Roses

506 116 2
                                    

SECOND

Pagbangon ko, nasa kama ako.

2:45pm na.

Ano bang ginawa ko kagabi at hapon na ako nagising, jusmiyo. Bumangon na ako habang tinatali ang buhok ko atsaka dumiretso na sa banyo para maglinis ng sarili. Paano ba ako nakauwi kagabi? Ang huling naaalala ko lang ay sumulpot na naman 'yung lalaking spirit yata. Ang galing talaga kasi nakakapag teleport siya tapos napapagalaw niya yung mga bagay kahit hindi niya nahahawakan.

Pagkatapos ko maligo at maglinis, dumiretso ako sa kalendaryo. Two months nalang at makikita ko na ang result kung nakapasa ako sa board exam. Bigla kong naramdaman na parang may bagay akong nakakalimutan habang nakatingin sa kalendaryo hanggang sa marealize ko na 13 pala ngayon. Nadagdagan na naman ng isang taon ang edad ko.

Nag-ayos na ako ng sarili ko atsaka lumabas. Tuwing birthday ko, lagi akong may isang lugar na pinupuntahan kaya doon ako papunta ngayon. Bumili muna ako ng blue roses at pagkarating sa pupuntahan ko, kaagad akong umupo sa damo.

"Nakakalungkot talaga mag-isa kapag birthday mo." nasabi ko habang tinitignan ang roses. Napansin kong merong naligaw na lavander rose at walang mga tinik ang bulaklak.

"Sana may kasama ako ngayon." nasabi ko at ilalapag na sana ang mga bulaklak nang biglang lumakas ang hangin at lumamig. Napatingin ako sa likod ko dahil naramdaman kong may biglang sumulpot.

"Oh! Ikaw na naman!" excited na sabi ko atsaka tumayo. Napatingin naman agad siya sa paligid. May hawak siyang baso at toothbrush, 'yung toothbrush nasa bibig pa niya atsaka bumubula pa dahil sa toothpaste ang bibig niya.

"Pero bakit ka lumalabas nang nakapajama at nagt-toothbrush?" tanong ko.

Hinugasan niya ang bibig niya gamit ang tubig sa baso tapos biglang nawala ang mga hawak niya. Hinawakan niya ang damit niya at naging pang-alis na.

Nagcrossed-arms siya atsaka tumingin sa akin.

"Bakit mo ba ako laging tinatawag?"

Ano raw? Tinawag ko raw siya? Kailan ko ba siya tinawag?

"Hindi naman kita tinatawag ah. Sabi ko nga sayo, hindi ko alam ang pangalan mo kaya hindi ko rin alam kung bakit bigla ka nalang sumusulpot." sagot ko. Hindi ko naman kasi talaga alam kung bakit bigla nalang siyang sumusulpot eh.

"Paano mo ako na s-summon?"

"Nas-summon pinagsasabi mo diyan eh hindi nga kita kilala." sagot ko.

"Huwag mo na gawin kung ano man ang ginawa mo bago mo ako masummon." sabi niya at tumalikod na.

Hala, alis na naman siya!

"Wait lang!" Natigilan siya atsaka lumingon sa akin.

"Puwede bang samahan mo ako?" tanong ko.

"Magpapasama ka sa akin? Paano kung mamamatay tao ako? Ni hindi mo nga ako kilala tapos magpapasama ka?"

"Pero alam ko namang hindi mo ako sasaktan kasi ikaw pa nga ang nagliligtas sa akin." sagot ko.

"At bakit naman kita sasamahan?" naka-crossed arms na tanong niya.

"Birthday ko ngayon, ayaw ko lang muna mapag-isa." sagot ko at inabot sa kaniya ang roses.

"Sayo nalang, bilang thank you sa pagligtas mo sa akin atsaka maganda ang meaning niyan."

Dahan-dahan naman niyang inabot ang mga bulaklak habang nakatingin sa akin atsaka siya napatingin-tingin sa paligid.

"Birthday mo?" tanong niya kaya tumango ako.

Nakita ko namang medyo kumunot ang noo niya.

"Sure kang hindi death anniversary? Bakit nasa sementeryo ka nagce-celebrate?"

"Ganito 'yan, umupo ka rito sa tabi ko at mag ku-kuwento ako sayo." sabi ko at sumunod naman siya.

"Ito ang parents ko." turo ko sa puntod.

"Seven years old palang ako, namatay na sila kaya namuhay na ako mag-isa simula noon. Wala ako masyadong kaibigan, wala akong kausap sa school noong high school pa ako kaya ginalingan kong mag-aral para makaalis na agad ako sa eskuwelahang 'yun. Kaya lang, paglipat ko rin ng university, wala pa rin akong naging kaibigan except sa isa. Hindi ko rin alam kung bakit ganun kaya huwag mo na ako tanungin, siguro malas lang talaga ako sa buhay." kuwento ko.

"First of all, hindi wala kung merong isa. Second, walang malas o swerte sa buhay, tao ang gumagawa ng sarili niyang swerte at kamalasan. O 'di kaya minsan binibigyan ka lang talaga ng pagsubok ng Lumikha. Third, hindi kumpleto ang birthday kung walang kainan kaya halika na." tayo niya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang sumusunod sa kaniya.

¤¤¤

SenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon