THIRTY FIVE: Huge day

732 26 20
                                    

Shexter 35: BABY?!

Y A X L E' S   P O V

"Can't you open your mouth wider?" Mapag-pasensiya kong sabi sa gurang nato at akmang isusubo na sa kanya ang pagkain niya. Pero sa sinabi ko ay agad niyang mas itinikom ang bibig niya. Mariin akong napa-pikit at pilit na ikinalma ang sarili. Patience Yaxle, patience. 


"Sabi ko naman sayo, hindi ako kakain kung hindi moko tatawaging 'daddy'." Naghahamon na sabi pa niya habang naka-lihis ng tingin. Sa sobrang pabebe niya ay gusto kona talaga siyang batukan. And yes everyone, yan ang tunay na ugali ng matandang gurang nato. Kung takutin ang mga tauhan niya sa kumpanya akala mo ay tigre siya, pero ang totoo,  isa lang naman siyang pusang napaka arte. Tch, kaya hindi siya nagka-asawa ay dahil diyan.


"Okay DADDY, paki buksan po ang bibig ng mas malawak." I said with a sarcastic tone emphasizing the word. Doon ay agad niyang binuksan ng malaki ang bibig niya. Napa-iling nalang ako dahil hindi niya mai-tago ang kilig niya at halatang-halata ko iyon. Psh, akala mo kung sinong baby eh. Agad ko nalang na isinubo ang kutsara sa kanya. Naiinis man ako pero hindi korin maitatago na natutuwa ako. I felt so relieved to see him getting better. He's my father after all.


 It's been almost one month simula nung isugod siya dito sa ospital. And I'm still recovering from the shock. Tuloy-tuloy na ang pag che-chemotherapy niya. Pero tuwing makikita ko siyang umu-ubo ng dugo ay halos madurog ang puso ko, agad akong pumapasok sa ng CR para lang ibuhos ang mabigat na nararamdaman ko. Doon ay napatunayan ko sa sarili ko na hindi lahat ng sitwasyon ay kaya kong i-handle. Na hindi sa lahat ng oras ay kaya kong pigilin ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko. 


If you want to cry, then cry.



"I barely remember someone who holds the surname 'Gong', kaso hindi ko talaga mapunto kung sino." He suddenly said off-topic at napa-nguso. "It can be someone who works under me." Pilit niya iyong ina-alala. I heaved a sigh and stopped him.


"Don't stress yourself from thinking. Sabi ko naman sayo, ako na ang bahala." I just said. Na-kwento kona sa kanya lahat. Pati yung tungkol kay Gong Jae Kwang, na hanggang ngayon ay pinoproblema ko, dahil ni isang bakas niya ay hindi ko mahagilap kahit na sure akong nandito naman siya sa Korea. He's freaking making me smoking mad, that dimwit.


I was just feeding my stupid dad when I heard knocks on the door. Maya maya pa ay nakita kong may pumasok na body guard. "Sir, nandito napo tong pinapadala niyo." He said and leave the box on the table near us. Agad siyang pina-alis ni daddy pagka-tapos non. Napa kunot ang noo ko. 


"Go get that, that's yours." Sabi pa nito na ipinag-taka ko. Binaba ko ang pagkaing hawak ko at tska dinampot yung box na pinasok nung guard. I examined it, it's a rectangular small and flat box. So what now? This is mine? Seems quite suspicious.


"Just open it sweety." Sa sinabi niyang yon ay tinanggal kona ang wrapper. Para ngang regalo yon dahil sa balot eh. "What's with this? Ano bang meron?" Nagtatakang tanong habang binubuksan parin iyon. I heard him heaved a deep sigh.


"Happy birthday my forgetful daughter." Agad akong napatingin sa kanya at nakita siyang napapa-iling. Oh ghad, did I just forget my birthday, again? Bahagya akong natawa. Wala ng bago don. I always forget it. Well, di naman kasi ako observant sa date. 

It Started with a Sex: EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon