Author's Ending Note

309 89 5
                                        

Hello, chingus! Sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa. Sana rin may natutunan kayong mga bagay katulad nalang ng lahat ng kasalanan ay pinagsisisihan, it's never too late to change for the better, minsan kailangan nating magsacrifice para sa greater good, dapat piliin nating magmahal dahil sabi nga.. just love! At iba pang lessons na nasa story na 'to.

Gusto ko sanang ishare sa inyo ang symbolism sa ilang characters ko hehe so simulan na natin kay Xantheos/Terrence. Xantheos symbolizes greed and hate. Nang mamatay sila at bigyan ng chance magbago, pinili pa rin ni Xantheos na ulitin ang kasalanang ginawa niya noon. Kaya ganito ang characteristics ni Xantheos ay para magsilbing lesson sa lahat na kasamaan ang pagiging sakim at kahit kailan ay hindi nagtatagumpay ang may poot at galit sa puso.

Elijah and Savannah symbolize sacrifice. Elijah sacrificed his love for his people, he symbolizes selflessness. Minsan, kailangan ng taong maging selfless at magsacrifice para sa kabutihan ng mas nakararami at 'yun ang iniwang lesson ni Elijah sa atin. Isa siyang hari na responsibilidad ang mga tao niya kaya pinili niyang magbulag-bulagan at magbingi-bingian sa sinisigaw ng puso niya para sa kapakanan ng mga subjects niya.. sobrang opposite ni Xantheos, right?

Si Savannah naman ay nagsacrifice in terms of letting go of Elijah. Nang piliin ni Elijah makalimot, ginalang ni Savannah ang desisyon niya sa pamamagitan ng pagtanggap dito kahit masakit para sa kaniya. May mga pagkakataon kasing kailangan nating bitawan ang mga bagay na mahal natin para sa mas ikabubuti nila dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, yung gusto natin yung tama. Isa pa, sana naibahagi sa inyo ni Savannah ang kakayahan niyang magmahal. Sana tumatak sa inyo ang mga hugot lines ni Savannah about letting go dahil kung hindi man lahat, sigurado akong marami sa atin ang dadaan sa stage na kailangan nating mag let go.

Meanwhile, Icarus and Sena a.k.a. Owen and Skye are the opposite of Elijah and Savannah in terms of love. Obvious naman siguro 'no? Pumatay nga si Icarus ng ilang libong kawal para sa pag-ibig nila ni Sena 'di ba? Pero huy! Killing is bad kaya huwag kayong papatay para sa pag-ibig. Nasa 10 Commandments 'yan ni God, sige ka. Anyway, I hope may natutunan din kayo sa love nila Icarus at Sena katulad ng piliin ang pag-ibig (basta hindi brutal at madugo kagaya ng pag-ibig nila Icarus at Sena), patience, sacrifice rin, at atoning your sins.

Ayan, kung may iba pa kayong natutunan na hindi ko namention, sana tumatak din sa inyo hehe. Nagsusulat din pala ako ngayon ng stories ng mga anak nila Owen at Skye at oo, immortal din po sila katulad ng mga magulang nila. Sana suportahan niyo rin!

Yun lang and again, thank you for reading! I hope you enjoyed and learned something. Kamsahamnida~♡

FARRELL BOYS SERIES
~¤~

Into His Life (published, on-going)
- John Leonardo "Jeon" Farrell

One Last Game (soon to be published)
  - John Raphael "Rafa" Farrell

The Sound of His Music (published, completed)
  - John Donatello "Jolo" Farrell

Trouble with His Rules (soon to be published)
  - John Michelangelo "Milo" Farrell

by PlayfulEros

SenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon