TWENTY-SECOND
Icarus
"Tinititigan mo riyan?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Harris.
"Yung sandatang papatay sa akin." sagot ko.
"Papatayin ka ng lupa?" tanong niya at tumingin sa direksyong tinitignan ko.
"Yung espada." sagot ko. Nilapit naman niya yung mukha niya sa tinuro ko.
"Ah... ayan pala yung Vanishing Sword." sagot niya.
"Vanishing Sword?" kunot-noong tanong ko.
"Yung binalita sa TV! Hindi ka ba nanonood ng balita?" sabi niya habang tinitignan sa iba't ibang anggulo yung espada.
"Hindi eh." sagot ko.
"Nakita 'to nung kailan ng mga tao at nadiscover nila na depende sa anggulo ng tao kung paano nila makikita yung espada." kuwento niya.
"Pero nakikita ko naman siya kahit saang anggulo ako tumingin ah." sabi ko naman.
"Eh siyempre ito nga yung papatay sayo, 'di ba? Dapat nga ikaw yung nagtatago sa kaniya eh." saad pa niya.
"Pero nakakapagtaka lang, sinubukan 'yang tanggalin ni Skye pero hindi niya nagawa at tumalsik pa siya na para bang tinulak siya nung espada." kuwento ko. Bigla naman niya akong kinalabit at lumayo sa espada na para bang nakakita ng multo, mukhang hindi man lang niya napansin yung sinabi ko.
"I-Ito yung espada mo, 'di ba? Yung dala-dala mo sa eksaktong puwesto na 'to no'ng kunin ko sayo yung prinsesa at sabihin sayong paparusahan ka. Ito 'yun, 'di ba?" gulat na tanong niya na para bang ngayon lang niya narealize 'yun. Naguluhan naman ako bigla sa sinabi niya.
"Alam kong sa akin 'yang espada pero... prinsesa?" naguguluhang tanong ko. Hindi ko alam ang tinutukoy niyang prinsesa.
Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sinong prinsesa yung sinasabi mo?" tanong ko.
"Hindi mo... maalala yung prinsesa?" tanong niya at umiling naman ako. Napakamot siya sa ulo niya.
"Bakit ka pinarusahan?"
"Dahil... marami akong napatay noong..." sabi ko habang inaalala ang nangyari noon.
"H'wag kayong humarang sa dadaanan ko kung ayaw niyong dumanak ang dugo sa lupaing ito." wika ko sa mga kawal na nakaharang sa harapan ko.
"Hinatulan ng kamatayan si Prinsipe Icarus na nagpanggap na kawal sa kaharian ni Haring Elijah at dumakip sa kapatid nito. Mahigpit din na ipinagbabawal ni Haring Xantheos ang paglagpas mo rito." sagot ng punong kawal.
I drew my sword as I continue to step forward.
I badly wanted to enter that gate.
But why?
"Noong...?" tanong ni Harris kaya napatingin ako sa kaniya, patuloy siyang naghihintay ng kasagutan mula sa akin.
"Mauna na ako, may kailangan pa akong gawin." sabi ko at tumalikod.
"Basta kung may gusto kang malaman, tanungin mo lang ako!" pahabol niya at napunta ako sa library.
May kailangan akong malaman.
Skye
~•~Kumatok ako sa pinto. Binigyan nga ako ng susi sa gate, wala naman sa main door. Galing.
Naghintay ako ng ilang segundo pero walang sumagot kaya kumatok ulit ako.
"Tao po? Icarus?" Patuloy ko sa pagkatok. Bigla namang humangin sa likod ko kaya napalingon ako.
"Icarus!" sambit ko sa pangalan niya nang makita siya.
"Hindi niyo ako binigyan ng susi sa main door." Sinimangutan ko siya.
"Wala rin akong susi sa main door." sabi niya at pinasok sa loob ng coat niya ang librong hawak niya.
"Asan ka pumunta? Bakit may hawak kang libro?" tanong ko.
"Sa library lang. Pumasok na tayo." saad niya at naglakad papunta sa pinto.
"Teka teka, wala tayong susi—" Dire-diretso niya akong hinila at pagdilat ko ng mga mata ko, nasa loob na kami. Oo nga pala.
"Kakauwi mo lang? Bakit naka uniform ka? Akala ko ba wala nang pasok? 'Di ba nagboard exam ka na?"
"Wait lang, easy-easy naman sa tanong. First, oo kakauwi ko lang. Second, pumasok ako sa school kaya ako nakauniform. Third, may pasok po, last week lang wala kasi sembreak. Fourth, pangalawang course ko po yung pinasukan ko kanina at yung board exam na kinuha ko is doon sa una kong tinapos na course." paliwanag ko.
"Pangalawa—pangalawang course mo na??" sabi niya at napatakip sa bibig niya sa gulat.
"Ilang taon ka na ba? Ang bata-bata mo pa ah."
"Matalino po ako." Wink ko sa kaniya habang tinatap yung temple ko.
"Teka, sama ka sa akin! Sama kayo, dali!" aya ko sa kanila.
"Saan naman?"
"Kakanta ako!" nakangiting sagot ko.
"Sige." tipid na sagot naman niya.
¤¤¤
