SIXTEENTH
Skye
"T-Thank you sa pagligtas sa akin kanina." pagpapasalamat ko kay Icarus pagbitaw niya sa akin. Humarap siya sa akin at bakas sa mukha niya ang inis.
"Bakit mo ba ako pinigilan? Gusto mo bang makabiktima pa sila ng iba? Paano kapag ginawa nila ulit 'yon? Masuwerte ka lang dahil nasu-summon mo ako pero paano yung iba?!"
"Hindi nila sinadyang mabitawan ako, dumulas lang yung kamay nila sa pagkakahawak sa braso ko—"
"Muntikan ka na nilang mapatay at hindi malabong magawa nila 'yun sa iba!"
"Hindi naman solusyon ang kamatayan sa lahat ng problema!" sigaw ko rin sa kaniya. Naiinis na rin ako. Alam kong mabait siya pero hindi ko maintindihan at apektadong-apektado siya na muntikan na akong mamatay na umabot sa point na papatayin niya yung mga 'yun.
Bigla siyang nawala at doon lang may pumasok sa utak ko. Ayaw niya akong mamatay dahil ako lang ang makakapagbigay sa kaniya ng kamatayang gusto niya.
Nakakainis naman. Naging damsel in distress na naman ako. Ayoko na ngang lagi niyang nililigtas kasi mas lalo akong nagmumukhang mahina. Andito lang naman ako dahil kailangan niya ako para mamatay na siya pero ang nangyayari parang lagi ko na siyang kailangan para iligtas ako.
"Multo!" Lapit sa akin ni Soul Keeper.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya, mukhang nag-aalala.
"Okay lang naman ako, pero—"
"Nahulog ka mula sa isang building?" kunot-noong tanong niya.
"Paano mo nalaman?"
"Basta alam ko lang." sagot niya at awkward na pinat ang ulo ko.
"Sa mga drama ang sweet tignan ng ganito at parang nakakapagpagaan ng loob sa taong ginaganito pero ngayong ginagawa ko na... parang mas lalo lang lumala ang sitwasyon mo dahil sa awkwardness." sabi niya kaya natawa ako. Inalis na niya ang kamay niya sa ulo ko.
"Tulungan mo akong magluto." sabi niya at bumalik na naman sa emotionless face niya kaya sumunod nalang ako. Nagulat ako dahil biglang may mga naglutangan na gamit sa ere at nagsilapag sa lamesa.
"Kailangan mo pa ba talaga ng tulong ko?" tanong ko. Mukhang kaya naman na niya mag-isa dahil sa powers niya.
"Oo naman." sagot niya at umupo kaya umupo na rin ako.
"Niligtas ka ni Guardian?" tanong niya habang naghihiwa.
"Oo. Teka, paano mo nalaman?" kunot-noong tanong ko.
"Basta alam ko lang." poker face na sabi niya.
"Meron bang..." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Napatingin din naman siya sa akin.
"Meron bang chance na in love ka na sa guardiang 'yun?" Bigla namang tumalsik yung hawak kong patatas sa gulat sa tanong niya.
"A-Anong... HAHAHA! Haha... hehe a-ano ba! Ano... ano ulit 'yun?" Nakatingin lang siya sa akin habang nakapoker face kaya napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Hoy, guardian."
"Ay, poklay!" Napalingon ako sa likod ko dahil sa sinabi ni Soul Keeper at nakita namang kumuha ng juice si Icarus mula sa ref. Kanina pa kaya siya nandoon?
"Ikaw Guardian, may chance bang magkagusto ka sa multong 'to?" tanong ni Soul Keeper kay Icarus.
"HA! No way! Hindi ko 'yan type, ang pangit-pangit ng taong 'yan eh!" sigaw niya sa amin at nawala na ulit.
Aba! Makapangit siya eh sapakin ko kaya siya ha?! Porket gwapo, makalait na akala mo kung sino pwe!
'Pag ikaw nainlove sa aking Guardian ka, hu u ka sakin.
¤¤¤
