanyeol nang makababa ng eroplano. I can see how excited are they, meron pa silang dalawang araw bago ang concert. Ito ang inirequest ko kay Daddy, para naman makapasyal muna sila at hindi magahol sa oras. Nang makalagpas kami sa libo-libong fans nilang nasa airport ay dumaretso sila sa secret parking lot. Mayroon nang van na nag hihintay para sa kanila. Tahimik na at purong staffs nalang at body guards ang makikita mo sa lugar.


"I have an announcement." Malakas na sabi ko kaya napatuon ang atensyon nila sa akin.






"Hindi kayo sa hotel mag sstay," Panimula ko. Their forehead knotted. "kundi sa bahay ko." Pagkasabi ko non ay iba ibang reaksyon ang sumalubong sa akin.





"WOHOOO THET! VAULT!" And that was Sehun the bulol master.





"Totoo ba? Pero pano kung masundan kami don ng mga sasaeng fans?" Curious na tanong ni Suho. Napa-ngisi ako. "That will never happen." Payak kong sagot. My house is not something that an uninvited guest can invade, my dear.



Nang makasakay kami sa van ay hindi parin tumitigil ang mga tanong nilang nakaka-irita. I already explained that only the twelve of them will stay there at hindi kasama ang manager at staffs nila. Actually kasya naman ang buong team, but I don't think na gusto ng mga housemates ko ang masiyadong madaming tao. These twelve dumb-ass is enough.


"Excited nako! Malaki ba ang bahay mo?"



"Binili ba sayo yon ni President Yoon?"



"May iba bang tao don?"



"Vacation house? May swimming pool?!"


The van started to run at halos mabingi na ako sa mga walang humpay na tanong nila. I took a deep breath at pilit na ikinalma ang sarili ko. "Will you all shut up?! That's my own house at hindi yon binigay ni daddy! Maliit lang yon kung itatanong niyo sakin, and oo may ibang tao don! At lahat ng kakailanganin niyo ay nandoon! Ano okay naba?! Shut your filthy mouth and just wait!" Inis na singhal ko sa kanila. Para naman silang mga batang pinagalitan. Natikom ang bibig nila at parang mga kawawang tumahimik. Well, that's better.


Nakaupo ako ngayon sa harapan katabi ng driver, habang nasa likod ang lahat. Malaki laki din ang capacity ng service van nato huh. And I was just guiding the driver kung saan dadaan. Habang tumatakbo ang sasakyan ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang kalye. Same old road, walang pagbabago. Dirt, smoke, car engines, tortillerias, beer and herbal drugs is all that I can smell. This is it, I can smell home, Los Angeles.


My house is located here. And I insisted na ganapin nalang ang concert nila sa Rose bowl stadium dito din sa LA. Well, atleast hindi na sila mahihirapan pang mag rent ng hotel dahil papatuluyin ko sila sa bahay ko, dapat nga magpasalamat sila kahit masama ang loob ko. It was that Tandang gurang's idea. Para daw makamura siya, bwiset. Dami daming pera kuripot.



"Yax, may pagkain ba don? Nagugutom nako e." Pambasag katahimikan ni Tao. I just shrugged my shoulder na ikina simangot niya. Well, hindi ko talaga alam. Kaya heto ako ngayon nag sesend ng message kay Khia.


[ Food ] Tanging laman ng message ko. Nagulat ako ng agad ding tumunog ang cellphone ko.


[ All ready for my dear leader! Malapit kana ba? Shit I'm excited as hell! Diba may kasama kang twelve hotties? Pakilala mo kami ha! But seriously Axle, sawakas ay makikita na kita! ] Napa-iling ako sa nabasa. Isang salita lang ang sinend ko pero napaka haba ng sinabi ni Yllyana. And yes. Basta may kalandian, walang duda si Yllyana ang ka text ko. I can't help myself but to smile. Hindi kodin maitago ang pagka-excite ko, I'll see them finally.


It Started with a Sex: EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon