Sick

147 92 0
                                    

THIRTY-SEVENTH

Skye


"Multo." Napalingon ako kay Eli Oppa at pinanliitan ko siya ng mga mata.

"Multo pa rin, ha? Kapatid mo ako, kapatid! Kaya dapat tawagin mo man lang yeodongsaeng o kaya ganda, o kaya beautiful gano'n." sagot ko sa kaniya at natawa naman siya at pinat-pat ang ulo ko.

"Hanap ka nung guardian." sabi niya at tinanggal na ang pagkakapatong ng kamay niya sa ulo ko.

"Bakit naman? May gagawin pa ako eh."

"Kailangan ka niya, masama raw ang pakiramdam niya." Nagulat naman ako kaya tumakbo agad ako papasok sa kwarto ni Icarus. Bigla naman siyang bumangon at niyakap ako nang mahigpit.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko at yumakap na rin sa kaniya. Ang sarap sa pakiramdam ng yakap niya, ayoko na sanang bumitaw. Pinakiramdaman ko kung mainit ba siya pero normal lang naman ang temperature niya. Teka, nagkakasakit ba ang mga guardian?

"Namiss kita."

Napangiti ako sa sagot niya. Sana kapag namiss ko rin siya puwede ko lang rin siyang papuntahin at dadating siya kagaya nito.

"Nasa kabilang kuwarto lang ako." sagot ko.

"Namiss pa rin kita."

Hinintay ko siyang bumitaw atsaka ako tumayo at lalabas na sana nang hilahin niya ako kaya napatingin ako sa kaniya.

"Dito ka lang." Napakunot naman ang noo ko sa utos niya.

"Bakit naman?"

"Kailangan kita." sagot niya kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"Masama ang pakiramdam ko." Umupo ako sa kama niya at tinignan lang siya.

"Sana palagi nalang masama ang pakiramdam mo para lagi mo akong kailangan sa tabi mo."

Para sana kahit 'yun man lang maging excuse ko.

"Gusto kitang kasama at kailangan kita sa tabi ko may sakit man ako o wala." Hawak niya sa kamay ko. Hinayaan ko lang naman siya.

"Gagawin ko lahat h'wag ka lang ulit mahiwalay sa akin."

"Paano 'pag nakalimutan kita?" tanong ko.

"Nakalimutan mo na nga ako eh, ikaw na nga si Skye oh. Hindi mo pa rin maalala yung dati." sagot niya.

"Hindi ko na yata makukuha yung alaala ko dati dahil nasa Kaniya 'yun pero paano nga 'pag nakalimutan ulit kita?"

"Kalimutan mo man ako, ako kahit kailan hindi na ulit makakalimot kaya madali lang 'yun. Gagawa ako ng bagong mga alaala kasama ka. Hindi ko naman na maibabalik yung dati kaya no choice na rin naman ako kundi magbigay ng mga bagong alaala sayo na magkasama tayo."

Napangiti ako sandali pero agad din yung nawala.

"Paano kapag... ikaw ang nakalimot?" Napatingin siya sa mga mata ko na nakakunot ang noo.

"Hindi kita makakalimutan." sagot niya.

Sana nga totoo 'yang sinasabi mo.

"Dito ka lang, ha? H'wag kang aalis." sabi niya at pumikit na habang hawak-hawak ang kamay ko.

Nang makatulog na siya, dahan-dahan kong kinuha ang kamay ko sa pagkahawak niya at lumabas na.

"Sabi niya h'wag kang aalis ha." Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat atsaka lumingon kay Eli Oppa.

"Tulog naman na siya, kailangan ko rin matulog 'no." sagot ko at ngumiti naman siya.

"Tama 'yan, h'wag mo muna akong bigyan ng pamangkin."

Baliw talaga 'to, pft. Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga sa kama.

Kaya ko ba talagang gawin 'to?

¤¤¤

SenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon