Lost Memories

184 100 3
                                    

TWENTY-FOURTH

Icarus


"I or E?" tanong ni Zeke, nakatuon ang atensyon sa cellphone niya.

"E." sagot ko naman.

"Sena... Sena..." sambit ni Zeke habang nakatingin sa cell phone niya.

"Ang bagal ng data ko."

"Hmmm marami siyang meaning..." nasabi ni Zeke na hindi inaalis ang tingin sa cell phone niya.

"Pero tingin ko ito ang hinahanap mong meaning Hyung, 'bringing heaven to earth.'"

Napatingin ako sa stage nang may tumunog na nakakaagaw pansin habang nagtatanggal ng nakasukbit sa kaniyang gitara si Skye atsaka siya kumanta.

"See Ya, never gone my way 🎶"

"Better will someday, never far away 🎶"

Napahawak ako sa ulo ko nang biglang nagkaroon ng mabibilis na mga alaala sa utak ko. Ang gulo. Ang bilis ng lahat. Hindi ko alam kung saan magsisimula.

"Saan ka pupunta, mahal na prinsipe?" tanong ng tagapagpayo sa akin. Ang matandang hindi nagsawang payuhan ako mula pagkabata hanggang pagtanda at isa sa mga taong naging dahilan kung bakit ko ginustong maging haring malapit sa mga mamamayan.

"Sa ibang kaharian. Mamumuhay ako bilang normal na mamamayan. Gusto kong malaman at maranasan kung paano sila mamuhay. Gusto kong malaman kung anong makakabuti sa kanila upang matulungan ako nito sa pagdedesisyon kapag pumalit na ako sa mahal na hari."

"H'wag ka na pong umalis, Kamahalan." pigil niya sa akin ngunit sa puntong 'yon ay sigurado na akong walang sinuman ang makakapigil sa akin.

"Buo na ang desisyon ko."

"See Ya, never gone my way 🎶"

"Better on my stay, never far away 🎶"

"Pinipili kita bilang malapit na kawal na magbabantay sa kapatid kong si Prinsesa Sena." sabi ni Haring Elijah at binigyan ako ng basbas. Ito ang araw kung kailan napili akong maging isa sa mga kawal maglilingkod sa prinsesa ng kaharian ni Haring Elijah. Ang araw na tuluyang nakapagpabago sa takbo ng buhay ko.

"Round and round and I never know why 🎶"

"Ikaw pala ang kawal na kinukwento sa akin ng hari. Ako pala si Sena." pagpapakilala ng pinakamagandang dilag na nakita ko sa buong buhay ko. Mayroon siyang mga matang nagniningning katulad ng mga bituin sa langit, balat na tila nyebe, at mapupulang labing maihahambing sa lilang rosas.

SenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon