TWENTY-FIFTH
Skye
Nakita ko ang pagdilat ng mga mata niya pagkalayo niya ng labi niya sa labi ko. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko na gusto ko na 'tong itali nang hindi na siya maglikot at nakakahiya baka marinig ni Icarus.Napatitig ako kay Icarus nang magkaroon na ng space ang mga labi namin. Sobrang daming emosyon sa mga mata niya. Sobrang dami pero wala akong mabasa ni isa.
Sa TV sinasampal ng babae yung lalaki kapag ninakawan siya ng halik pero ako? Hindi ko magawa 'yun dahil sobrang saya ng nararamdaman ko. Nagwawala sa tuwa ang puso ko kahit na hindi ko alam kung bakit.
"Salanghaeyo, nae salang."
Alam ko R dapat yung mga L pero L talaga pagkarinig ko.
Dinampi niya ang daliri niya sa pisngi ko at doon ko lang napansin na tumutulo ang luha ko. Doon ko lang narealize na hindi lang siya ang maraming emosyon na nararamdaman ngayon kundi pati ako. Hindi ko maintindihan kung bakit parang mahal na mahal ko na siya. Sandali palang kaming nagkakilala, 'yun yung sinasabi ng utak ko pero yung puso ko... parang matagal na siyang mahal.
Kaya ba hindi ako magkaboyfriend? Siya ba yung taong para sa akin? Ikakasal ba agad ako sa first boyfriend ko? Siya ba yung magiging first boyfriend ko?
May part din sa akin na sobrang excited. Siguro dahil first time kong mahalikan? Tapos kinikilig ako. Mas kinikilig pa ako kapag naaalala ko kung paano niya ako hinalikan, kung paano niya itinagilid ang ulo niya at medyo yumuko dahil sobrang tangkad niya kumpara sa akin. Kinikilig ako kapag naaalala ko kung paano niya cinup ang mga pisngi ko sa mga kamay niya na medyo umabot na sa leeg ko dahil sa laki ng kamay niya at kung paano niya inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Nacucurious din ako kung sobra-sobra lang ba akong naaapektuhan kasi first kiss ko 'yun. Kapag ba kiniss niya ulit ako, balewala nalang sa akin? Hindi na ba ako kikiligin at matutuwa nang ganito? O ganito pa rin mararamdaman ko kasi mahal ko siya?
Pero ang pinaka hindi ko maintindihan ay nalulungkot din ako.
Hindi ko alam kung nalulungkot ako kasi iniisip kong bawal 'to dahil guardian siya o mas matanda siya sa akin. Hindi ko alam kung nalulungkot ako dahil baka trip-trip lang niya 'to. O baka nalulungkot ako dahil may iba pang rason na hindi ko lang maisip sa ngayon?
"Nakalimutan niyo yatang nandito kami ni Messenger, pero ganitong-ganito yung mga napapanood ko sa mga afternoon series, try niyo rin manood minsan sa KBA o kaya TBN, marami rin namang iba pa." naka-crossed arms na sabi ni Soul Keeper na nakataas pa ang paa sa upuan sa harap niya.
Omg! Nakita lahat 'yun nila Soul Keeper/Eli Oppa at Harris Oppa??!! Nakakahiya!
Nginitian ako ni Icarus.
"Balik na ako ah." nakangiting sabi niya at lumipad mula sa stage pababa atsaka umupo ulit sa puwesto niya. Umingay na ulit ang paligid at gumalaw na ang mga tao.
Huminto ba yung oras o huminto lang talaga yung mga tao? Pero either way, ang cool pa rin ni Icarus!!!
"That's my last song for tonight, guys. Thank you for coming and listening!" sabi ko at kinuha na ang gitara ko. Nagmadali naman ang vocalist ng next na banda kainin yung sandwich niya. Narinig kong may mga nagreklamo sa crowd dahil may tatlo o apat pa dapat akong kakantahin pero gusto ko talaga makausap si Icarus kung para saan yung kiss na 'yun.
Icarus
~•~Sinabi ni Skye na hintayin ko nalang muna siya dahil magpapaalam pa siya sa organizer nila kaya lumabas na ako. Wala naman siyang sinabing sa labas ako maghintay pero wala na rin namang sense maupo roon dahil hindi na siya ang kakanta. Naiwan naman sina Zeke, Harris at Soul Keeper sa loob at manonood pa raw sila.
Napatingin ako sa mga puno ng cherry blossoms. Winter na kaya marami na sila.
"Pagkatapos ng isang libong taon, sa kaniya ka pa rin nahulog?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ang kaibigan ni Blobby. Alam ko terrace 'tong gunggong na 'to pero hindi ko na kailangan malaman ang pangalan niya dahil nakikita ko sa kaniya ang mukha ni Xantheos.
"Bakit ikaw, hindi ba?" tanong ko.
"Terrence?" Napalingon kami pareho sa nagsalita at lumapit sa amin. Ibinalik ng lalaki ang tingin niya sa akin at gano'n din ako sa kaniya.
"Kung hindi ko siya makukuha, walang sinuman ang makakakuha sa kaniya." sabi niya at umalis na.
"Aray..." Napalingon ako kay Blobby at nakitang nakahawak siya dibdib niya kung nasaan ang puso niya.
Agad akong lumapit sa kaniya para alalayan siya. Umiling-iling agad ako para mawala sa isip ko ang alaala ko noong sinaksak siya ni Xantheos.
¤¤¤
![](https://img.wattpad.com/cover/110087119-288-k83873.jpg)