TWENTY-SIXTH
Icarus
"Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Skye.
"Oo." sagot niya at nginitian ako.
"Nagkiss na tayo so ibig sabihin boyfriend na kita, 'di ba? 'Di ba? 'di ba?" pangungulit niya kaya natawa nalang ako. Ang cute.
"Icarus!" Napalingon ako sa tumawag at nakita si Harris.
"Alam ko na kung bakit hindi niya makuha ang espada!" natatarantang sabi niya at lumapit sa amin.
"Bakit?" kunot-noong tanong ko.
"Kasi kailangan niyong magpakasal!" tuwang-tuwang sabi niya na halos ikalaglag ng panga ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kasi dati kung naaalala mo, sinabi mo na sayo lang siya ikakasal so technically speaking, she's your bride. Basta explain ko sayo next time at mayroon pa akong call of duty." Pakita niya ng mga papel na sobreng hawak niya.
"Ten-ten-te-nen 🎶 Ten-ten-te-nen 🎶" kanta pa niya at nawala na sa gray na usok.
"Kaya pala sabi mo hindi mo ako bibigyan ng boyfriend kasi asawa ibibigay mo, ikaw haaa~" kinikilig at nang-aasar na sabi ni Blobby at nagtatalon at sinundot-sundot ang tagiliran ko.
"Gagawa ba agad tayo ng babies?" tanong niya na sobrang nakapagpainit sa mukha ko kaya hindi ako nakasagot.
"Pero gusto ko muna makapag-apply ng trabaho pero kung gusto mo naman na babies agad since mayaman ka naman, okay lang din. Saan mo pala gusto magpakasal? Kung ako tatanungin gusto ko garden wedding tapos simple lang pero gusto ko nakaflower crown ako." tuluy-tuloy na sabi niya at nagsimula na kaming maglakad.
Bigla siyang napatakip sa bibig niya.
"Gusto ko sana first kiss natin sa kasal!" pout niya.
"Blobby," tawag ko sa kaniya kaya lumingon naman siya sa akin. Tinanggal ko ang scarf ko at isinuot sa kaniya bago siya bigyan ng smack kiss.
Napagasp naman siya at tinakpan ang bibig niya at tinuro ako.
"Mr. Owen Farrell, quota ka na ah."
"Dalawang beses lang tayo puwede magkiss sa isang araw?" natatawang tanong ko. Napansin ko namang namula ang mukha niya at pinisil niya ang pisngi ko.
"Ang cute mo 'pag nakapout!"
"Pero bakit Blobby pa rin tawag mo sa akin?" This time siya naman ang nagpout.
"Ano bang gusto mo?" tanong ko.
"Zing!" tuwang-tuwang sabi niya.
"Yung sa napanood nating horror movie??" nagtatakang tanong ko. Bakit sa horror movie kami kukuha ng endearment?
"Hindi 'yun horror movie, cartoons 'yun." Simangot niya sa akin.
Anong hindi nakakatakot? Nakakatakot kaya! Saan ka nakakita ng nagsasalitang gelatin? May kamay pa!
"Alam mo ba yung zing, term siya for love at first sight sa Hotel Transylvania tapos kung napansin mo, blue roses yung binigay ko sayo dati tapos nagulat ako kasi thornless at may nahalong lavander rose at lahat ng tatlong 'yun, ibig sabihin love at first sight." kuwento niya, trying hard i-convince akong pumayag sa gusto niyang endearment.
"Ayaw ko pa rin. Sinong matinong tao ang kukuha sa isang horror movie ng endearment, ha?" sagot ko.
"Hindi nga 'yung horror!" she insisted.
"Bahala ka basta 'yun tatawag ko sayo. Zing, zing!" sabi niya at kumapit sa braso ko at naglakad na kami.
"Ilan gusto mong babies?" she asked casually as if she's just asking me what's my favorite colors are.
"Kahit ilan." I answered anyway.
"Ikaw?"
"Palibhasa mayaman ka, kaya mo bumuhay ng kahit isang soccer team na mga anak. Hmph! Pero ako dati gusto ko dalawa lang pero dahil mayaman ka naman at kaya mo buhayin kahit ilan ang magiging anak natin, gusto ko na apat." sagot niya.
"Papangalanan natin sila ng Leonardo, Raphael, Donatello at Michelangelo!" tuwang-tuwang sabi pa niya.
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Sino 'yang mga 'yan? Mga lalaki mo?"
Pinanliitan niya ako ng mga mata.
"Ikaw nga ang first love ko, saranghae!"
¤¤¤
