EIGHTEENTH
Icarus
"Bakit ba nandito ka sa kuwarto ko?" iritableng tanong ni soul keeper. Hindi ko siya pinansin at naglakad lang pabalik-balik sa harap niya.
"Alam mo nahihilo na ako sa palakad-lakad mo riyan kaya kung nagLQ kayo, magpakalalaki ka at kausapin mo siya."
Lumapit naman ako sa kaniya.
"Gano'n ba 'yun? Pero parang hindi LQ yung sitwasyon namin kasi two days ago bigla akong umamin nang harapan ng totoo kong nararamdaman sa kaniya." sagot ko.
"Aaahh... nandiyang stage palang pala kayo."
"Waaaah!" sigaw namin ni Soul Keeper nang may ibang nagsalita. Bigla namang sumulpot si Harris.
"Alam niyo, maraming stages ang pagiging in love kagaya ng denial, insanity, regret. Depende sayo kung mararanasan mo lahat ng maraming stages o hindi pero sa nakikita ko, nasa stage ka ng confusion since hindi mo alam kung papanindigan mo yung inamin mo o hindi kasi feeling mo hindi dapat." Akbay niya sa amin ni Soul Keeper.
"Pero tandaan niyo, walang dapat at hindi dapat sa pag-ibig. Bigla ka nalang mahuhulog nang hindi mo namamalayan sa isang tao at marerealize mo lang 'yun kapag mahal mo na siya. Love is a mystery sabi nga nila at kagaya nga ng misteryo, hindi mo alam kailan lalabas, parang pagmamahal lang sa isang tao." Pagkasabi niya nun bigla nalang siyang nawala.
"May sideline ba ng pagiging kupido yung mensaherong 'yun?" nasabi ni Soul Keeper.
"Magpapakalalaki nga ako kagaya ng sinabi mo!" Tayo ko nang tuwid.
"At papanindigan ko ang sinabi ko."
"Ayan, tama 'yan! Kaya lumayas ka na sa kwarto ko." Tulak niya sa akin palabas ng kwarto niya.
Kumatok ako sa pinto ni Blobby pero walang sumagot kaya pumasok ako at nilibot ko ang paningin ko sa paligid pero walang sign ni Blobby.
Wala siya?
Napatakip ako sa bibig ko. Lumayas na kaya siya dahil sa sinabi ko??
Tumakbo agad ako sa kwarto ni Soul Keeper at dire-diretsong tumagos sa pader.
"Naglayas na siya! Iniwan na niya ako dahil sa ginawa ko!" nagpapanic na sabi ko.
"Tumigil ka nga. Nakita ko siyang umalis kanina, naka-palda. Baka may date." sabi niya at nagtalukbong ng kumot.
Pinikit ko ang mga mata ko at inisip mabuti si Blobby. Pagdilat ko, nasa ibang lugar na ako. Nakita ko si Skye na pinagtitinginan ng mga lalaking nakakasalubong niya. Lagi nalang siyang pinagtitinginan ng mga lalaki, naiinis na ako.
Napansin kong nakapalda nga siya pero uniform niya 'yun. Yung soul keeper na 'yun talaga walang alam sa mga damit.
"Pssst!" sitsit ng isang lalaki sa kaniya kaya lalapit na sana ako pero nakita kong hindi naman niya pinansin 'yon.
"Pssst! Uy!" sitsit ulit nung lalaki at lumapit na kay Blobby. Lalapit na sana ulit ako nung humarang na sa harap niya yung lalaki pero biglang niyang sinapak yung lalaki kaya napatigil ako sa paglapit sa kanila.
"Hindi ako ipinanganak para lang sitsitan ng mga lalaking katulad mo." Apak ni Blobby doon sa lalaking nasa lapag at pumasok na sa restaurant.
Biglang tumaas ang mga balahibo ko. Ibang klase talaga yung babaeng 'yun, nananapak ng nangsisitsit.
Pumasok ako sa restaurant at umupo sa medyo malayo sa table na inupuan niya. Silang dalawa lang nung lalaking nakita kong kasama niya dati na nagtanong sa pangalan ko.