FORTY-SECOND
Elijah
"Hay, nakakamiss din may makulit at maingay na babae sa bahay." Unat ni Zeke at tumayo mula sa pagkakaupo. Bigla ko namang siyang pinandilatan ng mata at nginusu-nguso sa kaniya si Icarus. Baka magtaka si Icarus sa sinabi niya.
Patay.
Humarap sa direksyon namin si Icarus na nakakunot ang noo.
"Babae sa bahay?"
"A-Ah.... y–yung ano, Hyung... yung m–mga maids sa bahay n–ni Daddy..." palusot ni Zeke.
"Bakit ka nga naman kasi nandito atsaka kailan ka ba–" Bigla siyang napatingin sa kamay niya at napatingin sa kwarto dati ni Skye. Bumilis naman ang kabog ng dibdib ko. Mas intense pa 'to sa mga KDramang napapanood ko.
"May naging tenant ba tayo dati?" tanong niya kaya nagkatinginan kami ni Zeke.
"Wala." - Ako
"Meron." - Zeke
Mas lalong kumunot ang noo ni Icarus. Napapikit naman ako. Bakit ba hindi ko hinypnotize si Zeke nang pareho kami ng sagot. Si Icarus kasi hindi ko mahy-hypnotize.
Umupo si Icarus sa sofa at binuksan yung TV atsaka naglipat-lipat ng channel.
"Hello New Yoooork!!!" rinig ko sa TV. Lumapit naman ako kay Zeke.
"Ano yung kanina? Muntikan na tayong mabuking dahil sa sagot mo!" bulong ko.
"Eh kasi baka may mga onting nagfa-flashback sa ulo niyang memories eh kaysa naman magtanong pa siya nang magtanong sa future edi mas okay nang isipin niya na yung 'tenant' lang yung naaalala niya." sagot niya.
"Dahil sa ginawa mo, magtataka na sa atin 'yan." sagot ko.
"Pinalagpas naman na niya, Hyung eh. Okay na 'yun." sagot niya.
"Paano 'pag nakaalala 'yan, ha?" sabi ko.
"Chill lang, Hyung–"
"I can hear your heart on the radio, it beats 🎶" Napatingin kami pareho kay Icarus na kumakanta.
"They're playing 'Chasing Cars' and I thought of us 🎶"
Sinasabayan niya yung nasa TV kaya napatingin kami pareho ni Zeke sa TV. Sobrang daming tao, parang mga langgam yung nakalagay sa screen. Concert yata.
"Back to the time you were lying next to me 🎶"
"I looked across and fell in love 🎶"
"So I took your hand back through lamp-lit streets and knew 🎶"
"Everything led back to you 🎶"
"So can you see the stars over Amsterdam? 🎶"
