NINTH
Skye
Sobrang ingay. Ang daming nag-iiyakan, nagsisigawan, humihingi ng tulong pero tinuloy ko lang ang paglalagari sa bintana. Nakaharang na ang malaking apoy sa nag-iisang pintuan ng tinutuluyan ko kaya kailangan kong gumawa ng ibang labasan. Masyado na ring makapal ang usok at hindi na ako makahinga. Nang marinig ko ang sirena ng bumbero ay nagsisigaw ako."May tao rito! Tulong! Please, tulungan niyo ako!"
Please sana may makarinig, please...
Napalingon ako sa likod nang may maaninag akong maliwanag.
"Guardian!" Lapit ko sakanya.
"Bakit ang init dito? Nag-iihaw ka ba?" tanong niya at inunbutton ang unang butones ng polo niya.
"Nasusunog 'tong tinutuluyan ko kaya lease iligtas mo ako. Isama mo ako sa pagteleport mo." sabi ko.
"Taleport?" tanong niya. Bakit parang unfocused siya? Mukha siyang bangag at hindi maintindihan kung anong nangyayari. Parang hindi niya maintindihan ang sinasabi ko.
"Oo, teleport. Isama mo ako para makaalis tayo rito, please." sagot ko. Bigla siyang tumawa.
"Hindi kita masasama! Hindi ako nakakapagsama ng tao!"
Bakit siya tumatawa? Hindi ba niya alam na nasa panganib kami ngayon? Bangag ba 'tong guardian na 'to? Nakadrugs? Puwede ba 'yon? Buti hindi siya pinapagalitan ni Lord.
Napatingin kami pareho sa kisame nang marinig naming nagc-crack na siya at hindi nagtagal, bigla nang bumigay kaya napapikit nalang ako. Naramdaman kong hinila ako ng guardian palapit sa kaniya at cinoveran. Pagkatapos nun, wala na akong narinig na ingay.
Patay na ba ako?
Naramdaman kong gumalaw siya kaya napabitaw ako at dumilat.
"Asan tayo?" tanong ko. Napatingin ako sa paligid. Madilim na at nasa damuhan kami.
"Hindi ko alam eh." sagot niya at naglakad papunta sa isang puno at sumandal doon atsaka umupo.
"Akala ko ba hindi ka nakakadala ng tao kapag nagteteleport ka?" tanong ko at tumabi sa kaniya.
"Akala ko rin eh." sagot niya at tumingin sa akin.
"Ano ka ba?" tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Ikaw..." Tinuro niya ako at pinaikot-ikot niya ang daliri niya sa dibdib niya sa bandang puso.
"Ganiyan."
Wala akong nagets.
"Ano?" tanong ko.
"Ikaw ba ang papatay sa akin?" tanong niya kaya agad akong napatayo.
"Ano?! Hindi ako mamamatay tao, 'no! Ang judgmental mo naman!"
"Hindi, hindi! Gusto ko 'yun." sagot niya.
"Gusto mong patayin kita? Baliw ka ba?" Sabog nga yata 'tong guardian na 'to.
"Siguro. Pero ayaw ko na kasi mahirapan. Gusto ko... matapos na 'tong paghihirap ko." Hindi ako nakasagot.
"Ikaw, kapag ikaw yung taong makakapagpatigil sa paghihirap ko, patayin mo ako ha? 'Yun ang gusto ko." nakatingin sa mga mata kong sabi niya.
"A-Ah o, sige." sagot ko nalang. Mukhang lasing 'to kaya hindi niya alam kung anong sinasabi niya.
"Wala kang matutuluyan, 'di ba?" Napatingin naman ako sa kaniya at tumango.
"Doon ka na tumira sa bahay ko." Tayo niya. Wala naman akong ibang tutuluyan, aarte pa ba ako?
"Feeling ko talaga ikaw na 'yung papatay sa akin eh." Simula niya ng paglalakad.
"Huwag naman yung term na 'papatay', tumatayo balahibo ko eh." sabi ko.
"Okay nga lang 'yun, gusto ko namang magpahinga na." sabi niya at humarap sa akin. Bigla niya akong niyakap at napunta na naman kami sa ibang lugar.
"Ay! Bakit dito tayo napunta?" Napatakip siya sa bibig niya. Napatingin ako sa paligid at ang daming cubicles. Mukhang sa CR kami napunta.
Iba na talaga tama nito, jusme. Hindi na niya alam kung saan siya nagte-teleport. Niyakap naman niya ako ulit at napunta na naman sa ibang lugar. Napatingin ako sa kaniya nang takpan niya ang bibig niya dahil napa-gasp siya sa gulat.
"Yung totoo, anong problema mo?" tanong ko.
"Y-Yung... yung espada ko..." sabi niya at may tinuro sa likod ko kaya napatingin ako roon. May espada nga. Mukha siyang mabigat dahil bakal na bakal siya tapos nakapalibot ang katawan ng dragon sa horizontal na line na nakaconnect doon sa handle tapos may ulo ng dragon ay nandoon sa intersection ng horizontal line at handle. Sorry na magulo, wala naman akong alam sa mga espada eh first time ko nga makakita ngayon.
Napatingin ulit ako sa guardian na gasp nang gasp at nakatakip pa rin ang kamay sa bibig niya.
"Nagpakita lang siya nang makilala kita, ikaw nga ang papatay sa akin!" gulat na gulat na sabi niya habang nakahawak sa magkabilang balikat ko, nanlalaki ang mga mata.
"So ano, patayin na ba kita?" sabi ko at lumapit sa espada.
"Wait, wait! Next time na naman, ito naman... masyadong excited, easy ka lang!" pigil niya sa akin na mukhang biglang kinabahan.
"Umuwi na muna tayo." sabi niya at kinuha ang kamay ko.
¤¤¤
