Cookies & Ice Cream

173 102 0
                                    

TWENTIETH

Skye

"Isa pa." sabi ko sa kaniya.

"Ubos mo na naman?" tanong ni Icarus kaya pinakita ko yung cup ng ice cream ko na nasimot ko na.

"Hindi ko pa nauubos 'tong isang cup ng ice cream ko naka-apat ka na." hindi makapaniwalang saad niya at tumayo na para bumili ulit. Hindi talaga ako matiis nito eh, hehe.

"Oh," Abot niya sa akin nung ice cream at umupo na ulit, crossed legs.

"Kamsa!" nakangiting sabi ko at kumain na ulit.

"At casual ka na makipag-usap sa akin, ha." Crossed arms niya.

"Baka nakakalimutan mong mas matanda ako sayo ng mahigit 1 thousand years." sermon niya sa akin.

"Sorry po, lolo." sagot ko at nagscoop ng ice cream atsaka sumubo. Sinamaan niya ako ng tingin pero kumain nalang din siya.

"Wala ka na bang gustong kainin?" tanong niya kaya napahinto ako sa pagkain.

"Cookies!" ngiting-ngiting sagot ko at pinanliitan niya ako ng mga mata. Tignan mo 'to. Magtatanong tapos 'pag sinagot mo, magagalit. Hmph.

"Kakabili ko lang ng cookies para sayo last week. Nasaan na 'yon?" mataray na sabi niya habang nakataas pa ang isang kilay.

"Tingin mo aabot 'yun ng isang linggo? Isang kainan nga lang 'yun eh." sagot ko. Ito naman kasi ang OA magreact akala mo lifetime supply -yung kinain ko para mag-ganyan eh.

Napahawak siya sa temples niya.

"Paano mo makakain sa isang kainan ang 100 pieces cookies nang ikaw lang mag-isa?"

"Hindi ko naman inubos sa isang kainan ah! Dalawang kainan ko 'yun. Nung hapon atsaka gabi." Ngiti ko sa kaniya.

"Wooow, hindi ka ba naaawa sa mga cookies na 'yon ha? Newly baked sila nung binili ko at binigay sayo tapos hindi mo man lang sila pinaabot ng isang araw mabuhay."

"Walang kawawang pagkain sa taong gutom at may craving." sagot ko. Paano nagkabuhay ang cookies? Pfft.

"Paubos na yang ice cream mo, halika na at baka magpabili ka pa ulit." Sabi niya at hinila na ako palabas pero paglabas namin, kakapasok lang namin sa isang shop na naman. Nagteleport 'tong lalaking 'to na hindi man lang nagsasabi.

"Good evening, Mr. Owen!" bati nung babaeng may edad na.

"Good evening po." nakangiting bati rin ni Icarus.

"Kamukhang-kamukha niyo po talaga ang tatay niyo, pareho po kayong gwapo at walang pinagbabago ang itsura. Mukhang maganda ho talaga ang lahi ninyo." tuwang-tuwang sabi nung babae at napatingin ako kung saan siya napatingin. May nakasabit na picture ni Icarus kasama ang isang batang babae at isang parang nanay nun. Mukhang lumang-luma na yung picture since hindi pa siya colored.

Pero teka, tatay 'yun ni Icarus?

Napatingin ako sa picture at tinignan 'yun nang mabuti. Magkamukhang magkamukha nga sila, iba lang ng hairstyle.

"Asawa niyo po, Mr. Owen? Good evening po, Ma'am." bati nung babae sa akin kaya bumati rin ako.

"100 c-OO-kies po." sabi ni Icarus.

"Ay, Sir hindi na po bagong baked. Magbi-bake lang po ako." sabi niya at aalis sana pero pinigilan siya ni Icarus.

"Huwag na po, kukunin ko na po 'yung nandiyan since gabi na rin po, normal lang na wala na pong bagong baked. Iinit nalang po namin sa bahay." sagot ni Icarus.

"Ah, sige po." sagot nung babae at pumasok na sa kusina. Nakita ko namang nagkalikot si Icarus sa counter at nagswipe ng black card at nagpipindot. Pagbalik nung babae na may dala nang paper bag, tapos na si Icarus mangialam at inabot na sa kaniya yung cookies.

"Thank you po." sabi ni Icarus at inabot yung black card sa babae.

"Ay 'wag na po, Sir!" sagot nung babae at inilayo yung card.

"Salamat po." nakangiting sabi ni Icarus at lumabas na kami at naglakad pauwi.

"Bakit ka nangalikot doon sa counter kanina?" tanong ko kay Icarus habang naglalakad kami.

"Alam kong hindi niya tatanggapin yung bayad ko kaya nagbayad na agad ako nung wala siya. Lagi niyang ginagawa 'yun kapag bumibili ako dahil ako ang nagbigay sa kanila ng lupa at shop na 'yun ng nanay niya kaya sanay na ako. Guardian niya ako nung bata siya kaya tinulungan ko yung nanay niyang makapagpatayo ng sarili nilang bake shop. Siya yung batang nakita mo kanina sa picture." explain niya.

"Woooow mabait ka palang guardian!" sabi ko. Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin.

"Bakit, hindi ba ako mabait sayo? Pinatira kita sa bahay ko nang walang bayad, pinapakain kita, nilulutuan, at araw-araw 'yon. Binibili ko kung anong gusto mo at kumakain tayo sa mga mamahaling restaurants at ako ang nagbabayad. Minsan sinusundo kita at hinahatid kung saan ka man nagpupupunta, lagi kitang binabantayan kahit sa malayuan at lagi akong pumupunta kapag napapahamak ka." pag e-enumerate niya ng good deeds niya sa akin.

"Binabantayan mo ako?" tanong ko. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko at unti-unting namula Ang mukha niya.

"Skye!" Sabay kaming napalingon nang narinig namin yung pagtawag sa pangalan ko mula sa grupo ng mga lalaking palapit sa amin. Biglang tinanggal ni Icarus ang scarf niya at agad itong pinangtapal sa mukha ko.

"Sa leeg 'to nilalagay, mukha bang leeg ko 'to ha?" reklamo ko habang sinusubukang tanggalin yung scarf pero mukhang ginamitan na naman niya ng magic niya kaya hindi ko matanggal.

Naramdaman kong inakbayan niya ako at nagsimulang maglakad kaya sumabay nalang ako kahit wala akong nakikita.

"Si Skye ba 'yan?" narinig kong tanong ng isang lalaki.

"Hindi." diretsong sagot ni Icarus at naglakad na ulit pero huminto rin ulit.

Walang nagsalita pero nakarinig ako ng mga pagdaing sa sakit. Sinubukan kong tanggalin yung scarf sa mukha ko pero ayaw talaga, para siyang linta na ayaw maalis ang kapit huhu. Naramdaman kong may humawak sa dalawang balikat ko kaya sumipa ako.

"Aray! Ako 'to, ano ba." rinig kong sabi ni Icarus at naramdaman kong tinanggal niya yung scarf sa mukha ko. Nakita ko siyang nakahawak sa leg niya, 'yun yata yung nasipa ko huhu hindi ko naman alam na siya 'yun eh.

"Bakit mo ba kasi tinakpan mukha ko, ha?!" inis na sabi ko.

"Kasi dapat talagang tinatakpan 'yang mukha mo. Kapag nakikita 'yan ng mga lalaki, mapapahamak ka talaga!" inis ding sagot niya.

"Ano bang meron sa mukha ko at galit na galit ka?!"

"Masyadong magan––pangit!! Naiinis yung mga tao dahil sa sobrang pangit ng mukha mo, nasisira yung araw nila!" sigaw niya sa akin.

"Alam ko namang pangit ako." sagot ko at naglakad na. Badtrip talaga 'tong guardian na 'to.

"Pero kahit pangit ka, maganda ka pa rin para sa akin." Nagulat ako sa sinabi niya kaya napalingon ako sa kaniya.

"Ma... maganda yung scarf s–sayo kahit pangit ka." bawi niya sa sinabi niya.

Lumapit siya sa akin kaya napatingala ako. Siguro mga 6ft po kasi siya at wala pa siguro akong 5'2 kaya tingala talaga huhu.

Inayos niya ang pagkakalagay ng scarf niya sa leeg ko at ngumiti.

"Maganda ka kapag nakasuot 'tong scarf ko sayo."

"Waaaah talaga? May magic ba 'tong scarf mo? Akin na ba 'to?" tanong ko.

"Hindi. Magbayad ka ng rent sa bahay ko kung ayaw mong palayasin kita in 3 days." sabi niya at naglakad na.

Grabe siya! Tinanong ko lang kung akin na ba 'tong scarf niya tapos mapalalayas pa ako. Badtrip talaga.

¤¤¤

SenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon