Isa lang akong tipikal na estudyante na sa sobrang malas ay laging nalalagay sa alanganin. Namatay ang mga magulang ko noong bata palang ako at hindi kagaya ng iba, walang thrill o excitement ang buhay ko. Pero lahat ng 'yon ay nagbago nang may makilala akong guardian at nalaman ko na parte pala siya ng nakaraang buhay ko.
FIRST
"Tulong! Tulong!" nangangatal na sigaw ko nang macorner na ako.
"Walang makakarinig sayo rito!" Sampal sa akin ng mama at sinira ang blazer ko.
Kanina lang naglalakad ako nang dakipin ako ng lalaking 'to at dalhin sa lugar na 'to. Medyo madilim at mukhang abandonadong building. Mukhang walang taong makakarinig sa akin kaya nawalan na rin ako ng pag-asang may magliligtas pa sa akin.
"'W-Wag mo akong saktan..." naiiyak na sabi ko.
Nagulat ako nang bigla siyang tumalsik palayo sa akin kaya agad akong tumayo para tumakbo.
"A-Anong nangyayari?? Bakit ako nandito?" tanong niya.
Bigla rin akong naguluhan sa sinabi niya. Bakit nga naman siya nandiyan? Lumipad siya tapos hindi niya alam? Hindi ko man maintindihan kung anong nangyari, tumakbo na agad ako palabas.
Nang makalayo na ako sa building na 'yon at mukhang hindi na ako susundan nung lalaki, naglakad na ako nang normal dahil hinihingal na rin ako. Napatingin ako sa blazer kong pinunit ng lalaki kanina. Ano ba naman 'to, ang nipis pa naman ng blouse ko sa loob. Badtrip kasi 'yung kidnapper/rapist na 'yun eh.
Napayakap nalang ako sa sarili ko dahil malamig ang simoy ng hangin at giniginaw na ako.
"Sana may magmagandang loob na dumating at alukan ako ng kahit anong pantapal."
"Oh."
"Waaaaah!!!" sigaw ko nang may nagsalita mula sa likod ko at may naramdaman nalang akong bagay na nakapatong sa ulo ko.
Napatingin naman ako sa likod ko at nakaramdam ng pagpatong ng... coat? Pero walang tao. Sino kaya 'yun?
Nilibot ko ang paningin ko.
"Sino 'yun? Sino ka? Magpakita ka kung sino ka man!"
Minumulto na kaya ako? Bakit naman may invicible na tao ang magbibigay sa akin ng coat?
"Ano na naman bang kailangan mo?"
Napatingin ako sa likod ko. Multo?
Matangkad na lalaki. Itim ang buhok niya at maputi siya. Gwapo siya para sa isang multo pero bakit naman niya ako bibigyan ng coat?
"I-Ikaw 'yung nagbigay sa akin ng coat?" tanong ko.
"Oo." tipid na sagot niya na para bang hindi siya interesadong makipag-usap.
Mukha siyang masungit tapos nakapoker face lang siya. May kakaibang feeling ako sa kaniya.
"Spirit ka ba?" tanong ko.
Bumuntong hininga siya.
"Wala ka na bang ibang sasabihin?"
"Uhm, marami sana akong gustong itanong." sagot ko.
"Wala akong panahon sa mga tanong mo." sagot niya at tumalikod na sa akin. Nagulat ako dahil bigla nalang siyang nabalot sa usok.
"Wait lang—!" Habol ko sana pero bigla na siyang nawala.
Bigla siyang nawala. Multo nga kaya siya?
Naglakad naman na ako pauwi sa tinutuluyan ko.
"Ah ito na pala siya!"
Biglang may umakbay sa akin na lalaking mukhang adik. Ano ba naman 'to, talaga bang lapitin ako sa disgrasya? Kung hindi kidnapper/rapist, holdaper ang lumalapit sa akin. Ganito ba ako kapangit?
"Huwag kang magkakamali ng kilos kung ayaw mong mamatay." mahinang sabi niya at naramdaman ko ang patalim sa tagiliran ko.
"W-Wala po akong dalang pera, a-atsaka ito lang po ang cellphone ko." Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone kong keypad lang. Hindi naman kasi ako nagdadala sa labas ng mamahaling phone dahil nga sayang lang kung makuha lang sa mga ganitong bagay.
"Ano ba naman 'to! Pumunta tayo sa bahay mo, dalian mo!" mahinang utos niya.
"P-Pero wala po kayong makukuha sa akin." insist ko dahil wala naman talagang mananakaw sa bahay ko dahil hindi naman ako mayaman.
Naramdaman kong medyo lumuwag ang pag-akbay niya sa akin kaya nang makahanap ako ng tyempo, mabilis akong kumalas sa kaniya atsaka tumakbo palayo sa bilis na kaya ko.
"TULONG!!!! TULUNGAN NIYO AKO!!!" sigaw ko habang mabilis na tumatakbo.
Please sana may dumating at tulungan ako.
Biglang tumaas ang mga balahibo ko at nakaramdam ng malamig na hangin. Tumingin ako sa likod at nakakita ng blue na usok. Nakita ko 'yung lalaking nagbigay ng coat sa akin kanina na naka-crossed legs na nakaupo at may hawak na libro.
Wala namang upuan doon kanina ah?
Napatingin-tingin siya sa paligid at nakita ako atsaka nagbuntong-hininga bago tumayo.
"Ano na naman bang kailangan mo?" may inis na tonong tanong niya.
"Hoy babae!!!" Napatingin kami pareho doon sa holdaper. Tinaas nung lalaking nagbigay sa akin ng coat ang kamay niya at tinapat 'yun sa lalaki atsaka tumalsik 'yung holdaper palayo.
P-Paano...
Ang lakas niya! Hindi ko na nakita kung saan tumalsik yung lalaki dahil sa layo ng tinalsikan niya.
"Ilang beses ka bang nalalagay sa panganib sa loob ng isang araw ha? Atsaka pwede ba, bakit mo ba ako laging tinatawag? Kung nalagay ka sa alanganin, hindi ko na kasalanan 'yon at wala akong kinalaman doon."
"Teka, teka. Hindi naman kita tinawag atsaka hindi ko nga alam ang pangalan mo, paano kita tatawagin?" sagot ko. Ang sungit-sungit ng lalaking 'to akala mo kung sino eh!
Umiling-iling siya atsaka tumalikod sa akin at bigla na namang nawala.
Hmmm... iniwan niya 'tong upuan. Hindi niya kaya kaya magteleport na may dalang ganitong bagay? Sino kaya 'yun?
¤¤¤