SEVENTEENTH
Skye
"Oh, multo!" pasigaw na tawag ni Soul Keeper pagkadaan ko sa kusina."Multo ka riyan? Kita mong buhay na buhay ako rito oh. Mukha ba akong multo sayo, ha? Ang ganda-ganda ko nga." sagot ko.
"Dami pang sinasabi, uminom ka nalang." sabi niya at naglagay ng tinimpla niyang hot chocolate sa limang baso. Teka, bakit lima? Apat lang kami, ah? Ako, siya, Icarus at Zeke Oppa.
"Bakit lima? May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" tanong ko.
"Oo, nasa likod mo." malamig na sabi niya pero hindi ako lumingon dahil may naramdaman nga akong tao sa likod ko. May multo pala sa bahay na 'to, hindi man lang ako nainform!Jusme!
"Boo!"
"Ay, anak ka ng kabayo!" nasigaw ko nang may nagsalita malapit sa tainga ko.
"Ang gwapo ko namang kabayo." pout niya at hinaplos-haplos ang mukha niya.
"T-Teka, ikaw yung storyteller 'di ba?" tanong ko nang makita ang itsura niya. Siya nga 'yun! Yung lagi kong pinupuntahan kapag walang pasok para makinig sa mga kuwento niya.
"Oo. Ikaw yung nag-iisang matanda kapag nagku-kuwento ako, 'di ba?" mapang-asar na saad niya. Pinanliitan ko naman siya ng mata at tumawa siya.
"Harris, Caden Harris." pagpapakilala niya.
"Skye." pagpapakilala ko rin at lumayu-layo na sa kanila dala 'yung isang baso ng hot chocolate.
Nung una siyempre nagtaka ako kasi baka lasunin lang ako ni Soul Keeper kasi gusto na niyang kunin ang soul ko pero nakita kong uminom si Zeke Oppa at hindi naman siya namatay kaya uminom na rin ako.
Napatingin ako sa glass door na naghihiwalay sa kusina at balcony. Naghanap ako ng stars kasi kahit malinaw ang langit, wala akong makita.
"Blobby." Napalingon ako at nakita si Icarus. Naka-itim siyang turle neck at ang gwapo niya talagang tignan kahit anong suot niya.
"Bakit?" tanong ko at uminom sa hot chocolate na ginawa ni Soul Keeper para sa aming lahat.
"Puwede mo na ba akong patayin?" Nabuga ko naman yung iniinom ko nang marinig ang sinabi niya. Buti nalang at malayu-layo siya sa akin kundi natamaan siya.
Ito naman kasing lalaking 'to, bigla-bigla nalang eh!
Inabutan naman niya ako ng tissue at pinampunas ko 'yun sa bibig ko.
"Teka lang ah, wait lang at iinom ako. Huwag ka muna magsasalita baka may masabi ka na namang kagulat-gulat." sabi ko at uminom ng chocolate. Medyo tinaas naman niya 'yung kamay niya at pinagalaw nang onti yung pointy niya at lumutang 'yung map at kusang naglinis kung saan bumagsak yung nabuga ko.
"Masarap ah, parang gawa ng kuya ko." comment ko pagka-inom.
"May kuya ka??" gulat at nagtatakang tanong ni Icarus.
"Ay, boploks! Wala pala akong kuya pero familiar talaga 'yung lasa." sagot ko. Familiar talaga yung lasa yet hindi ko matandaan kung saan ko natikman kaya napaisip ako. Siguro may binilan akong shop dati tapos doon ko natikman. Napatingin ako kay Icarus.
"Gusto mo na talaga?" Lingon ko sa kaniya at tumango siya bilang sagot. Nilapag ko sa lamesa yung baso at nagtanong ulit.
"Gusto mo na talaga?" At tumangu-tango siya.
"Okay." sagot ko at bigla nalang niyang hinila ang kamay ko at napunta kami sa ibang lugar.
"Nakikita mo 'yan?" tanong niya habang nakaturo sa espada, mukhang interesadung-interesado siya sa sagot ko dahil titig na titig siya sa akin.
"Oo." sagot ko.
"Kahit saang anggulo?" tanong niya. Medyo lumapit naman ako sa espada at tingnan 'yun sa iba't ibang anggulo.
"Oo." sagot ko at napahawak siya sa dibdib niya atsaka nag sigh in relief.
"Ganito lang ang gagawin mo, bubunutin mo 'yang espadang 'yan at isasaksak sa akin. Gets mo?"
Napatingin-tingin ako sa paligid.
"Baliw ka ba? Paano kung may makakita? Edi makukulong ako."
Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko at biglang tumigil lahat. Tumigil ang malakas na hangin, ang paggalaw ng mga dahon sa puno pati na ang mga dahon na nalaglag mula sa puno.
Gosh, ito ba yung sinabi nilang tumitigil ang oras kapag kasama mo yung mahal mo? So ibig sabihin ba mahal ko siya?
Pero sandali pa kaming nagtitigan at doon ko lang narealize na literal na tumigil ang oras.
"Sigurado ka ba rito?" tanong ko.
"Oo." tanging sagot niya.
"Bakit ba gustung-gusto mo nang mamatay?" kunot-noong tanong ko.
"Puwede ba kunin mo nalang yung espada at isaksak sa akin?" inis nang sabi niya. Aba't siya pa may ganang mainis, ah? Siya kaya utusan kong pumatay ng tao.
"Tingin mo ba madali pumatay ng tao, ah? Ni hindi pa nga ako nakasugat ng kahit sino tapos magpapapatay ka sa akin?"
"Ang dami-dami mo pang sinasabi! Bunutin mo nalang 'yan at patayin mo na ako! Alam mo bang mahirap 'tong ginagawa ko at puwede ba wag ka na mangialam sa desisyon ko!"
Nasaktan ako sa mga sinabi niya pero kahit pa alam kong labag sa kalooban kong gawin kung anong gusto niya, lumapit ako sa espada at hinawakan 'yun. Pero bago ko pa man siya mahila, nakaramdam ako ng sobrang lakas na pwersa at naramdaman ko nalang na tumalsik ang katawan ko sa ere.
"Blobby!" narinig ko pang sigaw ni Icarus at maya-maya, naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likod.
Umingay na ulit at gumalaw na lahat. Natumba kami sa isang kotse pero hindi ako nasaktan dahil si Icarus ang nadaganan ko. Tumayo agad ako at tinignan kung nasaktan ba siya pero mukhang mas nasaktan yung kotse dahil sa laki ng pipi ng bubong niya at basag na mga bintana.
"Lagot tayo niyan." Kinakabahan na tingin ko sa kotse.
"Ikaw kasi, bakit ka ba nagmamadali, ha?! Ako pa tuloy muntikan mamatay sa gusto mong mangyari! Ano, may schedule ba dapat pagpatay sayo ha?! Kaya ka nagmamadali?! Sabihin mo nga sa akin bakit ka nagmamadali!"
"Kasi nagkakaroon na ako ng rason para mabuhay pa! Nagkakaroon na ako ng excuse para sabihin sa sarili kong 'huwag muna' kahit alam kong niloloko ko lang ang sarili ko kasi alam kong gusto lang kitang makasama! At hindi puwede 'tong nararamdaman ko kasi andito ka na! Ikaw lang ang tanging pag-asa ko para matapos na 'tong habang buhay na paghihirap ko! Alam mo ba kung gaano ako nababaliw kapag iniisip kita?! Ngingiti ako, tatawa tapos biglang malulungkot at iiyak! Hindi ako makatulog, hindi ako makapag-isip nang maayos, nagdadalawang isip na ako kung gusto ko pang umalis at lahat ng 'yon dahil sayo!" sunud-sunod na sigaw iga sa akin.
Hindi ako nakasagot. Ang alam ko nag-aaway kami pero bakit parang confession naman 'tong ginawa niya?
Awkward kaming umuwi dalawa at pumasok na agad ako sa kuwarto ko pagdating namin. Pakiramdam ko pagod na pagod ako pero nagteleport naman kami. Napahawak ako sa puso ko.
Mahal ba niya ako?
¤¤¤