Fairytale

278 113 0
                                    

SEVENTH

Skye

"Ngayon, iku-kwento ko sa inyo ang istorya ng sinaunang mga kaharian." sabi ng lalaki.

Madalas akong nandito dati kapag walang pasok at ngayong wala na talagang pasok, madalas na talaga akong nandito. Ang gaganda kasi ng stories dito; may mystery, fairytales at marami pang iba. Ang galing pa nung nagku-kwento kasi maiimagine mo talaga ang nangyayari sa pagku-kuwento niya.

"Dati, may prinsipeng umalis sa kaharian niya at nanirahan bilang simpleng mamamayan sa kaharian ni Haring Elijah. Hindi nagtagal, naging kawal siya sa palasyo at naatasang maging bantay sa prinsesang kapatid ng hari. Matagal silang nagkasama ng prinsesa kasabay ng pagiging matalik na magkaibigan nila ng hari. Hindi nagtagal, nahulog nang tuluyan ang kawal sa prinsesa. Hindi man nila sinasabi, alam nilang may pagtingin sila sa isa't isa." simula nung lalaki ng kuwento pero sa pagkakataong 'to, hindi maganda ang pakiramdam ko sa kuwento niya. Napahawak ako sa dibdib ko, parang bigla siyang bumigat.

"Pero isang araw, ipinagkasundo ni Haring Elijah ang nag-iisa niyang kapatid sa ibang kaharian kung saan bagong hari si Haring Xantheos. Siguro naiimagine niyo matanda na sila Haring Elijah at Haring Xantheos, 'no?" Napatango naman ako kasabay ng mga batang nakikinig din.

"15 years old naging hari si Haring Elijah tapos ilang years na rin siyang hari so siguro mga twenty plus lang sila, mga 26 or 27 kasama na ang prinsipeng kawal at mas bata ng 8 years sa kanila 'yung prinsesa." sagot ng nagku-kwento at napatangu-tango naman kami.

"Maagang namatay ang mga magulang ni Haring Elijah at ng prinsesa kaya bata pa si Haring Elijah nang maging hari siya. Ninais ni Haring Elijah na magpalakas ng kaharian sa pamamagitan ng wedlock. Mabilis namang pumayag si Haring Xantheos dahil kilala ang kapatid ni Haring Elijah bilang pinakamagandang dilag sa balat ng lupa. Maraming kaharian ang pumupunta sa kaharian nila para lang kunin ang kamay ng prinsesa na siyempre, hindi naman pinayagan ng kapatid niyang hari."

"Dahil po ba matanda na 'yung ibang haring pumupunta kaya hindi pumayag si King Elijah?" tanong ng isang bata at natawa naman 'yung nagku-kuwento.

"Siguro. May mga nagsasabi pa nga na pinapatay pa ng ibang hari ang asawa nila para lang maging malaya ulit at mahingi ang kamay ng prinsesa kaya marami talagang babaeng ayaw noon sa prinsesa."

"Kawawa naman 'yung mga reynang napapatay." nasabi ko.

"Haba ng hair nung prinsesa!" comment ng isang batang bading yata at nagtawanan ang iba pang nakikinig.

"Nung malaman ng prinsipeng kawal na ikakasal na ang prinsesa, nagtapat siya sa hari na gusto niyang pakasalan ang kapatid nito. Hindi naman pumayag si Haring Elijah na kawal lang ng palasyo ang mapakasalan ng kapatid niya kaya inisip ng prinsipeng kawal na umamin sa hari na prinsipe siya sa ibang kaharian, nagbabakasakaling pumayag na ito. Nang malaman ng hari kung saang kaharian nagmula ang prinsipe, nagalit siya dahil nalaman niyang 'yun ang kahariang nagpapatay sa mga magulang niya. Inutos ni Haring Elijah na ipapatay ang prinsipeng kawal na pinigilan naman ng prinsesa at sumama ito sa prinsipeng nagpanggap na kawal. Nang malaman 'yun ni Haring Elijah at Haring Xantheos, nagpadala sila ng maraming kawal na kukuha sa prinsesa para ibalik sa kaharian at papatay sa prinsipe. Maraming napatay na kawal ang prinsipe kaya sinamba siya ng mga taong nakarinig sa istorya ng pakikipaglaban niya na kahit 'yung ibang kawal na ipinapadala para patayin siya ay tumanggi na sa mga hari."

"Nakabalik ang prinsipe sa kaharian niya at sinalubong siya ng papuri ng mga tao niya pero paggising niya kinabukasan, nabalitaan niyang ipinabalik ng ama niyang hari ang prinsesa sa kaharian nito dahil hindi niya ito tanggap bilang asawa ng anak. Mabilis na bumalik ang prinsipe sa kaharian ni Haring Elijah ngunit nabalitaan niyang nasa kaharian ito ni Haring Xantheos para sa kasal ng prinsesa at pagkorona rito bilang reyna ni Haring Xantheos."

"Nagbabala ang prinsipe na sinumang humarang sa dadaanan niya ay dadanak ang dugo sa lupa pero humarang pa rin ang mga kawal kaya naman pinatay niya lahat ng humarang sa daan niya at nakarating sa loob ng palasyo kung saan nagaganap ang kasal habang dala-dala ang espada niyang puno ng dugo ng iba't ibang tao. Nang makita siya ng prinsesa, tumanggi itong magpakasal sa hari kaya nagalit ito."

"Alam niyo ba kung anong sinabi ni Haring Xantheos?" tanong ng nagku-kuwento.

"Patayin 'yung prinsipeng kawal?" hula ng isang bata.

Nakangiti namang umiling-iling ang nagku-kuwento.

"Ang sinabi ni Haring Xantheos, 'kung hindi ko makukuha ang babaeng 'to, walang sinuman ang makakakuha sa kaniya' at pinatay niya ang prinsesa."

Lahat kami nagulat at mas bumigat ang puso ko. Pakiramdam ko may pumipiga rito dahil ang sikip na niya at ang bigat sa pakiramdam.

"Ang sabi, pinatay ni Haring Elijah si Haring Xantheos at pinatay din niya ang sarili niya. Pero 'yung prinsipe, walang nakakaalam kung anong nangyari sa kaniya."

"Ang lungkot naman ng ending." sabi ng isang bata na naluluha-luha na.

Ngumiti 'yung nagku-kuwento.

"Wala naman akong sinabing tapos na ang istorya, ah?"

¤¤¤

SenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon