THIRTY-THIRD
Skye
Ala una na ng tanghali nang magising ako kaya naglinis agad ako ng sarili ko dahil hindi na pala ako nakapagpalit ng damit kagabi. Pagkatapos kong mag-ayos at pagmasdan sandali yung view mula sa labas ng hotel room ko, pumunta na ako sa kwarto nung mga lalaki. Pagkapasok ko, nadatnan ko silang apat na magkakatabi sa kama.
Aww, ang cute nila. Apat silang matatangkad at mga gwapong lalaki na magkakatabi matulog at nagsi-share sa isang kumot. Buti nalang pala malalaking bed size yung kinuha naming room kundi kawawa talaga sila. Malamang walang nagpatalo kagabi na matulog sa lapag kaya nagsiksikan nalang sila. Alam niyo naman 'tong mga 'to, mas matangkad pa sa kanila yung pride nila.
Ginising ko naman na sila para kumain na dahil lunch na at hindi man lang namin nakain yung breakfast buffet sana huhu.
Icarus
~•~Kaming dalawa nalang ni Soul Keeper ang naiwan kasi nagsibabaan na yung iba para kumain.
"Ikaw ba 'yan?" tanong ko pagkalapag ko ng libro sa tapat niya.
"Naaalala mo na, 'di ba? Kaya pinalayo mo si Skye sa kaibigan niya dahil nakikita mo rin sa kaniya si Xantheos, tama ba?" Tinignan lang niya ako at hindi nagsalita. Nagpatuloy lang siya sa pagtiklop ng kumot.
"Minahal mo ba talaga si Savannah?"
Biglang nagbago ang expression sa mukha niya at napatingin sa librong nilapag ko sa tapat niya. Mukha nagtataka siya sa kung anong sinasabi ko kaya kinuha niya yung libro at nagbasa.
"S-Saan mo nakita 'to?" tanong niya.
"Binabasa 'yan ni Skye nung makita ko. Ngayon, totoo ba ang nakalagay diyan?" tanong ko pero binitawan lang niya yung libro at hindi ako sinagot.
"Matagal ka na bang nakakaaalala, ha?! Bakit hindi ka man lang nagsalita?!" Hila ko sa kwelyo niya.
"Para saan? Para ibalik yung nga kasalanan ng nakaraan? Para mawala ulit ang kapatid ko sa akin!?" Namumulang mga matang ganti rin niya ng kwelyo sa akin.
"Ako ang nagbalik ng alaala niya." Nabitawan ko naman si Elijah nang makita si Harris.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Humingi siya ng tulong sa akin na makaalala kaya dinala ko siya sa kakilala kong keeper of memories na siya ring nagbura ng mga alaala niya pagkasundo ko sa kaniya." sagot ni Harris.
"Nandoon ka? Nakita mo lahat?" naguguluhang tanong ko.
"Kahit kailan ay hindi ako nawala. Sinabi ko sayo no'ng nasa harap tayo ng espada mo na kung may gusto kang malaman, tanungin mo lang ako 'di ba? Dahil puwede kitang sagutin gamit ang mga nasaksihan ko. Pero hindi ka lumapit sa akin kahit kailan para magtanong." sabi niya.
"Lumapit sa akin si Elijah at nanghingi ng tulong kaya dinala ko siya sa makakatulong sa kaniya. Wala siyang kasalanan."
"Ngayon magtatanong ako sayo, nasan si Savannah?" tanong ko.
"Parehong-pareho kayong nagdurusa sa mga alaalang hindi niyo makalimutan habang nabubuhay sa mundong 'to. Naging Keeper of Memories siya." sagot niya na nakapagpalambot sa mga tuhod ko.
Pinaparusahan din ang kapatid ko?
"Kailan mo pa alam kung nasaan si Savannah?" tanong ko kay Elijah.
"Nung kailan lang ako nakaalala dahil sa ibang Keeper of Memories ako pumupunta kapag sumusundo ako kaya nung kailan ko lang rin nalaman." sagot naman nito.
"Tutal alam niyo naman na lahat, sasabihin ko na ang dapat matagal ko nang sinabi." sabi ni Harris at lumingon sa akin.
"Icarus, ginulo mo ang lahat. Nakatadhana kang manatili lang sa kaharian mo at pamunuan ito pagkamatay ng ama mo pero kahit kailan ay hindi ka talaga nakinig. Nakatadhang maging reyna si Sena ng kaharian ni Xantheos dahil hindi kayo itinadhanang magsama–" Napatingin kaming tatlo sa pinto nang bigla yung bumakas.
"Hindi pa ba kayo kakain?" tanong ni Skye.
'Sasabihin na ba natin sa kaniya?' tanong ni Elijah through telepathic conversation.
'Kahit sabihin niyo wala siyang maaalala kaya h'wag na para hindi na rin siya maguluhan.' sagot ni Harris.
'Bakit hindi siya makakaalala? Hindi ba puwedeng ibalik ang mga alaala niya?' tanong ko.
'Hindi nga siya dumaan sa soul keeper kaya walang may hawak ng alaala niya kundi ang Nasa Itaas.' sagot ni Elijah na may patingin-tingin pa sa taas.
"Uh... ayos lang ba kayo? Bakit hindi kayo nagsasalita at tinginan lang nang tinginan?" tanong ni Skye.
"Ah! Nagcha-charades sila pagpasok ko kaya nakisali ako sandali. Umakyat ako para sana tawagin sila, halika na!" palusot ni Harris at lumabas na kami.
¤¤¤