TWENTY-FIRST
Skye
"Oh, naglalaba ka na ah. Napansin ko ring ikaw naghugas ng mga pinggan kanina." sabi ni Icarus na may halong pang-aasar."Hindi kita mababayaran ng rent dahil hindi pa ako nakakahanap ng trabaho pero magta-trabaho ako rito sa bahay so i-consider mo na 'yun na bayad sa rent." sabi ko. Tumatangu-tango siya at umalis na.
"Multo..."
"Ay, kabayo!" gulat na sigaw ko at agad na napalingon kay Soul Keeper na nakapoker face.
"Puwede ba huwag ka na dumagdag sa problema ko? Problema ko na kung paano magbabayad ng rent para hindi ako mapalayas tapos pro-problemahin ko pa ba naman pati 'tong buhay ko, ha? Please kunin mo nalang yung soul ko kapag namatay na talaga ako." sabi ko.
"Sinasabi mo riyan? Hindi kita tiwawag dahil doon." sagot niya. Nakapoker face, as usual.
"Ha?" tanong ko. Eh bakit siya lumapit sa akin?
"A-Anong magandang pangalan?" tanong niya na pasulyap-sulyap lang sa mata ko, hindi siya makatingin nang diretso at mukha nahihiya siya.
Oo nga pala, wala siyang pangalan! Pero bakit naman niya naisipang magkapangalan?
"Bibigyan kita pero sa dalawang kondisyon." sagot ko.
"Hindi kita kukunin hangga't hindi ka talaga namamatay." mabilis na sabi niya.
"Hindi 'yun!"
"Huh?" nagtatakang tanong niya.
"Puwede ba kitang maging at tawaging oppa?" Sandali siyang natahimik. Aaahh... hindi yata niya alam kung ano 'yun.
"Kapatid 'yun na mas nakakatanda. Wala kasi akong kapatid at madalas kong hilingin na sana may mas matanda akong kapatid." paliwanag ko.
"Ano yung pangalawa atsaka bakit hindi yung guardian?" tanong niya. Kinuha ko yung phone ko at may pinakitang picture sa kaniya. Chibi version namin ni Icarus hihi.
"Kamukha naman namin, 'di ba?" Pakita ko sa kaniya at tumangu-tango nalang siya.
"Hindi ko siya puwede maging oppa kasi..." Sinenyasan ko siyang ilapit ang tainga niya sa akin kaya ginawa naman niya.
"Crush ko si Icarus." bulong ko.
"Icarus ang pangalan niya?" tanong ni Soul Keeper at tumangu-tango ako.
"Ang cool, 'di ba?" tanong ko.
"At bakit mo pinagkakalat ang pangalan ko?"
"Ay poklay!!" gulat na sigaw ko nang biglang may magsalita sa 'di kalayuan. Si Icarus.
"Bakit ka nandito? Ang chismoso mo ah!" saway ko sa kaniya.
"Baka nakakalimutan mong nasu-summon mo ako kapag sinasabi mo ang pangalan ko?"
"Oo nga pala! Dapat pala inispell ko nalang, pero o siya umalis ka na at may pinag-uusapan kami." taboy ko sa kaniya at nawala naman na siya.
"Sige, payag ako." sabi niya at nagtatalon naman ako sa tuwa.
"Tingin ko bagay sayo ang pangalang... Eli." nakangiting sabi ko sa kaniya.
"Paano mo nalamang para sa akin yung pangalan?" nagtatakang tanong niya, nakapoker face pa rin siyempre.
"Kasi alam kong wala kang pangalan pero bakit nga ba walang pangalan ang mga soul keeper?" tanong ko.
"Nung maging soul keeper kami, pinapili kami kung gusto ba naming maalala ang nakaraang buhay namin o hindi. Halos siguro lahat piniling makalimot kaya lahat ng kakilala kong soul keeper hindi rin alam ang pangalan nila. Sabi nila, nagiging soul keeper daw ang mga taong naging makasalanan noong nabubuhay pa sila kaya siguro marami talaga kaming pinili ang makalimot para makalimutan ang mga kasalanan namin." explain niya.
"Wait, wait. So, tao kayo dati?" tanong ko at tumango siya.
"Salamat sa pangalan, multo." sabi niya at pumasok na sa kwarto niya.
~•~
"Mas maganda 'tong map na 'to oh! Tignan mo, umiikot!" Pakita ko kay Icarus ng tornado map.
"Blobby,"
Napalingon naman ako sa kaniya.
"Bakit?"
"Narinig ko yung pinag-uusapan niyo kanina ni Soul Keeper." saad niya.
"Sabi na nga ba chismoso ka eh!"
"Hindi ako chismoso, 'no! Nasa kusina lang ako kaya narinig ko pinag-usapan niyo pero... bakit Eli ang napili mong pangalan?" tanong niya.
"Naalala mo noong pinalayas ako sa library dahil sayo? Yung binabasa kong book ang bida roon pangalan Eli atsaka somehow, feeling ko bagay sa kaniya yung pangalan." sagot ko naman.
"Ah," Lang ang nasagot ni Icarus.
"May papakita pala ako sayo pero bakit mo natanong?" tanong ko.
"May kilala rin kasi ako dating tinatawag na Eli... anyway, ano yung ipapakita mo?" Pinakita ko naman sa kaniya yung picture na pinakita ko kanina kay Soul Keeper.
"Kyaaaahh!! Tignan mo ang cute ng panda oh." Turo ko sa damit nung chibi na ginawa ko at tumawa naman siya.
"Mukha ka ng panda, tignan mo 'yang eyebags mo HAHAAHA!" Napasimangot naman ako.
Pesteng 'to, nang-asar pa.
¤¤¤
![](https://img.wattpad.com/cover/110087119-288-k83873.jpg)