Cake

161 94 0
                                    

THIRTY-FIRST

Icarus

"Hyung! Hyung!" Napatingin naman ako kay Zeke na nanlalaki ang mga mata sa harap ng kung anumang may screen na ewan na 'yun. Maliit na TV?

"Halika, dali hyung! Tignan mo 'to!"

"Ano ba yan?" tanong ko at tinuro yung maliit na TV.

"Ang tawag diyan ay lap...top." singit ni Soul Keeper na bigla nalang sumulpot at trying hard ipronounce yung TV.

"Aba, nagiging updated ka na ah." sabi ko.

"Siyempre." sagot niya at biglang nagkaroon ng laptop sa kamay niya.

"Latest model 'to ng brand, inadvice na rin ng department head namin na gumamit ng technology para mas mabilis kami makapagsend ng Soul Forms."

"Pero hindi yung laptop yung tinutukoy ko mga hyung, yung board exam results." singit ni Zeke. Lumapit naman kami sa kaniya at tumingin sa screen nung laptop.

"Bakit may 1 na nakatabi sa pangalan niya?" tanong ni Soul Keeper.

"Mag-isa lang ba siyang kumuha ng board exam?"

Napafacepalm naman si Zeke at napailing-iling ako.

"Ibig sabihin niyan, 1 lang score niya sa test." sagot ko pero napafacepalm ulit si Zeke.

May mali ba sa sinabi ko?

"Ibig sabihin ng 1 na 'yan, siya ang topnotcher. Siya yung nakakuha ng pinakamataas mataas na score. Parang kung sa race, siya yung first." sabi ni Zeke.

"Aaahhh.." sabay na sabi namin Soul Keeper.

Ang galing ng asawa ko hihi.

"Naririnig kita." sabi ni Soul Keeper kaya sinamaan ko siya ng tingin, chismoso.

"At tignan niyo kung ilang taon lang siya." sabi ni Zeke at may tinuro sa amin.

"Mas bata siya sayo at matatapos na siya sa pangalawa niyang course tapos naging topnotcher pa siya ng una niyang board exam samantalang ikaw, isang course na nga lang at puro allowance lang ang iniisip mo." sermon ko sa kaniya.

"Hehe, magiging magaling na CEO naman ako." Kamot niya ng ulo.

"Pero paano nangyari na parang sandali lang siyang nag-aral?" tanong ko.

"Accelerated yata." sagot naman ni Zeke.

Skye
~•~

"Congratulations!!!" narinig kong sigaw nila at may nagpaputok ng party popper.

"Umupo ka riyan, kakantahan ka namin." Paupo sa akin ni Icarus sa upuan at inilapag yung cake sa lamesa.

"1, 2, 3, 4!" -Zeke Oppa at biglang nag beat box.

"See Ya
Never gone my way 🎶" -Lead solo ni Harris Oppa.

"my way🎶" -Second voice ni Eli Oppa.

"ooohh 🎶" -Panirang kung anumang ginagawa ni Icarus.

"Better will someday 🎶" -Harris Oppa.

"someday 🎶" -Eli Oppa.

"ooOoOohh" -Panira ni Icarus.

"Never far away 🎶" -Harris Oppa

"See Ya
Never gone my way 🎶" -Lead solo ni Harris Oppa.

"my way🎶" -Second voice ni Eli Oppa.

"ooohh 🎶" -Panirang kung anumang ginagawa ni Icarus.

"Better will someday 🎶" -Harris Oppa.

"someday 🎶" -Eli Oppa.

"ooOoOohh" -Panira ni Icarus.

"Never far away 🎶" -Harris Oppa

"Round and round and I never know why 🎶" -Blending nila Harris Oppa at Eli Oppa na ang ganda talaga pakinggan.

"ooohhh 🎶" -Hindi ko alam kung ano ba talagang ginagawa ni Icarus.

"Round and round and it will show us way out 🎶" -Blending nila Harris Oppa at Eli Oppa.

"It's my delight 🎶" Halo ni Icarus sa blending nila kaya nagulat ako kasi ang ganda ng boses niya.

"Galing ko 'no." taas noong sabi ni Icarus habang inaayos yung long sleeves polo niya na pinapatungan ng sweater.

"Waaaahh, thank you guys! Ang gandaaaa!" Yakap ko sa kanila. Sasabihin ko sana except doon sa 'ooohhh' ni Icarus pero nagsitaasan na yung noo nila sa sinabi ko kaya hindi ko nalang binawi.

"Idea ko yung kanta." sabi ni Harris Oppa.

"Idea ko yung song choice." sabi ni Eli Oppa.

"Idea ko yung Acapella." sabi ni Zeke Oppa.

"Ako bumili nung cake." sabi ni Icarus.

"Ang sweet niyo, thank you talaga!" tuwang-tuwang ko.

"I'm proud of you." Kiss ni Icarus sa ulo ko at nagslice na ng cake.

"Err, ewww..." sabi nung tatlo. Pfft. Pero pumasok na naman sa isip ko si Terrence, bakit ang weird na niya?

"Anong iniisip mo?" biglang tanong ni Icarus.

"Ah, si Terrence kasi sinabi niyang mapapahamak ako... dahil sa inyo." sagot ko.

Bigla namang lumapit si Eli Oppa.

"Lumayo-layo ka sa lalaking 'yun." sabi niya na para bang nagbabanta.

Okaaaayy lahat na sila weird. Ano bang nangyayari?

¤¤¤

SenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon