Noong sinaunang panahon, may isang kaharian na pinapamahalaan ni Haring Elijah. Sinasabing isa itong batang kaharian dahil sa bata nitong hari. Labing limang taong gulang lamang si Haring Elijah nang makuha niya ang trono dahil sa maagang pagkamatay ng kaniyang mga magulang dahil sa sagupaan laban sa isa pang kaharian.
Kumuha ng bagong mga kawal ang hari at pumili ng isang kawal na hindi malayo sa edad niya at malapit lang din sa edad ng nag-iisang kapatid na prinsesa. Hindi naglaon ay naging magkaibigan sila at naging malapit din ang kawal sa binabantayang prinsesa. Ang prinsesa ring ito ay may angking kakaibang kagandahan na talaga namang bumibihag sa puso ng sinumang makadapo ang tingin dito.
Hindi naging madali para sa hari na pamahalaan ang kaharian sa batang gulang lalo pa't dumadagdag ang iba't ibang mga kahariang nangungulit sa kaniya upang kunin ang kamay ng kapatid. Tuwing tatanggi siya sa mga hari na ipakasal ang kapatid, hindi mawala ang kaba sa kaniyang dibdib sapagkat binabagabag siya ng takot na maaaring kalabanin siya ng kahariang tinanggihan.
Hindi nagtagal at nangyari nga ang kinatatakutan niya, naghamon ng giyera ang kaharian ng isang haring tinanggihan niyang ipakasal sa kapatid niyang prinsesa. Nagkaroon ng matagal na labanan na ipinanalo naman niya ngunit naging dahilan ng paghina ng kanilang kaharian dahil sa dami ng mga namatay. Dito nagpasya ang hari na makipag-alyansa sa ibang kaharian gamit ang kapatid.
Nang kinoronahan si Haring Xantheos pagkamatay ng kaniyang amang hari, kaagad itong nagpunta kay Haring Elijah upang hingin ang kamay ng kapatid nitong prinsesa. Alam ni Haring Elijah na malakas ang kaharian nila Haring Xantheos at magkalapit lamang ang edad nilang dalawa kung kaya't malapit lang rin ang edad nito sa prinsesa. Bukod doon ay nangako itong aalagaan at kahit kailan ay hindi sasaktan ni Haring Xantheos ang prinsesa kaya naman hindi naglaon ay napapayag nito si Haring Elijah.
Nang mabalitaan ng kawal na nagbabantay sa prinsesa ang nalalapit na kasal nito ay kaagad itong nagtapat ng tunay na nararamdaman niya para sa kapatid ng hari. Hindi pumayag si Haring Elijah na tanging kawal lang ang mapakasalan ng kapatid kaya't umamin ang kawal na siya ang prinsipe mula sa malayong kaharian, si Prinsipe Icarus.
Akala ng prinsipe ay papayag na ang hari kapag nalamang siya rin ay dugong bughaw ngunit kabaligtaran ang nangyari. Ang labanan sa pagitan ng mga kaharian nila Haring Elijah at Prinsipe Icarus ang dahilan ng maagang pagkamatay ng mga magulang ni Haring Elijah kaya't inutusan ng hari na ipapatay ang banyagang prinsipe. Nang umabot sa prinsesa ang balitang iniutos ng hari ay agad niyang pinigilan ang mga kawal at tumakas sa palasyo kasama ang prinsipe. Nalaman ni Haring Xantheos na itinakas ang kaniyang mapapangasawa kaya naman nagpadala siya ng maraming kawal upang ipapatay ang prinsipe at ibalik ang prinsesa, gano'n din naman si Haring Elijah.
Hindi naiwasan ng prinsipeng dumanak ang dugo ng mga kawal na inutusang ipapatay siya at ibalik ang prinsesa lalo na kapag wala na silang mataguan kaya kumalat ang balita tungkol sa mahusay na pakikipaglaban nito laban sa maraming kawal ng mga kaharian. Sinalubong ng mga papuri ang prinsipe nang makabalik siya sa sariling kaharian kasama ang prinsesa ngunit kinabukasan, nabalitaan nalang niyang ipinabalik ng ama niyang hari ang prinsesa sa kaharian nito sapagkat ayaw nitong mapangasawa ng anak ang prinsesang dahilan ng pagdanak ng dugo sa maraming bayan.
Nang mapaluhod sa lupa ang prinsipe at umulan, nagpakita sa kaniya ang mensahero ng kalangitan at sinabi nitong paparusahan siya sa mga kasalanang nagawa niya bago ito tuluyang nawala.
Bilang parusa, hindi mo makakalimutan ang mga kasalanan mo at makakalimutan mo ang tanging nagpapaligaya sa'yo.
Mabubuhay ka sa panghabang buhay at pagdurusa ang mararanasan mo. Pagbabayaran mo ang mga kasalanang ginawa mo hangga't nabubuhay ka sa mundong 'to.
Pagsasama-samahin lahat ng buhay na kinuha mo at bawat isang tao ay isang taon, kapag naubos lamang ito atsaka mo matatagpuan ang makakapagpatigil sa habang buhay na parusa sa'yo.
Matatapos lamang ang kalungkutan pagdating ng pag-ibig at ang pag-ibig ay walang kamatayan.
Walang makakasakit sa'yo, maliban nalang sa nag-iisang hindi mo kayang saktan.
Walang makakapatay sa'yo, maliban nalang sa nag-iisang hindi mo kayang patayin.
Ang nagsimula lang ang may kakayahang magtapos.
Lumakas ang ulan kasama ang mga kulog at kidlat. Tinamaan ng kidlat ang katawan ng prinsipe at napahiga siya sa lupa sa sakit na naramdaman. Ramdam na ramdam niya ang sakit sa buong katawan kaya't ninais niyang tapusin ito. Kinuha niya ang espada niya at isasaksak sana ito sarili nang tumalsik at bumaon nang malalim sa lupa.
Kasabay ng malakas na kulog at kidlat ay nawala ang espada at wala nang nakakita pa sa prinsipe kahit kailan.
Sena by PlayfulEros
This story is inspired by Goblin-
Author's Note:
This story is still unedited. Kung may makita kayong misspelled, grammatical, typographical and other errors, it would be a great help to me if you would kindly message me to improve this story. My original plan was to write this story in the language I'm most comfortable with and translate it to Hangul since kdrama addict po ako but unfortunately, I became busy so mukhang hindi ko na magagawa 'yun :<
Don't narrow your imagination of setting in the Philippines because the setting of this story is definitely not in the Philippines since as what I've said, I originally planned to translate it to Hangul :<
I won't be posting other author's note for you to enjoy reading continuously without any disturbances except for of course, the last chapter.
For questions, kindly message me on my facebook account: Eros
I'm open for any suggestions and I'd really appreciate it if you would also send a friend request and message me. (。・ω・。)
Please vote, comment and message for feedbacks!
You can follow me here on watty, ig and twitter: PlayfulEros
Enjoy reading!
- Eros
KUNG HINDI MARUNONG RUMESPETO SA GAWA NG IBA, HUWAG NA MAGPATULOY SA PAGBABASA.
PLAGIARISM IS A CRIME.