Remember

207 109 0
                                    

FOURTEENTH

"Waaaaahh!!!" Pasok ni Icarus sa kuwarto ng soul keeper.

"Bakit ka nandito?" tanong ng soul keeper at humarap kay Icarus.

"Naaalala ko na lahat! Yung nalasing ako tapos sinummon niya ako tapos napunta kami kung saan-saan tapos... tapos lumabas na yung espada ko!"

Bored na nakatingin lang ang soul keeper kay Icarus na hindi man lang tumugon sa kahit anong sinabi ng guardian na kaharap.

"Ah! Hindi mo nga pala alam yung istorya. Ganito kasi 'yun, yung espada na 'yun... may dugo 'yun ng maraming tao at 'yon lang ang makakapatay sa akin—"

"Alam ko yung istorya na 'yun, kalat 'yun sa buong department namin." putol ng soul keeper sa kinukuwento ni Icarus.

"Ah, gano'n ba? Chismoso rin pala ang mga soul keeper." side comment ni Icarus at nagpatuloy na sa sinasabi niya.

"Pero nakita ko na 'yung espadang 'yun! Mamamatay na ako, Soul Keeper!!!" natatarantang saad ni Icarus.

"Ano ngayon?" nakapoker face lang na sabi ng soul keeper. 

"Grabe ka naman! Anong klase kang kaibigan na walang pakialam na mamamatay na ang kaibigan mo!" pagda-drama ni Icarus at humawak pa sa dibdib niya at umarteng masakit ang puso niya.

"Ahh... kaibigan pala kita." patangu-tangong saad ng soul keeper na para bang na-enlighten siya.

"Oo, kaya dapat may concern ka sa akin dahil mamamatay na ako!" sagot ni Icarus.

"Paano ba dapat ang ikilos ko?" mukhang interesado nang tanong ng soul keeper.

"Dapat ganito," Lumuhod si Icarus at kumapit sa pantalon ng soul keeper at umarteng ngumangawa't umiiyak.

"Kaibigan ko! Huhuhu h'wag mo akong iwan! Bakit ka mamamatay! Huhuhu." arte niya at tumayo na. Lumuhod naman ang soul keeper at kumapit sa pantalon ni Icarus at totoong umiyak.

"Kaibigan ko! Huhuhu h'wag mo akong iwan! Bakit ka mamamatay! Huhu—" Pinatayo ni Icarus ang soul keeper at pinunasan ang luha nito.

"Umiiyak ka talaga? Waaaah, totoong kaibigan ka nga!" Yakap niya sa soul keeper.

"At puwede kang maging artista."

"Pero 'di ba 'yun na nga ang gusto mo? 'Di ba gusto mo nang natapos ang eternal na pagpaparusa sayo? Bakit parang nag-aalangan ka ngayon?" nagtatakang tanong ng soul keeper.

"H-Hindi ko rin alam..." nasabi ni Icarus na nakatingin lang sa lapag at napahawak sa dibdib niya at naalala ang sinabi sakanya ni Skye.

"Ayos lang ako. Sadyang abnormal lang ang bilis ng tibok ng puso ko kapag nakikita kita. Ikaw na yata ang first love ko." naalalala niyang sabi ni Skye at bahagyang napangiti. 

Somehow... I found a reason to live.

"Naririnig kita." singit ng soul keeper.

"Puwede ba, h'wag ka makinig? Privacy, man! Privacy!" sabi ni Icarus.

"Kasalanan ko bang nagkakarinigan ng inner voice ang mga guardian at keeper?" pagtataray din ng soul keeper kay Icarus.

"Pero si Blobby..." biglang nasabi ni Icarus. 

"Blobby?" kunot-noong tanong ng soul keeper.

"Yung babae."

"Ahh..." Napatangu-tango ang soul keeper.

"Anong meron sa kaniya?" nagtatakang tanong niya.

"Ang weird pero pakiramdam ko nakasama ko na siya dati... parang kilala ko na siya dati pa." sagot ni Icarus.

"Ilang taon ka na bang guardian?" tanong ng soul keeper at nagcrossed arms.

"Mga 1304 or 1305 yata, bakit?" sagot ni Icarus.

"Eh sa tagal mo nang nagbabantay sa mundong 'to malamang nakilala mo na siya sa past life niya. O kaya baka kilala mo siya noong mortal ka pa." sagot ng soul keeper.

"Pero wala akong nakalimutan sa buhay ko noong mortal pa ako, 'yun ang parusa sa akin. Habang buhay kong dadalhin ang mga alaala ko at magdurusa dahil hindi ko makakalimutan ang mga ginawa ko noon." kuwento ni Icarus.

"Ako nga hindi ko alam kung naging mortal ba talaga ako dati o hindi. Buti ka nga hindi ka makalimot, ako nga hindi makaalala." sabi ng soul keeper.

"Buti ka nga hindi makaalala, ako nga hindi makalimot." sagot naman ni Icarus.

"Binaliktad mo lang 'yung sinabi ko eh." saad ng soul keeper na pinanliliitan ng mata si Icarus.

"Eh 'yun naman kasi talaga sitwasyon ko." sagot ni Icarus.

"Pero sigurado ka ba talagang wala kang nakalimutan?" tanong ng soul keeper at dahil doon, napaisip si Icarus.

¤¤¤

SenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon