Luminous

350 110 1
                                    

FIFTH

"Huwag kang mangialam dito." walang emosyon na sabi sa akin ng soul keeper pero hindi ako huminto sa paglalakad palapit sa kaniya. Hinawakan niya ang leeg ko nang tuluyan na akong makalapit sa kaniya at may lumabas na puting usok sa kamay niya pero hindi nagtagal ay agad din niya akong binitawan.

"Ikaw..." hindi makapaniwalang saad niya.

"Ikaw ang pinaparusahang guardian..." saad pa niya na para bang nagulat siya. Tumingin siya sa babae.

"Siya ba ang makakapagpatigil sa paghihirap mo?"

Napatingin din naman ako sa babae na nakatingin ngayon sa amin at ibinalik ang tingin sa soul keeper.

"Hindi ko pa alam." sagot ko.

"Papalagpasin ko 'to ngayon dahil kung siya nga 'yon, mas gugustuhin kong mauna kang kunin kaysa sa kaniya." sabi ng soul keeper bago nawala.

"M-Magkakilala kayo?"

Napalingon ako sa babaeng nagsalita.

"Patay ka na?" tanong ko.

"Naniwala ka sa kaniyang patay na ako? Mukha ba akong patay sayo, ha?? Tignan mo nga at nahahawakan kita!" Hawak niya sa kamay ko. Napabitaw agad ako sa pagkakahawak niya dahil sa kuryenteng naramdaman ko. Parang kinuryente ang puso ko kaya tumigil 'to sandali sa pagtibok.

"My heart literally skipped a beat..."

Nabaling ang tingin ko sa kaniya nang sabihin niya 'yon at nakita siyang nakatulala lang sa lupa, gulat na gulat sa naramdaman. Nakahawak siya sa dibdib niya at mukhang hindi makapaniwala.

"Naramdaman mo 'yun? Nakuryente ako tapos... huminto 'yung pagtibok ng puso ko." sabi niya.

"W-Wala akong naramdaman." diretsong sagot ko at tumalikod na.

"Teka lang!" Napahinto ako.

"P-Puwede bang... samahan mo ako maglakad pauwi?"

Humarap ako sa kaniya at binigyan siya ng masamang tingin.

"Anong tingin mo sa akin? Body guard mo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Pero maiistorbo ka lang rin mamaya kung mapahamak ako at mapapunta na naman kita rito." sagot niya kaya huminga nalang ako nang malalim atsaka naglakad papunta sa kaniya.

"Dalian mo."

"Yaaaaay!!!" masayang saad niya at nagsimula nang maglakad.

"Ahjussi."

[ahjussi = manong]

Nagpanting ang tainga ko nang marinig ang sinabi niya.

"Anong tinawag mo sa akin?" Lingon ko sa kaniya.

"Ahjussi." ulit pa niya kaya nagpanting na naman ang tainga ko.

"Kung titignan ang physical appearance natin, hindi naman gano'n nagkakalayo ang edad natin and yet you dare to call me 'ahjussi'?"

"I know you're a very old soul, I can feel it. Eh ano bang gusto mong itawag ko sayo?" tanong niya at sumilip sa mukha ko. Tinaasan ko siya ng kilay at naglakad na ulit. Old soul, my foot.

"Pfft. So ito na nga, 'cutie'-ahjussi." tawag niya. Parang napilitan pa roon sa cutie. Wala naman akong pakialam kung hindi niya nakikita ang gwapong mukha ko at cute na dimples ko, bulag na siya. Makatawag ng ahjussi, tss.

"Bakla ka ba?"

Napatid ako sa hump sa pagkabigla sa sinabi niya.

"Kanina tinawag mo akong ahjussi tapos ngayon sinasabi mong bakla ako? Hindi ka pa ba tapos mang-insulto, ha?" Harap ko sa kaniya.

SenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon