FORTY FOUR: She's my sister

464 17 29
                                    

Shexter 44: Sabi ko sayo wag mo silang biglain e.


B A E K H Y U N' S   P O V

"Sa tingin mo tatanggapin na to ni Yaxle?" Curious na tanong ko kay Kyungsoo. Naka poker face lang niya akong tinignan. "Pang ilang tanong mo nayan pota ka?" Napa-pout ako. Eh kasi naman tuwing inaalok ko si Yaxle ng pagkain ay sasabihin niya saking 'mag alok ka kung ikaw ang bumili'.


Kaya eto bumili ako ng steam buns kanina, oo ako mismo hehe. Sana magustuhan niya!


Agad na hinanap ng mga mata ko si Yaxle, pero wala na siya dito sa baba, siguro ay nasa kwarto siya no? "Hihi." Excited akong umakyat sa taas. Naiisip ko palang na tatanggapin ni Yaxle ang alok ko ay hindi kona mapigilang mangiti. Grabeee, bakit ba ganto nalang ang tama ko sa kanya? Makita ko lang siya ay tumatalon na ang puso ko sa kilig e. Huhu anong gamot dito? Wala na ata!



Haaay.



Bumuntong hininga muna ako sa tapat ng pintuan niya bago kumatok. Kaso parang hindi naman niya naririnig yon, kaya sinubukan kong pihitin yung doorknob at... swalla! Bukas naman pala.. Hehe, eto na!



"Yaxle gusto mo ba ng..." Napa-tigil ako sa bumungad sa akin. Napa-awang ang bibig ko. "Luhan hyung?" Feeling ko ay biglang nadurog ng labis ang puso ko. Napa-lingon sila sakin, pero agad nakong tumakbo paalis. Nabitawan ko ang dala-dala kong steam buns at umiiyak na bumaba. Mabilis na tumulo pababa ang mga uhog ko galing sa ilong ko.




"WAAAAAAA HUHU CHEN!" Agad kong dinamba ng yakap si Chen dahil siya ang una kong nakita. Huhu bakit ganon?



"Ano nanaman ba Baek?" Bored na tanong nito sakin.




"SI LUHAN HYUNG TSKA SI YAXLE! SILA NA!" Hindi ko mapigilan ang pag-ngawa. Sa lakas ng sinabi ko ay nakita ko ang lahat na napa-hinto at agad na napa-tingin sakin. Ultimo si Sehun na tumatae sa CR ay napa bukas ng pinto para tignan ako. Mga nanlalaki ang mga mata nila.

Pero sobrang sakit parin ng nakita ko kanina. Magkayakap si Luhan hyung at Yaxle sa kama. Parang inuulit ulit yon sa isipan ko at hindi ako maka-kalma, huhu.



"Ano.. ulit?" Napa- tingin ako kay Chen. Napatulala lang siya sakin, teka, bakit ganyan ang reaksyon nila? Bakit parang mas nasaktan pa sila kesa sakin?



"S-si Luhan hyung tska si Yaxle. Nakita ko silang magkayakap sa kama!" Ani ko.



"SA KAMA?!!!" Sabay sabay nilang sigaw at parang hindi sila maka-paniwala. Pinunasan ko ang mga luha ko at tumango-tango. Nanghihina akong lumakad papunta sa sofa at napa-upo nalang ako don.

Nilibot ko ang tingin ko, si Chen ay nandon parin sa pwesto niya habang nakatulala at hindi gumagalaw. Si Sehun ay nakanganga parin sa CR habang naka upo sa bowl. Sa bandang hagdanan naman ay nahagip ng mata ko si Xiumin hyung na hawak hawak ang nabitawan kong steam buns kanina, at nabitawan din niya ulit yon.

Wala nakong narinig pa kundi ang tunog ng steam buns na gumugulong pababa ang hagdanan.





Wala sa sarili akong napa-singhot ng sipon kong tumutulo. Hindi ko lubos na maisip kung bakit nagawa sakin yon ni Luhan hyung, samantalang alam naman niyang may gusto ako kay Yaxle! Ackkk! Ang sakit sa dibdib!



"Totoo ba Baek?!" Pagbabasag ni Chanyeol sa katahimikan. Sinamaan ko siya ng tingin. "Malamang!" Hindi ko mapigilan ang inis. Hindi naman nag sisinungaling ang mga luha ko, para lokohin lang sila at umiyak ng ganto.


It Started with a Sex: EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon