Her Decision

163 96 0
                                    

THIRTY-SIXTH

Skye

*sip*

Ako ba talaga yung Sena na 'yun?

*sip*

Aish! Bakit ba kasi wala akong maalala!

Humigop ako nang marami.

Ay tanga, brainfreeze!

Tinap-tap ko ang ulo ko at baka sakaling mawala ang brain freeze ko huhu. Bigla namang may umupo sa tapat ko kaya napatingin ako.

"Harris Oppa." bati ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin.

"Nalaman mo nang ikaw si Sena, 'di ba?"

Napabuntong hininga naman ako.

"Oo.." Higop ko sa drink ko.

"Alam mo bang ako ang kumuha sayo kay Icarus?" tanong niya.

Napatingin ako sa kaniya.

"Paanong... kumuha?"

"Noong nasaksak ka ni Xantheos at pagkatapos patayin ni Elijah si Xantheos at ang sarili niya, binuhat ka ni Icarus at sinama sa mahabang-mahabang paglalakad niya. Nang napaluhod na siya sa lupa at hindi na kaya ng mga paa niyang maglakad, doon ako nagpakilala at sinabi sa kaniya na paparusahan siya ng Lumikha dahil sa mga buhay na kinuha niya."

"Paano mo sinabi?" tanong ko.

"Sinabi ko lang na paparusahan siya, pero yung parusa, Siya mismo ang nagsabi."

"Anong... sinabi Niya?"

"Bilang parusa, hindi mo makakalimutan ang mga kasalanan mo at makakalimutan mo ang tanging nagpapaligaya sa'yo. Mabubuhay ka sa panghabang buhay at pagdurusa ang mararanasan mo. Pagbabayaran mo ang mga kasalanang ginawa mo hangga't nabubuhay ka sa mundong 'to. Pagsasama-samahin lahat ng buhay na kinuha mo at bawat isang tao ay isang taon, kapag naubos lamang ito atsaka mo matatagpuan ang makakapagpatigil sa habang buhay na parusa sa'yo. Matatapos lamang ang kalungkutan pagdating ng pag-ibig at ang pag-ibig ay walang kamatayan. Walang makakasakit sa'yo, maliban nalang sa nag-iisang hindi mo kayang saktan. Walang makakapatay sa'yo, maliban nalang sa nag-iisang hindi mo kayang patayin. Ang nagsimula lang ang may kakayahang magtapos. "

Napahigop ako sa drink ko.

"Si I C A R U S lang ba ang nakakaalala ng nangyari? Atsaka si Xantheos?" tanong ko.

"Lahat sila nakakaalala maliban sayo." sagot niya kaya halos mabuga ko sa mukha niya ang iniinom ko sa sobrang gulat.

"ANO??!!"

Para naman akong tanga nito, wala silang sinabi sa akin na kahit ano tapos lahat pala sila may alam.

"Please, h'wag mong itanong sa akin kung bakit hindi ka makaaala dahil hindi ko rin alam. Hindi ako ang kumuha ng mga alaala mo kundi Siya kaya Siya lang din ang makakapagpabalik nun."

"A-Anong magandang pangalan?" tanong niya na pasulyap-sulyap lang sa mata ko, hindi siya makatingin nang diretso at mukha siyang nahihiya.

Napatingin ako kay Harris Oppa.

"S-Si Eli Oppa ba..." sabi ko at tumangu-tango siya.

"Oo nga pala, tungkol diyan sa espada..."

~•~

Sinipa ko yung maliit na bato tapos sinipa ko ulit siya kung saan siya huminto nang bigla akong mapaisip.

Hahayaan ko bang pumunta ako kung saan mang direksyon ko masipa 'tong batong ito o sisipain ko siya kung saang direksyon ko gustong pumunta? Either way, ako pa rin naman yung sumisipa sa bato kaya kahit saan siya mapunta, ako ang may gawa nun.

Sinipa ko nalang siya basta at sinundan kung saang direksyon man siya pumunta. Wala rin naman akong balak bumalik. Kailangan kong mapag-isa para makapag-isip.

"Hindi mo makakalimutan ang mga kasalanan mo at makakalimutan mo ang tanging nagpapasaya sayo..." Nasabi ko. Si Sena ba ang nakakapagpasaya kay Icarus?

Alam kong ako yung Sena pero ang weird pa rin sabihing ako 'yun dahil wala naman akong maalalang ako 'yun.

Pagsipa ko sa bato, bigla yung may natamaang sapatos kaya nagbow ako.

"Mian–"

"Umuwi na tayo." sabi niya at biglang hinawakan ang kamay ko. Nagulat ako kaya napatingin ako sa natamaan ko at nakahinga naman na nang maluwag nang makilala siya.

Sobrang saya ko dahil kasama ko siya ngayon. Yung puso ko talon nang talon sa saya. Hinihiling ko na sana hindi na niya ulit bitawan ang kamay ko. Sana hindi na matapos 'to.

Pero dumating kami sa bahay at ang ingay ni Zeke Oppa, pft.

"Saan kayo galing? Nagdate kayo? Pero kakaalis mo lang hyung ah? Ang bilis naman." sunud-sunod na tanong ni Zeke Oppa.

"Ikaw, bumalik ka na sa tatay mo at h'wag ka na manggulo dito." sagot sa kaniya ni Icarus.

"Too late, nalipat ko na mga gamit ko dito." ngiting-ngiting sagot ni Zeke Oppa.

Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Icarus sa akin at naglakad na ako papuntang kwarto ko at pumasok sa loob. Umupo ako sa kama at huminga nang malalim.

Sobrang down ng mood ko ngayon.

"Ayos lang ba pakiramdam mo?"

"Ay, poklay!" Nakita ko naman si Icarus na nakatayo sa gilid ng kama ko.

"Uso gumamit ng pinto." sabi ko at bigla naman siyang humiga sa lap ko.

"Sabi mo sa akin, isa lang ang naging kaibigan mo. Sino 'yun? Si Xantheos ba?" tanong niya.

"Hindi si Terrence, 'no. Si Sav unnie. Sinabi sa akin ni Terrence nung una palang kaming magkita na ayaw niya akong maging kaibigan. It's either papakasalan niya raw ako or papatayin niya ako. Akala ko nun biro lang yung pinagsasabi niya kasi nakangiti siya habang sinasabi 'yun."

"Aaahh..." nasabi niya.

"Kantahan mo ako." Pikit niya ng mga mata niya. Ginawa niyang unan yung lap ko at niyakap niya yung unan ko, ayos talaga eh.

Sumandal ako sa headboard ng kama kaya nag-adjust siya at humiga ulit sa lap ko.

"It's just another night and I'm staring at the moon 🎶"

"I saw a shooting star and thought of you 🎶"

Nakita kong napangiti siya dahil sinunod ko yung request niyang kumanta ako kaya napangiti rin ako nang kaunti atsaka nagpatuloy sa pagkanta.

"I sang a lullaby by the waterside and knew if you were here I'd sing to you 🎶"

"You're on the other side as the skyline  splits in two, miles away from seeing you 🎶"

"But I can see the stars from America 🎶"

"I wonder do you see them too 🎶"

I brushed his hair through my fingers as I sing.

"So open your eyes and see the way our horizons meet 🎶"

"And all of the lights will leave into the night with me 🎶"

"And I know these scars will bleed but both of our hearts believe 🎶"

"All of these stars will  guide us home 🎶"

And a tear fell down my face.

¤¤¤

SenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon