FORTIETH
Savannah
Nararamdaman ko ang bawat pagpatak ng luha ni Icarus sa labas. Wala siyang maalala pero malungkot siya. Naaawa ako sa kaniya pero wala akong magawa.Kasabay ng pagpatak ng mga luha ni Icarus, naririnig ko ang pagdaramdam ni Skye sa loob ng kwarto. Para silang pinaglalaruan ng tadhana. Hindi pinagbigyan ang pagmamahalan nila noon, at ganun din ang nangyayari sa kanila ngayon. Naaawa ako sa kanilang dalawa pero wala ako ngayon sa posisyon para maawa sa iba dahil pinaglalaruan din ang buhay ko ng tadhana. Kapag nalaman ko talaga sino ang guardian ng fate, uupakan ko talaga.
Pagkatapos ng ilang libong taon, kay Sena pa rin nahulog ang kapatid ko at ganun din naman si Sena. Pagkatapos ng ilang libong taon, si Elijah pa rin ang mahal ko at hindi ko alam kung ganun din ba ang nararamdaman niya.
Nasa bahay ko ngayon si Skye, wala pa siyang ipon kaya hindi pa siya makapagpundar ng sarili niyang bahay kaya pinatira ko muna siya rito. Wala rin naman akong kasama kaya ayos lang. Gumawa ako ng juice at sandwich atsaka pumasok sa loob ng kwarto niya.
"Unnie!" iyak niya at tumayo.
"Pangit ba ako?" Kumunot naman ang noo sa tanong niya. Ang alam ko iniiyakan niya ay si Icarus at hindi ang mukha niya.
"Hindi, bakit?" tanong ko.
"H'wag mong sasagutin si Eli Oppa, ha! Tinawag niya akong pangit!"
Hindi nga ako pinupuntahan ng oppa mo eh.
"Hindi raw ako bagay kay stubborn-crown-prince-who-forgot-everything? Ayaw ba naman akong papasukin sa bahay nila!"
"Bakit ka naman kasi pumunta roon?" tanong ko.
"Eh gusto kong makita si stubborn-crown-prince-who-forgot-everything." Nabatukan ko naman siya sa sinabi niya.
"Ano nang nangyari sa, 'lalayuan ko siya para sa ikabubuti niya'?"
Nagpout siya at naluha na naman.
"Eh kasi namimiss ko na siya eh."
Niyakap ko nalang siya habang tinatap nang marahan ang likod niya. I feel you, little sis.
Ikaw nagkakaganyan dahil sa kapatid ko, ako naman dahil sa kapatid mo. I gave out a deep sigh, iba talaga kung maglaro ang tadhana.
The first time I met Skye, I decided to be her guardian. Nagulat ako dahil kamukhang-kamukha niya si Sena kaya akala ko reincarnation siya nito. 'Yun pala, siya talaga 'to. Walang kasalanan si Sena sa mga nangyari noon kaya hindi naman talaga siya dapat parusahan kaya't naiintindihan ko ang desisyon ng Nasa Taas na bigyan siya ng bagong buhay at magsimula ulit. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit binigyan Niya ng bagong simula ulit si Sena pero hinayaan lang ulit Niyang magtagpo ang landas nila ni Icarus para lang paglayuin ulit.
Skye
~•~"May bisita ka, Skye." Pasok ni Sav Unnie kaya tumayo agad ako at lumabas.
"Oh, Harris Oppa." bati ko sa kaniya at naupo kami pareho.
"I'm glad for what you did." Ngiti niya sa akin. Wow, natutuwa siyang lumayo ako sa taong mahal ko at nalulungkot ako ngayon nang ganito?
"Wala kang kasalanan, Sena. You should live well now as Skye and live according to your favor." Ngiti niya at tumayo na.
Live according to my favor? Eh ang gusto ko makasama si Icarus pero hindi puwede, paano ako mamumuhay ayon sa kagustuhan ko?
¤¤¤
