FORTY-FIRST
Skye
"Oo nga pala, tungkol diyan sa espada." Napatingin ako kay Harris Oppa.
"Yung espada na 'yan, isa lang 'yan sa tatlo." sabi niya at nagpakita ng tatlong daliri.
"Ayan, yung espada ni Icarus at yung espada ni Elijah. Yung dalawa sa tatlong 'yun ang makakapatay kay Icarus, yung sarili niyang espada at yung kay Xantheos. Ayan lang ang kayang bunutin ni Icarus para mapatay niya si Xantheos dahil siya naman talaga dapat ang gumawa nun kung hindi siya nadistract sayo at kapag binunot niya 'yan... makakalimutan ka na niya nang tuluyan PERO, may isa pang option at 'yun ay bubunutin mo ang espada ni Icarus para sa kaniya at ipapangpatay niya 'yun kay Xantheos. Pero ang pagbunot mo sa espada niya ay nangangahulugan din ng kamatayan niya."
"Kailangan niyang patayin si Xantheos o si Xantheos ang papatay sa kaniya."
"Chance 'to na binigay ng Nasa Itaas kay Icarus na iligtas ka at the same time, matatapos na ang parusa sa kaniya na habang buhay na pagpapaalala sa kaniya ng mga kasalanan niya na ang ibig sabihin lang ay alaala niya kapag binunot niya 'yan. Pero puwedeng bunutin mo ang espada niya para sa kaniya at makukuha na niya ang matagal na niyang hinihiling... kamatayan. Makakalimutan ka niya o matatapos na ang walang hanggan niyang buhay. Either way, 'yun ang gusto niya... dati... no'ng wala ka pa. Hindi ikaw ang kasalanan niya dahil kahit kailan ay hindi naman naging kasalanan ang magmahal pero ikaw ang dahilan bakit siya nagkasala kaya kung hindi ka niya makakalimutan, hindi matatapos ang parusa sa kaniya."
Tumayo na siya.
"Oo nga pala." sabi niya at lumingon ulit sa akin.
"Gawin mo ang kailangan mong gawin."
"Skye..."
"Ay, poklay!" Napatigil ako sa pag-alala nung napag-usapan namin ni Harris Oppa bago mabunot yung espada sa akin at napatingin ako kay Sav Unnie.
"Anong iniisip mo?" Upo niya sa tabi ko.
"Wala naman, naalala ko lang yung mga nangyari 5 years ago. Kamusta na kaya si stubborn-crown-prince-who-forgot-everything?" nasabi ko. Nakita ko siyang ngumiti.
"Nag-golf sila kahapon."
"Paano mo nalaman? Kayo haaaa~ kayo na ni Eli Oppa, 'no?" pang-asar ko sa kaniya. Natawa naman siya.
"Napakatorpe niyang kapatid mo, sarap sapakin eh."
"Pero wala ka na ba talagang balak bumalik?" tanong niya.
"Hindi ko pa alam, Unnie..." sagot ko at sabay kaming napalingon nang may pumasok.
"Ms. Skye, 20 seconds before you go on stage. Your fans are waiting." sabi ng stage director at lumabas na rin.
"Oh, yung boses mo baka bigla kang pumiyok, girl." biro ni Sav Unnie at tumayo na kami.
"Goodluck!" sabi niya at naglakad na ako papunta sa pinto palabas ng backstage at sinabit sa balikat ko ang strap ng gitara ko.
Rinig na rinig ko ang mga sigawan, hiyawan, cheer at iba't ibang ingay ng mga tao kahit hindi pa ako lumalabas. Kaya nung lumabas na ako, mas lalong naging maingay ang kapaligiran.
Ito na yung isa sa mga pangarap ko. Abot kamay ko na siya ngayon.
"Hello, New Yoooork!!!"
¤¤¤

BINABASA MO ANG
Sena
خيال (فانتازيا)The one who remembers will be the one who can't remember at all.