The Keeper of Memories

160 98 0
                                        

TWENTY-EIGHTH

Soul Keeper
Eli

Nag-aabang ako sa bus stop nang makita ko ulit yung babae. Nang una ko siyang makita, alam ko nang may kakaiba. Ibang klase ang nararamdaman ng dibdib ko kapag nakikita ko siya. Sobrang kakaiba.

Nagtanong ako ng pangalan kay Multo para sana magpakilala sa kaniya pero hindi ko rin magawa. Gustung-gusto ko siyang lapitan pero may parte sa akin na pumipigil at sobra akong nasasaktan dahil doon. Sobra akong naguguluhan. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Kahit likod niya nalang ang nakikita ko ngayon ay gusto ko talaga siyang lapitan. Hahakbang sana ako palapit sa kaniya pero bago ko pa man mahakbang ang paa ko, napaluhod ako sa lapag at tuluy-tuloy na umagos ang mga luha ko.

Sobrang bigat ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit labis na kalungkutan at pagdadalamhati ang bumabalot ngayon sa pagkatao ko gayong gusto ko lang naman siyang lapitan. Bakit ako nasasaktan? Bakit hindi ko alam kung bakit ko 'to nararamdaman?

"SK? Ikaw ba 'yan?" Napalingon ako at nakita si Harris.

"Hala, ayos ka lang ba? Anong nangyayari sayo? Hinaheart attack ka ba?" nag-aalalang tanong niya at tinulungan akong tumayo. Umupo kami sa bench ng bus stop pero hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman ko at tuluy-tuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko.

"Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?"

"Bakit ang sakit? Bakit nahihirapan ako?" lumuluhang tanong ko. Napa-ayos siya nang upo nang marinig ang sinabi ko. Huminga siya nang malalim atsaka hinawakan ang kamay ko.

"Ah," nasabi niya at bumitaw na rin.

"Nasasaktan ka dahil hanggang ngayon, hindi mo siya malapitan."

Napaangat ang ulo ko at tumingin sa kaniya.

"Sino siya? Bakit ko nararamdaman 'to?" gulung-gulong tanong ko.

"Gusto mo bang makaalala? Pero binabalaan kita, masakit pa riyan ang mararanasan mo. Pero at least hindi ka na maguguluhan."

Tumango ako. Gusto kong malaman ang dahilan. Ayaw ko nang masaktan nang hindi ko alam ang rason kung bakit.

"Gusto mo ba talagang makaalala? Huwag mong kalimutan na noong pinapili ka bago ka maging soul keeper ay pinili mong makalimot." paniniguro niya.

"Hindi ko na puwedeng kunin ulit ang alaala mo kapag pinabalik ko." sabi pa niya pero tumango pa rin ako.

"Kung 'yan ang gusto mo..." sabi niya at hinila ako.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa babaeng dahilan kung bakit mo nararamdaman 'yan." sagot niya at tumakbo kami papasok sa isang coffee shop.

"Bakit sa kaniya?" tanong ko nang makita ko ang likod ng babae.

"Kasi siya lang ang may kakayahang magbalik sayo ng alaala mo."

"One order of memories, please." sabi ni Harris.

"I'm sorry but I'm on day off–" Lingon ng babae at nang makita ako ay nabitawan niya ang kape niya. Napatingin naman ang mga tao sa kaniya pati na 'yung barista.

"I'm sorry..." sabi niya sa staff na nagmap ng natapon niyang kape. Umupo kami ni Harris sa tapat niya atsaka siya muling nagsalita.

"I'm on day off but I have my exceptions."

"I guess nandito ka ngayon dahil gusto mong makaalala kaya ibibigay ko kung anong gusto mo... Elijah."

Tumigil ang oras nang magsibalikan ang mga alaala ko. Tumulo na naman ang mga luha ko nang makita ko ang mukha niya... ang babaeng ipinagkait sa akin ng tadhana.

"Savannah..."

"Naaalala mo na ba?" tanong niya. Mabilis na tumulo ang luha mula sa isang mata niya. Biglang pumasok sa utak ko kung kailan ang huling beses na nakita ko siya noong nakakaalala pa ako.

Sinaksak ko ang sarili pagkatapos kong iyakan ang pagkawala ni Sena at nagpakalayu-layo bago ako nahanap ni Harris.

"Matagal ka na ring naglalakad-lakad. Pasensiya na at nahuli kitang sunduin, nagkabali-baliktad yung listahan eh. Ako nga pala si Caden at kailangan mong sumama sa akin." sabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero basta sumama nalang ako sa kaniya. Wala na rin naman akong ibang pupuntahan.

"Saan mo ako dadalhin?" tanong ko.

"Malaking kasalanan ang pagbawi sa sarili mong buhay pero nagsakripisyo ka rin para sa maraming tao kaya hindi ko rin talaga alam ang mangyayari sayo. Pero sa ngayon, dadalhin kita kung saan dinadala ng mga tagapagsundo ang mga sinusundo nila tutal tagapagsundo ang gampanin ko ngayon." sabi niya at binuksan ang malaking pinto at pinapasok ako.

Sobrang nagulat ako nang makita ko kung sino ang nasa loob.

"Siya ang kumukuha at nangangalaga ng mga alaala. Maiwan ko muna kayo." At sumara na ang pintong nasa likod ko.

"Bakit... bakit ka nandito?" tanong ko at napaluhod sa lapag.

"Kailan pa?"

"Ilang araw mula nang malaman kong binawi mo ang sarili mong buhay. Hindi na bumalik si Icarus at nagkagulo lahat ng mga anak ng hari sa trono. Wala na akong ganang mabuhay sa magulong mundo kaya pinili kong itigil na. Nang sinundo ako akala ko makikita agad kita pero nauna pa pala akong sunduin kaysa sayo. Mabigat ang parusa ko kaya wala akong pagpipilian pero ikaw, may pagpipilian ka. Gusto mo bang dalhin ang mga alaala mo o pipiliin mong makalimot?"

Ayaw ko siyang makalimutan at gusto kong magkaroon ng dahilan para makita at makasama siya kahit ibang-iba na ang magiging sitwasyon namin. Pero naisip ko na hindi ko deserve ang kahit anong excuse para makita siya. Hindi ko deserve ang mga magagandang alaalang iniwan niya sa akin. Dapat lang akong magdusa at maghirap sa hindi pag-alala sa kaniya.

Sinaktan ko siya at iniwan sa ere nang hindi sinasabi ang dahilan at ginawa ko ulit 'yon nang patayin ko ang sarili ko pero sa pagkakataong ito, sumunod siya at kasalanan ko kung bakit siya ngayon nandito.

Hindi ako karapat-dapat mahalin at magmahal sa babaeng ito kaya hinaplos ko sandali ang pisngi niya at sumagot.

"Gusto kong makalimot."

"Ikaw ang nagpapahirap at nananakit sa sarili mo, Elijah." saad niya. Nang makita ko muli ang lumuluha niyang mga mata ay napapikit ako at agad na tumayo. Hindi na ulit ako lumingon at nagmadali nang lumabas.

"Eli Oppa! Harris Oppa!" bati ni Multo at pumasok na sa coffee shop.

"Woahh... magkakilala sila? Small world talaga." sabi ni Harris nang umupo si Skye sa inupuan namin kanina at nakipag-usap sa Keeper of Memories. Mukhang malapit sila sa isa't isa at kahit pa sinabi ni Harris na hindi niya alam, alam kong alam niya lahat ng nangyayari sa paligid kaya imposibleng hindi niya alam na magkakilala sila Multo.

Pero hindi ko maiwasang mapag-isip... bakit kami muling pinaglalapit-lapit ng tadhana?

¤¤¤

SenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon