THIRD
"Hala, mahal yata rito." sabi ko dahil kapansin-pansin naman na pang-mayaman 'tong restaurant. Sa labas palang ang dami-dami ng mga nagsisibabaan galing sa mga mamahaling sasakyan.
"Treat ko 'to sayo since birthday mo. Kumain ka lang ng kahit anong gusto mo." sabi niya at kinuha ang menu sa lamesa.
"Talaga? Teka, mayaman ka ba?" tanong ko at pinagmasdan ang buong katawan niya. May mayaman palang multo? Lahat ng suot niya mamahaling mga brands. Relo, damit, coat, sapatos, belt, siguro nga pati medyas niya sikat na brand at mamahalin.
Hindi siya sumagot at tumingin lang sa menu.
"Halatang mamahalin 'yang damit mo, pati sapatos, atsaka relo mo." sabi ko. Hindi ko na sinabi 'yung medyas at baka kung ano pang isipin niya eh.
"So, tao ka?" tanong ko ulit.
"You could say that." sagot niya na hindi ko man lang nakikita ang mukha niya dahil natatakpan ng menu.
"Aba, umi-english!" tawa ko. Binaba niya ang menu na tama lang para makita ko ang mukha niyang may masamang tingin. Pfft, ang sungit talaga. May dumating naman na na waiter kaya tinuro ko nalang sa menu 'yung o-order-in ko.
"So, tao ka nga?" tanong ko pagkatapos namin umorder.
Huli ka ngayon! Wala nang menu para itago kung anong reaksyon mo habang sumasagot.
"Puwede mo ngang sabihin 'yun." sagot niya at nag crossed legs.
"Pero ano ka nga talaga?"
"Hindi mo na kailangan malaman."
"Paano ako makakasigurong buhay 'tong kasama ko?" tanong ko. Siyempre mabuti nang sigurado at baka mamaya evil spirit lang pala siya na kailangan ng masasaniban. Mukha pa naman siyang bakla at cross legs siya nang cross legs. Malay ko ba kung gusto lang niyang saniban ako para mabuhay siya ulit.
"Nakakahawak ako, nakikita ako ng lahat ng tao, mukha ba akong patay sayo ha?" nanlalaking mga matang sabi niya.
Ang cute naman pala niya eh. Hindi kasi kalakihan ang mga mata niya tapos ang puti pa niya kaya kitang-kita ang mapula niyang labi.
Nagsidatingan naman na ang mga pagkain kasabay ng paglaki na naman ng mga mata niya.
"Mauubos mo ba 'yang mga 'yan?" may halong gulat at pagtatakang tanong niya, hindi makapaniwala.
"Salamat sa pagkain!" nakangiting sabi ko at nagsimula nang kumain.
Pailing-iling na nanlalaki pa ring mata siyang kumain. Pagkatapos kumain, nagulat ako kasi hindi siya nagbayad kaya nagtanong ako.
"VIP ka ba roon? Regular costumer?"
"Ako ang may-ari ng restaurant na 'yun." simpleng sagot niya na halos matumba ako sa gulat atsaka lumingon doon sa restaurant na nasa likod na namin dahil naglalakad na kami palayo.
"May restaurant ka pero wala kang sasakyan?" tanong ko.
Paano naman kasi, naglalakad kami oh. Matutunaw agad kinain ko niyan tapos magugutom na naman ako. Pero sige, pumayag naman siyang samahan akong maglakad pauwi.
Lumingon siya sa akin.
"Malayo ba ang bahay mo?" tanong niya kaya umiling ako.
"Edi dalian mo na maglakad, I'll walk you home." sabi niya at tumalikod na ulit at naglakad kaya sumunod na ako.
"'Wag kang mag isip ng kung ano sa pagsama ko sayo. Ginagawa ko lang 'to kasi kapag malagay ka na naman sa panganib, siguradong masu-summon mo na naman ako." defensive na sabi niya.
"Alam ko." sagot ko. Masyado naman 'to, hindi naman ako feeler 'no.
"Mabuti naman."
"Doon na 'yung tinutuluyan ko, mauna na ako. Salamat ulit sa pagkain!" masayang pagpapaalam ko sa kaniya at tumakbo na palayo.
"HAPPY BIRTHDAAAY!!!" Nabitawan ko ang susi sa gulat at tumawa nang makita si Terrence na may hawak na cake.
Si Terrence? Uhm, actually hindi ko talaga alam kung kaibigan ko siya dahil unang beses palang kaming magkita, sinabi na niya sa akin na ayaw niya akong maging kaibigan.
It's either papakasalan daw niya ako or papatayin niya ako. Weird 'no? Mahilig talaga magbiro 'yan eh.
"Akala ko nakalimutan mo na eh." sabi ko at lumapit sa kaniya.
"Paano ko makakalimutan ang birthday mo? Mahalaga ka kaya sa akin, Skye." nakangiting sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Hipan mo na 'to at magwish ka na." sabi niya at inilapit sa akin ang cake.
"Thank you, Terrence."
Sana makapasa ako sa board exam at swertehin na ako simula ngayon.
Hinipan ko naman na ang kandila.
"Yaaaaay!!—Sino ka?" Napatingin ako kung saan nakatingin si Terrence. Oh! 'Yung multong tao!
"Bakit ka nandito?" tanong ko.
"Bakit ka nakangiti?" tanong ni Terrence sa akin. Napahawak naman ako sa mukha ko at ibinaba ang nakataas na dalawang dulo ng bibig ko.
"H-Ha? Hindi ah!" sagot ko.
"Tinawag mo na naman ako." simpleng sagot nung multong tao.
"Teka, hindi mo sinagot ang tanong ko at paano kayo nagkakilala?" sabat ni Terrence.
"Owen Farrell. Mas mabuti na kung hindi mo malaman kung paano para hindi ka na maguluhan pa." sagot niya nang hindi man lang lumilingo kay Terrence at tumalikod na atsaka nawala.
"A-Ano siya?" gulat na tanong ni Terrence.
Bumuntong hininga naman ako.
"Hindi ko rin alam."
¤¤¤
