The Soul Keeper

396 112 3
                                    

FOURTH

"Saan ka galing?" bungad sa akin ni Harris, Caden Harris. Si Harris na messenger ng Nasa Itaas. Si Harris na nakakaalam ng istorya ng mundo. Si Harris na hindi ko talaga alam kung anong klaseng nilalang.

"Doon sa babae." tipid na sagot ko at umupo habang pinagmamasdan ang mga bulaklak. Blue roses at walang mga tinik, napansin ko rin na may nahalong violet rose.

"Yung sinabi mong bigla ka nalang na su-summon?" tanong ni Harris kaya napalingon ako sa kaniya.

"Oo." sagot ko at inilagay ang mga bulaklak sa isang empty vase sa lamesa.

"Baka naman siya na 'yung hinahanap mo?"

Natawa naman ako.

"Hindi ba nakakaloko ako?"

"Anong ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong niya.

"Hinahanap ko ang taong papatay sa akin. Samantalang 'yung iba, kayang gawin lahat para lang mabuhay."

"Hindi ba't may rason naman kung bakit ganiyan ang nararamdaman mo?"

Natahimik nalang ako. Ayaw ko nang magdusa, ayaw ko nang mabuhay sa mga alaalang gustung-gusto ko nang kalimutan.

"Tandaan mo lang, kapag nakita mo na 'yung taong unang magpaparamdam sayo ng kakaiba, siya na 'yun. Doon lang magpapakita 'yung sandatang makakapatay sayo."

"Akala ko ba makakapagpatibok ng puso ko?" tanong ko.

"Gano'n ba? Nakalimutan ko na kasi kung makakapagpatibok o magpapatigil ng tibok eh." Napakamot siya sa ulo. Kita mo 'tong lalaking 'to.

"Messenger ka ba talaga, ha?" sabi ko.

"Kasalanan ko ba? Guardian ako dati pero inagawan mo ako ng puwesto dahil diyan sa kasalanan mo kaya nalipat ako rito." paninisi pa niya sa akin.

"Oo nga pala, makakasama natin dito sa bahay 'yung soul keeper." sabi niya kaya napaharap ako sa kaniya.

"Soul keeper?" tanong ko.

Soul keeper? 'Yung mga sumusundo ng patay at kumukuha ng mga alaala ng mga namamatay atsaka ibinibigay sa Keeper of Memories. Siguro malapit na akong mamatay kaya nagpadala na ng soul keeper 'yung Nasa Itaas para mabilis na akong sunduin.

"Dito na kasi siya madedestino at sabi ni Boss." Tumuro siya sa taas.

"Makakasama mo siya."

"Ha? Bakit siya rito? Bakit hindi sa iba?" tanong ko.

"Ikaw ang tagabantay ng mga tao, ikaw lang ang walang sinusunod na budget kaya ikaw lang ang mayaman at may sariling bahay. Wala pang budget 'yung tagapagsundo na 'yun, parang ako lang." sagot niya.

"Hindi ko siya papapasukin sa bahay ko." Tayo ko.

"Baka gusto mong madagdagan ng panibagong isang libong taon?" banta niya sa akin at binigyan pa ako ng tingin na nagsasabing, 'isusumbong kita'.

Napaupo naman ulit ako.

"Joke lang, joke lang! Hindi mo naman sasabihin Sakanya." Tingin ko sa taas.

"'Di ba?"

"Mensahero ako bata, mensahero. Malamang makakarating 'yang inasal mo sa boss." sundot niya sa noo ko.

"Maka-bata, psh. Palibhasa gurang." mahinang sabi ko habang hinihimas ang sinundot niya.

"Hoy mas matanda lang ako ng ilang daan sayo!"

"Mas matanda ka pa rin." sagot ko. Bigla namang may sumulpot na lalaking nakaitim. Sobrang puti at putla ng balat niya kaya mapula tignan ang mga labi niya. Parang labi nga lang niya ang dinadaluyan ng dugo.

"Ito ba ang bahay ng guardian?"

Tumayo naman ako.

"Oo, ikaw ba 'yung soul keeper? 'Yung tagasundo ng mga patay?"

"Oo." tipid na sagot niya.

"Ah, akala ko ikaw 'yung susunduin." sagot ko at sinamaan naman niya ako ng tingin. Pinanliitan ako ng mata ni Harris.

Bakit? Totoo naman, ah? Mukha kaya siyang bangkay!

Biglang tumunog ang relo niya at may kinuha siyang maliit na papel sa bulsa niya at binasa 'yun.

"Wala akong panahon makipag-usap sayo, marami pa akong trabahong kailangang gawin." sabi niya at biglang nawala.

Binato naman ako ng unan ni Harris.

"Kahit galitin mo 'yun, hindi ka makukuha nun. Hindi ka pa rin mamamatay." saway niya.

Bigla akong nakaramdam ng malamig na hanging bumabalot sa akin.

"Teka, saan ka pupunta?" tanong ni Harris dahil nakita niyang nababalot na ako sa kulay asul na usok.

"Mukhang sinu-summon na naman ako nung babae, hay." sabi ko at naramdaman ko nalang na nasa ibang lugar na ako. Ano na naman kayang kailangan nito, tsk.

"Matagal ka nang nasa listahan ko, kailangan mo nang sumama sa akin."

Napatingin ako sa narinig kong nagsalita at nakita 'yung soul keeper. Teka, patay na 'yung babae?

"M-Multo?" Napatingin naman ako sa babaeng nakatingin sa akin.

"Multo? Ikaw ang multo, matagal ka nang patay at nasa listahan ko." sabi nung soul keeper.

"Multo? Ako? Nakikita mo bang buhay na buhay ako at mas buhay pa sa itsura mo?" sagot nung babae. Nagpigil ako ng tawa dahil natawa ako roon sa sinabi nung babae. Naglakad ako palapit sa soul keeper at napatingin sa akin 'yung babae. Bigla siyang tumakbo palapit sa akin at hinila ako palayo.

"Huwag kang lalapit sa kaniya! Kapag nahawakan ka niya, kukunin niya ang soul mo!" saway niya sa akin.

"Alam ko." sabi ko at lumapit sa soul keeper.

¤¤¤

SenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon