FORTY-FOURTH
Icarus
"Naalala ko dati, may alam ka sa isang bagay na kailangang-kailangan kong malaman pero hindi ka nagsasalita kasi sinabi mo, hindi ako nagtanong. Ngayon, magtatanong na ako. Bakit nawala ang mga alaala ko tapos bumalik na naman ngayon? Niloloko ba ako ng Lumikha?" tanong ko kay Harris.
Isang gabi, habang umiiyak ako, hiniling ko na sana maliwanagan na ako sa mga nangyayari dahil kahit anong gawin ko, hindi ako sinasagot ni Skye at doon nagsibalikan ang mga alaala ko.
"Dahil ito na ang gusto mo... ang makasama si Sena. Nawala ang alaala mo pagkabunot ng espada dahil 'yun ang parusa sayo, 'di ba? Habang buhay mong dadalhin ang mga kasalanan mo at wala kang makakalimutan kahit isa. Pero dahil natapos na ang parusang 'yon, tinanggal na nga ang alaala mong nagpapahirap sayo. Pero dahil yung parusang napataw sayo ay naging parte na ng buhay at buong pagkatao mo, nagpasya ang Nasa Itaas na ibalik ito sayo. Pero sa pagkakataong ito, hindi na bilang parusa kundi bilang gantimpala dahil napagsisihan mo ang mga kasalanang nagawa mo." sagot niya.
"Pero sinabi mo sa akin noon na hindi kami nakatadhanang magsama ni Sena." sabi ko.
"Hindi pa kasi ako tapos noon, Icarus at ito dapat ang sasabihin ko noong panahong yun." sagot niya.
"Icarus, ginulo mo ang lahat. Nakatadhana kang manatili lang sa kaharian mo at pamunuan ito pagkamatay ng ama mo pero kahit kailan hindi ka talaga nakinig. Nakatadhanang maging reyna si Sena ng kaharian ni Xantheos dahil hindi kayo itinadhanang magsama pa noon. Papamunuan dapat ni Sena ang kaharian ni Xantheos pagkamatay nito at doon lang kayo magsasama bilang hari't reyna ng dalawang magkaiba at malakas na kaharian, doon makukuha ang kapayapaan. Pero dahil naiba ang takbo ng tadhana dahil sa kagagawan ninyo, iniba rin ng Lumikha ang paraan para makuha ang kapayapaan at 'yun ay ang pagtanggal sa mga kaharian na pinalitan ng mga republika at demokrasya para sa kalayaan ng lahat. Kagaya ng mga nasirang kaharian na dapat tulay sa pagkakaisa, nasira ang pagmamahalan niyo at gumawa siya ng bagong paraan para matuloy pa rin ito." kuwento niya.
"Paano ba maaayos ang isang bagay kung wala namang sira? Hindi ba't kaya nasisira ang mga bagay para ayusin at malaman kung paano ito mas pagagandahin?"
"Kagaya ng pag ibig niyong minsang nasira at ngayon ay inayos ng tadhana."
Skye
~•~Napatingin ako sa mga bulaklak na nasa table ko galing sa nga fans. Naalala ko tuloy yung Rainflower na laging binigay sa akin dati ni Icarus. Ang sabi niya happy love daw ang ibig sabihin nun... masayang pagmamahalan.
Kinuha ko ang cellphone ko at sinearch ang ibig sabihin ng rainflower at halos maluha na naman ako sa lungkot nang mabasa ang totoong meaning nun.
I love you back, I must atone for my sins, I will never forget you.
Naramdaman kong namumuo ang mga luha sa mata ko kaya't ibinaling ko sa iba ang isip ko.
Hanggang ngayon ang weird parin kapag naiisip kong may butas ang puso ko. Kahit hindi sa physical heart ko, sa soul naman. Creepy pa rin.
"Ano na namang iniisip mo?" Tabi sa akin ni Sav Unnie.
"Naalala ko lang yung nangyari 5 years ago, nabunot ni Xantheos yung espada pero sinabi sa akin ni I-C-A-R-U-S na ako lang makakabunot nun." sagot ko.
"Katulad lang rin naman ni Icarus si Xantheos na gustong mabuhay ayon sa gusto nila. 'Yon nga lang, maraming naapakang tao ang gustong pamumuhay ni Xantheos kasi nagkataon na yung gusto niya, may gustong iba. Siguro ayaw lang talaga niyang mapunta sa iba yung gusto niya kaya nagawa niya sayo 'yun which is mali naman talagang ginawa niya 'yun. Ngayon, nung mabuhay siya ulit as Terrence na pagpapakilala niya sayo pero guardian rin naman siya tulad ni Icarus, malamang desperado na siyang makuha ka ulit kasi bakit naman siya lalapit ulit sayo eh ikaw nga ang dahilan bakit siya napatay ng Eli Oppa mo noon, 'di ba? Kaya siguro nung nalaman niyang puwede niyang mapatay si Icarus sa pagkakataong 'yun gamit ang espada mismo ni Icarus at hindi ka mapapahamak dahil hindi na niya kailangang bunutin ang espada niya sayo, desidido na talaga siyang bunutin 'yun para mapatay si Icarus para wala nang makahadlang sa kaniya." explain ni Sav Unnie.
"Grabe lang yung will power niya para mabunot 'yun." sabi ko.
"Alam mo, walang imposible sa guardiang desperado... katulad niyan." Nguso niya sa pinto at nakita ko si Icarus.
"Uy, anong gagawin ko–" Pagtingin ko kay Sav unnie, pero wala na siya.
Ilang linggo na akong kinukulit ni Icarus kung sino raw ako, si Sav Unnie, anong nangyari, bakit wala siyang maalala, bakit kilala namin siya at kung anu-ano pa.
"Wala akong sasagutin sa mga tanong mo." diretsong sabi ko sa kaniya at akmang aalis na.
"Hindi ako nandito para magtanong." sagot niya kaya napahinto ako.
"Oh, eh bakit ka na naman nandito?" tanong ko at pinagkrus ang mga braso ko.
I'm trying my best to sound irritated and rude but deep inside, I want to cry. Sobrang namiss ko siya at sobrang natutuwa ako kasi nandito siya at nahanap niya ako, pinuntahan na naman niya ako.
"For your information, you're still future Mrs. Farrell. Wala tayong closure at technically speaking, you're still my fiancee and I still love you."
¤¤¤
