ELEVENTH
Skye
Pagkagising ko ay tumayo agad ako at inayos ang hinigaan ko. Maganda 'tong kuwarto ng guardian. Malambot 'tong kama niya at ang comfy! Malaki rin 'tong kuwarto niya at maraming gamit. Pumasok ako sa banyo at naglinis at ayos ng sarili ko bago bumaba. May nakita akong mga paper bags ng mga pagkain pero walang tao."Hello? May tao ba?" tawag ko.
May narinig naman akong nagsalita at sinundan ko lang 'yun hanggang sa makarating ako sa isang pinto kaya binuksan ko 'yun at bumungad sa akin ang tatlong nagsisigwapuhang mga lalaking nagkukumpulan sa sulok ng banyo.
"Bakit kayo nandiyan?" tanong ko at sabay-sabay naman silang tumuro sa taas ng pinto.
Ipis.
Naglakad na ako palabas ng banyo.
"S-Saan ka pupunta??"
"Bumalik ka rito!"
"Patayin mo 'tong nilalang na to!"
Natawa naman ako sa pinagsasabi nila. Halatang nagpapanic eh. Kumuha ako ng walis at bumalik sa loob. Hinampas ko ng walis yung ipis kaya nahulog siya sa lapag at inapakan ko. Winalis ko yung ipis palabas at dinakot ng dust pan atsaka tinapon sa basurahan.
"Iniligtas mo ang buhay ko kaya't utang na loob ko ito sayo. Dahil sa ginawa mo, hindi ko na muna kukunin ang kaluluwa mo at hihintayin kang mamatay sa anumang paraang nainisin mo." Yuko ng soul keeper.
"Parang ang pangit naman ng pagkakasabi mo atsaka hindi ka naman mamamatay sa ipis." sagot ko.
"Gano'n ba? Edi kukunin ko na ngayon ang soul mo." Lapit niya sa akin.
"Teka, teka! Puwede ka palang mamatay sa ipis! Utang na loob mo nga sa akin ang buhay mo hehe." Ngiti ko sa kaniya at nagbow siya nang kaunti.
"Takot kayo sa ipis?" natatawang tanong ko.
"H-Hindi ah." -Tumatawag na hyung sa guardian.
"Nandidiri lang ako kaya ayokong patayin." -Guardian.
"Ayaw ko lang siyang patayin dahil lahat ng nilalang ng Nasa Itaas ay may karapatang mabuhay sa mundong ating ginagalawan." -Soul Keeper.
"Aaahhh kaya pala sinabi mo kanina patayin ko yung nilalang na 'yun." natatawang sabi ko kay soul keeper. Iniba naman niya ang tingin niya at lumunok.
"Panganib sa buhay ko ang gano'ng mga nilalang kaya marapat lamang na mawala sila kaysa sa akin." Natawa naman ako.
"Ako nga pala si Zeke Farrell." Abot nung binata ng kamay niya sa akin pero agad din niyang binaba kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin siya kay guardian at nakatingin nang masama sa kaniya si Guardian.
"Skye." pagpapakilala ko rin at tumingin naman kay Guardian.
"Kilala mo na ako." hindi tumitingin sa aking sagot niya pero nahuli ko namang sumusulyap siya ng tingin.
Napansin ko tumitingin sa palagid si Soul Keeper nang tumingin ako sa kaniya para sana siya naman ang magpakilala.
"Napakagandang lugar para makilala ang isa't isa." sambit niya.
Oo nga naman, nasa loob kami ng banyo HAHAHAHA! Tumingin ulit ako kay Soul Keeper, nagbabakasakaling maintindihan niya 'yung senyas ko.
"Bakit ka nakatingin sa akin?" tanong niya.
"Anong pangalan mo?" tanong ko. Nag-iba naman ang mukha niya at... parang maiiyak na siya.
"Walang pangalan ang mga soul keeper!" Takbo niya palabas at narinig ko siyang ngumangawa habang tumatakbo papuntang kuwarto niya.
"Emotional talaga 'yun si Soul Keeper Hyung recently." sabi ni Zeke Oppa.
"Kumain na tayo."
¤¤¤