Epilogue

293 93 2
                                    

10 Years Later
~•~

"Aigoo..." saad ni Skye pagkabalik sa kaniya ni Harris ng pang-apat nilang anak ni Icarus na kakapanganak lang niya kagabi.

"Mommy, Mommy... can I carry him too?" tanong ng pitong taong gulang na batang lalaki na si Jeon, ang panganay na anak nila Skye at Owen Farrell.

"Here, be careful." sabi ni Skye at inalalayan si Jeon sa pagbuhat ng sanggol.

"It's been 10 years since you messed up with time." Lumingon si Harris kay Icarus at nakitang bahagya itong napangiti, tila ba natatawa sa sinabi niya. Nakangiting napailing-iling nalang si Harris at ibinalik ang tingin sa bagong silang na anak ni Icarus.

"Oo nga pala, kailangan ko na namang maglakbay papunta sa kasalukuyan maya-maya." Napatingin si Harris sa kulay tansong relo mula sa bulsa niya at natatarantang nagpaalam sa mag-asawa, sa mga anak ng mga ito at pati na kanila Savannah at Elijah nang makita ang oras.

"Jeonie, Rafaya, Joloya, Uncle Caden's leaving." tawag ni Icarus at nagsilapitan sina Jeon at ang apat na taong gulang na kambal na sina Rafa at Jolo para magpaalam kay Harris.

"Pasensiya na, kailangan ko na talagang umalis at baka hindi ko na maabutang buhay yung batang 'yun. Malayu-layong paglalakbay pa naman." sabi ni Harris kay Icarus matapos yumakap sa mga bata bilang paalam.

"Ilang taon?" tanong ni Icarus.

"8 years from now." sagot ni Harris at napatangu-tango si Icarus.

"Ah, yung magiging apprentice mo ba? Ngayon mo siya makukuha?" tanong ni Icarus.

"Oo, nag-aagaw buhay na nga sa ospital eh." sagot ni Harris at naglakad na papuntang pintuan.

"Eros Valentin?" tanong ni Elijah at ipinakita ang papel na hawak na may nakasulat na pangalan na siya lang ang nakakakita.

"Akala ko ba mananatili ka na sa taong 'to? Bakit ikaw pa rin ang magsusundo kung saan ako pupunta?" kunot-noong tanong ni Harris kay Elijah.

"Wala namang pinipiling oras at panahon ang kamatayan." sagot ni Elijah at lalabas na sana si Harris nang tawagin siya ni Icarus.

"Caden," Lumingon si Harris kay Icarus at hinintay ang sasabihin nito.

"Dadalhin mo ba siya rito?" Tumango si Harris.

"Pagbalik ko galing 1899." sagot niya.

"Sigurado ka bang makakabuti sa kaniya 'pag nawala ang existence niya sa panahon kung saan talaga siya nabibilang?" tanong ni Icarus.

"Wala na rin naman siyang kabibilangang panahon kapag kinuha na niya ang trabaho ko." sagot ni Harris at lumabas na ng silid.

"Itapon mo na 'yan, hindi mo susunduin yung batang 'yon. Bubuhayin 'yun ni Harris." mapang-asar na saad ni Icarus kay Elijah at tinago na nga ng huli ang papel na hawak niya kanina.

"Magiging sakit sa ulo ni Jeon 'tong bunso niyo." natatawa-tawang sabi ni Elijah kay Icarus habang pinagmamasdan ang sanggol na hawak ni Jeon.

"Nararamdaman ko nga, pati itong si Rafa medyo magiging pasaway sa kuya niya." natatawang sagot ni Icarus.

"Si Jolo..." simula ni Elijah.

"Alam mo naman siguro ang mangyayari sa kaniya, 'di ba?" tuloy niya. Tumango si Icarus at ngumiti.

"Tahimik lang si Jolo at magiging magaling na manunulat ng mga kanta. Alam ko ring... may hindi magandang mangyayari sa kaniya bago 'yon."

"Ah... suwerte ka sa panganay mo at maaasahan mo itong si Jeon. Napakaresponsableng bata." sabi ni Elijah habang tinitignan si Jeon.

"Pero napakalamig ng puso sa ibang tao." biglang nasabi ni Savannah na seryosong nakatingin kay Jeon na nilalaro ang sanggol na kapatid kasama si Skye.

"May pinagmanahan..." sabi ni Elijah na binibigyan ng makahulugang tingin si Owen. Natawa naman si Savannah.

"Nakuha niya ang pagkasuplado ni Icarus sa ibang tao at pagiging responsableng prinsipe ng kaharian noon."

"Skye," tawag ni Savannah kay Skye.

"Ano nga ulit ang pangalan niyang bunso niyo?"

"Milo!" tuwang-tuwang sagot naman ni Rafa.

"Ah... si Rafa habulin ng mga babae." sabi ni Elijah nang mabaling ang tingin kay Rafa nang magsalita ito.

"Kanino pa ba magmamana, 'di ba?" sabi ni Owen na may pataas-taas pa ng kilay.

"Kanino nagmana ng pagiging babaero si Rafa?" tanong ni Savannah na nakakunot ang noo matapos makita ang hinaharap ng bata.

"Baka siya lang talaga. Hindi naman babaero 'tong si Icarus." sagot ni Elijah.

"Milo... hay nako, Milo. Ngayon palang nakikita ko na kung gaano ka ka-pasaway." nakapikit na saad ni Savannah habang umiiling-iling at nakahawak pa sa noo niya.

Humarap si Elijah kay Icarus matapos makita ang pahapyaw ng kapalaran ng mga anak ni Icarus.

"Icarus, alam mo namang... hindi ganoon kasaya ang kahihinatnan ng mga anak mo, 'di ba? Walang nabago ang pakikipaglaro mo ng apoy sa oras." seryosong sabi ni Elijah.

"Sinubukan ko kung anong magagawa ko para mabago ang mga nakatakdang kapalaran nila pero mukhang wala na nga akong magagawa. Hindi naman talaga masaya ang maiwan ng taong mahal mo. Ngayon palang, nalulungkot na ako para sa kanila pero wala naman akong magagawa kung magmamahal sila ng mortal." sagot ni Icarus at lumapit na sa mag-iina niya.

Natuloy ang naudlot na pagmamahalan pagkatapos ng lahat ng pagsisisi at pagbabayad sa mga kasalanang nagawa. Hinatulan man si Icarus ng panghabang-buhay na kaparusahan ay nakamit rin niya ang panghabang-buhay na gantimpala sa kaniya ng Nasa Itaas para sa kaniyang mga kabutihang nagawa.

Masayang namuhay sina Icarus at Sena sa bagong mundo bilang sina Owen at Skye Farrell kasama ang kanilang mga anak na sina Jeon, Rafa, Jolo at Milo. Sama-sama at tulung-tulong na itinaguyod ng pamilyang ito ang SKY na siyang nangungunang kumpanya sa bansa. Sila ang patunay na hindi hadlang ang kamatayan sa pagmamahalang itinadhana sa dalawang taong lubos na nagmahalan at patuloy na nagmamahal.

~fin

SenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon