THIRTEENTH
Skye
"Waaah! Gagamba!"
"Waaah! Ang daming monsters!"
"Waaah! Zombies!"
"Waaaah! May malaking unggoy!"
"Waaaahh!!! Mummy!"
"Waaaahh pugot na ulo! Bakit nila hinalikan yung ulo na 'yun!"
Bigla namang tumabi si Soul Keeper sa amin.
"Dapat hindi mo pinapanood ng nakakatakot 'yang guardian na 'yan, matatakutin 'yan eh." Nguya niya ng popcorn.
"Hoy, Soul Keeper! Hindi ako matatakutin! Nakakatakot lang talaga!" Bato ni Icarus ng unan kay Soul Keeper at kumuha ulit ng panibago para ipangtakip sa mukha niya.
"Waaahh!! Bampira ba 'yan?" Taas ni Soul Keeper ng paa niya sa sofa at nagtago rin sa likod ng unan.
"Hoy yung paa mo, 'wag mo itaas! Madudumihan 'yung cover!" saway sa kaniya ni Icarus.
"Baka may humila ng paa ko! Atsaka ikaw din naman ah!" depensa ni Soul Keeper.
Napabuntong hininga nalang ako. Sila ang pinakamalakas at tanging may powers na kilala ko pero sila rin pala ang mga pinakaduwag.
"Ano 'yang pinapanood niyo?" tanong ni Zeke Oppa at kumuha ng popcorn kay Soul Keeper atsaka umupo sa handle ng sofa.
"Hotel Transylvania 2." sagot ko.
Bigla namang nasamid si Zeke Oppa dahil bigla siyang natawa kaya pumunta siyang kusina at agad na uminom ng tubig at bumalik.
"Bakit parang takot na takot sila?" natatawang turo niya sa dalawang may kapangyarihan sa bahay na 'to.
"Ewan ko riyan sa mga 'yan." sagot ko at kumuha sa popcorn ni Soul Keeper.
"Waaaahh!! Nagsasalitang gelatin!" tili ni Icarus.
"Si Blobby 'yan, ano ba!" saway ko kay Icarus at tumawa si Zeke Oppa.
"Ikaw! Kamukha mo 'yang Blobby!" sabi niya sa akin atsaka humarap kay Zeke Oppa.
"At ikaw, anong tinatawa-tawa mo riyan?" tanong ni Icarus habang nakatitig nang masama kay Zeke Oppa.
"Nakakatawa kasi kayo! Cartoons lang 'yan oh tapos takot na takot kayo! HAHAHAHA!" tawa ni Zeke Oppa habang tinuturo 'yung dalawa. Tumayo naman si Soul Keeper habang nakatingin nang masama kay Zeke Oppa.
"Baka gusto mong sumama sa akin? Doon sa pagdadalhan ko sayo tignan natin kung makatawa ka pa."
"Joke lang, Hyung!" Takbo ni Zeke Oppa palabas ng bahay.
Sigawan lang sila nang sigawan na akala mo horror pinapanood nila, cartoons lang naman. Tumayo na ako at iniwan sila. Hindi ko na maintindihan 'yung palabas dahil sa sigawan nila eh.
"Saan ka pupunta??"
"Bumalik ka rito, wala kaming kasama!"
"Baka lumabas yung mga halimaw dito!"
Hindi ko na sila pinansin at umakyat na ako para maligo. Nakakastress sila makasama manood.
La la la la la~~ 🎶
"Omg." nasabi ko.
"Patay. Meron na pala ako pero wala pa akong napkin, anak ng tokwa naman talaga oh." Napakamot ako sa ulo ko.
"Puwede kaya ako magpabili kay Icarus? O kaya kay Zeke Oppa nalan—" sabi ko sa sarili ko at lalabas na sana para sigawan si Icarus.
"Waaaahh! Bakit ako nandito?!" Napasilip naman ako sa labas ng shower curtain.
"Waaaahh! Bakit ka nandito?!" sigaw ko sa kaniya at tinapis ang shower curtain sa katawan ko.
"Malay ko sayo! Sinummon mo na naman ako tapos sa ganitong lugar pa, ano ka ba naman!" sermon pa niya sa akin.
"P-Pero... Icarus puwede bang magpabili sayo?"
"Ano naman?" nagsusupladang tanong niya.
"Napkin."
"Ano 'yun?" kunot-noong tanong niya.
"Basta! Bayaran nalang kita mamaya!" sagot ko at sinenyasan na siyang umalis.
"O sige." sabi niya at nawala na. Mukhang nagteleport na siya papuntang convenience store.
Icarus
~•~Pinagtitinginan ako ng mga babaeng dumadaan. Ito ba yung napkin? Iba't ibang balot kasi tapos ang dami pang iba't ibang brand. Expected ko pa naman tela na parang table napkin pero sabi nung staff ito raw yung napkin. Pero wala namang sinabing brand yung babae, 'di ba?
Kumuha nalang ako ng dalawa kada brand para sure atsaka dumiretso sa counter. Nakita ko namang tingin nang tingin yung mga tao sa akin. Hay, iba talaga 'pag gwapo, pinagtitinginan kahit saan.
¤¤¤
