His Name

224 105 1
                                    

TWELFTH

Icarus

'Pumasok ka nalang.' sabi ni Soul Keeper through telepathic conversation.

''Di ba kailangan ko muna kumatok dahil manners 'yun?' sagot ko naman.

'Pumasok ka nalang!' Bukas niya ng pinto kaya napilitan nalang ako pumasok.

'Goodluck! Fighting~~!' rinig ko pang sabi niya.

"N-Nagustuhan mo ba 'tong bago mong kuwarto?" tanong ko nang makita siyang nakaupo sa tapat ng study table.

"Oo naman! Salamat talaga ah!" nakangiting sabi niya.

Pambihirang ngiti 'yan oh.

Sa tagal ko ng nabubuhay sa mundong 'to, ngayon ko lang napansin na tumitibok pa pala 'tong puso ko. Ngayon ko lang nalaman dahil abnormal ang kabog nito kapag nakikita kong nakangiti siya.

"Oo nga pala guardian, Owen ba talaga ang pangalan mo?" tanong niya. Napatingin naman ako sa kaniya. 

"Ah, hindi naman sa pinagdududahan kita o 'yung pagkasabi mo sa pagkatao mo ah? Pero parang modern yung pangalang Owen at—"

"Icarus." putol ko sa sasabihin niya. Nagulat ako nang bigla siyang napahawak sa puso niya. Agad akong lumapit sa kaniya.

"Ayos ka lang ba?"

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Ayos lang ako. Sadyang abnormal lang yung bilis ng tibok ng puso ko kapag nakikita kita. Ikaw na yata yung first love ko." nakangiting sabi niya at nagwink pa.

'Yung ngiting nawawala na ang mga mata niya sa lawak ng mga ngiti niya. Maliit lang ang labi niya kaya ang cute niya tignan kapag ngumingiti at kahit parang nawawala na ang mata niya kapag ngumingiti siya, nagniningning pa rin ang mga mata niya.

First love.

Napaiba ako ng tingin.

"Ano bang first love pinagsasabi mo, ah? Ang bata-bata mo pa." sabi ko at lumayo na sa kaniya.

"Edi manood tayo ng cartoons!" sabi niya at may kinuha sa bag niya.

"Ano 'yan?"

"Ito ang tinatawag na USB o kaya thumbdrive, puwede kang maglagay dito ng mga kanta, movies, pictures at iba pang files o documents." Pakita niya sa akin ng maliit na mukhang torturing device.

Paano kaya nagkakasaya dito ang pictures? Atsaka CDs? O kaya documents? Iniishrink?

"Pero, 'yung pangalan mo..." Napatingin naman ako sa kaniya.

"Anong meron sa pangalan ko?" tanong ko. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti atsaka umiling.

"Wala lang, maganda!" nakangiting sabi niya.

"Icarus..." ulit pa niya.


Bilang parusa, hindi mo makakalimutan ang mga kasalanan mo at makakalimutan mo ang tanging nagpapaligaya sa'yo. 

Mabubuhay ka sa panghabang buhay at pagdurusa ang mararanasan mo. Pagbabayaran mo ang mga kasalanang ginawa mo hangga't nabubuhay ka sa mundong 'to.

Pagsasama-samahin lahat ng buhay na kinuha mo at bawat isang tao ay isang taon, kapag naubos lamang ito atsaka mo matatagpuan ang makakapagpatigil sa habang buhay na parusa sa'yo.

Matatapos lamang ang kalungkutan pagdating ng pag-ibig at ang pag-ibig ay walang kamatayan.

Walang makakasakit sa'yo, maliban nalang sa nag-iisang hindi mo kayang saktan.

Walang makakapatay sa'yo, maliban nalang sa nag-iisang hindi mo kayang patayin.

Ang nagsimula lang ang may kakayahang magtapos.


Napailing-iling ako. Bakit ko ba naalala 'yon?

"Okay ka lang ba?" Napatingin ako sa kaniya na mukhang nag-aalala. Bahagya akong ngumiti.

"Oo naman."

"Marunong ka naman palang ngumiti eh! Mas guma-guwapo ka oh!" tuwang-tuwang sabi niya. Mas bumilis naman ang tibok ng puso ko pero hindi nagtagal, para akong biglang binuhusan ng tubig.

Hindi puwede 'to.

Hindi ako puwedeng mahulog sa kaniya. Kailangan ko nang mawala. 'Yon ang gusto ko, gusto ko nang matapos ang parusa sa akin. Gusto ko nang matapos ang walang katapusang buhay na parusa sa akin.

"Gusto mo manood tayo ng movie?" tanong niya. Nakangiti siya at bakas sa mukha niyang umaasang siyang pumayag ako at ayaw ko namang mabigo siya kapag tumanggi ako.

Hindi naman siguro masama kung papayag ako, 'di ba?

¤¤¤

SenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon