FORTY-THIRD
Skye
"Ikaw yung tumawag sa akin?" tanong ni Icarus kaya inilayo ko ang tingin ko sa kaniya. Naiinis talaga ako sa sarili ko ngayon. Gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader sa katangahan ko. Bakit ko ba sinabi ang pangalan niya?!
"Mauna na ako." Talikod ko sa kanila.
"Teka lang! Bakit mo ako tinawag?" rinig kong tanong ni Icarus. Nagulat ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko at nakaramdam ako ng daloy ng kuryente mula sa balat naming nagtama. Nakita kong medyo nagulat din siya sa naramdaman niya kaya mas lalong nagtaka ang mukhang iniharap niya sa akin.
"N-Naramdaman mo ba 'yun?"
"H'wag mo nga siyang kausapin! Pagkatapos mo siyang saktan, lalapit-lapit ka ngayon ha?" rinig kong sabi ni Sav Unnie kaya napatigil ako sa paglalakad. Gusto ko munang takpan ng packing tape 'tong bibig ni Sav Unnie.
"Bakit ka ba nangingialam, ha? Sino ka ba para mangialam?" Harap ni Icarus kay Sav Unnie pero hindi pa rin niya binibitawan ang hawak niya sa braso ko.
"Ako?" Tumayo si Sav Unnie.
"Kapatid mo lang naman ako, Icarus." inis na sabi niya at nag walk-out. Hay nako. Ito talagang magkapatid na 'to.
"Kung kapatid ko siya..." rinig kong sabi ni Icarus kaya napatingin ako sa kaniya.
"Nanay ba kita?" bigla niyang tanong sa akin na nakapagpa-init talaga sa ulo ko. Ako? Nanay niya? Eh siraulo pala talaga 'tong lalaki 'to eh!
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Kung hindi mo ako kilala, hindi mo ako kilala. Huwag mong pilit alalahanin ang mga alaalang nakalimutan mo na." sabi ko at aalis na ulit sana pero nahawakan na naman niya ang braso ko.
"Sino ka? Bakit... bakit ang sakit ng puso ko nang makita kita? Bakit nasasaktan ako habang nakikita ka? Bakit.... bakit pakiramdam ko ikaw ang ibinigay sa aking kaparusahan ng Panginoon. Ano bang nagawa ko?!"
Wala ka nang kasalanan, Icarus. Napagbayaran mo na 'yun lahat.
Kita ko sa mga mata niya na gulung-gulo siya. Nahihirapan, nasasaktan. Pero wala naman akong magagawa para sa kaniya.
Bakit ganito? Akala ko ba mabubuhay na siya nang maayos at mapayapa pagkabunot ng espada at kapag napatay na niya si Xantheos pero ano 'to? Bakit nahihirapan pa rin siya? Bakit nasasaktan pa rin siya?
"Hindi kita kilala, I'm sorry." sabi ko at pumiglas sa pagkakahawak niya at dire-diretsong lumabas.
Pagkalabas ko, tinawagan ako ni Eli Oppa at sinermunan. Inis na inis siya sa aming tatlo nila Sav Unnie at Icarus dahil sa eksenang ginawa namin sa coffee shop. Mag isa tuloy siyang nag-hy-hypnotize sa mga tao roon.
"Sav Unnie!" Lapit ko kay Sav Unnie nang makita ko siya sa loob ng tinutuluyan namin.
"Puwede mo bang burahin sa alaala ko si... alam mo na. Kasi baka masabi ko na naman ang pangalan niya at masummon na naman siya, mahirap na." sabi ko.
"Alam mo, keeper of memories ako pero... sa lagay mo, wala akong silbi. Hindi ko alam kung bakit pero hindi kagaya ng ibang mortal o immortal kagaya ng Eli Oppa mo, kayong dalawa ni Icarus ang hindi ko puwedeng kontrolin ang alaala." sagot niya.
"Anong ibig mong sabihin, Sav Unnie?"
"Ang mga keeper of memories ay may kapangyarihang magbalik at mag-alis ng alaala sa lahat ng nilalang maliban sa mga guardian dahil nga yung Nasa Itaas ang namamahala sa kanila. Siguro dahil nga noong mamatay ka bilang si Sena, yung Nasa Taas ang kumuha sayo kaya siguro hindi gumagana ang kapangyarihan ko sayo kaya hindi kita matutulungang alisin si Icarus sa alaala mo. Pasensiya na, Skye." paliwanag ni Sav Unnie.
Naintindihan ko naman ang sinabi niya kaya tumangu-tango nalang ako.
Sana lang hindi ko na ulit aksidenteng masabi ang pangalan niya nang hindi na maulit yung kanina.
¤¤¤