The Sword in Her Heart

172 94 0
                                        

THIRTY-FIFTH

Three Years Later

Skye


Kinuha ko ang mga gamit ko sa locker at lumabas. Bago tuluyang lumabas sa gate, pinagmasdan ko ang eskwelahang pinagtapusan ko ng dalawang kurso. Sure nakakasawa ang discussions, mga boring na profs, lumang corridors, at boring na subjects pero kahit gaano sila nakakasawa, alam kong mamimiss ko din sila. Parang si Icarus.

Pinagkaiba nga lang, kahit kailan hindi ako nagsawa sa kaniya.

"Ay, poklay!" nasabi ko nang makita si Terrence pagkalingon na pagkalingon ko.

"Kanina ka pa ba riyan?" tanong ko sa kaniya habang pinupulot ang nga gamit kong nahulog. Hindi ako tinulungan eh, napakagentleman. Pagkatayo, nakita kong tuluy-tuloy ang pag-agos ng mga luha niya.

Don't tell me narinig niya sinabi ko at nasaktan siya? Grabe naman 'to jusko

"Sena..."

Biglang may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko kaya napahawak ako rito. Pero teka, anong pinagsasabi nito? Nakadrugs yata. Kaya siguro sinabi ni Eli Oppa na lumayu-layo ako rito eh. Pinasok ko ang mga gamit sa bag ko para ready na akong tumakbo anytime pero nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

"Patawad... patawarin mo ako." paulit-ulit na sabi niya.

"Uy! Okay lang, wala namang nasira sa gamit ko." sabi ko sa kaniya.

Hindi naman pala siya nakadrugs eh, emotional lang talaga. Masyado niyang sinisi sarili niya sa pagkahulog ng gamit ko at masyado siyang nashock kaya hindi niya ako natulungan. Nagulat ako nang itapat niya yung kamay niya sa boobs ko.

"HOY MANYAK!!!" agad na sigaw ko at tinabig yung kamay niya pero hindi siya tumigil. Para siyang... may hinahawakang invisible sa tapat ng puso ko.

Ano 'yun? High nga ba siya at may nakikita siyang hindi ko nakiki—

Agad akong napasigaw sa gulat at takot nang makita ang hinahawakan niya.

"ANO TO?!" Natumba ako sa lapag.

Bakit... bakit may espadang nakasaksak sa akin?

Hinawakan 'yon ni Terrence at hindi ko napigilang sumigaw nang malakas dahil sa sobrang sakit na naramdaman ko nang hilahin niya nang kaunti yung espada.

"Xantheos!!!" Napabitaw si Terrence sa espada at napalingon sa tumawag.

Icarus...

Naglabas ng espada si Icarus mula sa blue na apoy na nasa kamay niya.

"Hindi ako magdadalawang-isip patayin ka." banta ni Icarus.

"Madaya ka, andun ang espada ko." Turo ni Terrence sa espadang nakabaon sa puso ko.

"Nakabaon sa lupa ang espada ko kaya walang kadayaang nagaganap dito." sagot ni Icarus at biglang nawala. Bigla nalang siyang napunta sa harap ni Terrence at sinaksak niya si Terrence sa tiyan. Napatakip ako sa bibig ko sa gulat pero mas nagulat at nagtaka ako nang parang wala lang yung espada ni Icarus sa kaniya dahil tumagos lang 'yun kay Terrence.

"No ordinary sword can kill me. It's the one or the other. You, of all people knows that... Icarus."

"Babalik ako para kunin ang espada ko." dagdag pa ni Terrence bago tuluyang nawala.

Anong nangyayari? Sino yung Xantheos? Bakit Xantheos tawag ni Icarus kay Terren—

"Dati, may prinsipeng umalis sa kaharian niya at nanirahan bilang simpleng mamamayan sa kaharian ni Haring Elijah. Hindi nagtagal, naging kawal siya sa palasyo at naatasang maging bantay sa prinsesang kapatid ng hari. Matagal silang nagkasama ng prinsesa kasabay ng pagiging matalik na magkaibigan nila ng hari. Hindi nagtagal, nahulog nang tuluyan ang kawal sa prinsesa. Hindi man nila sinasabi, alam nilang may pagtingin sila sa isa't isa."

"Nang malaman ng prinsipeng kawal na ikakasal na ang prinsesa, nagtapat siya sa hari na gusto niyang pakasalan ang kapatid nito. Hindi naman pumayag si Haring Elijah na kawal lang ng palasyo ang mapakasalan ng kapatid niya kaya inisip ng prinsipeng kawal na umamin sa hari na prinsipe siya sa ibang kaharian, nagbabakasakaling pumayag na ito. Nang malaman ng hari kung saang kaharian nagmula ang prinsipe, nagalit siya dahil nalaman niyang 'yun ang kahariang nagpapatay sa mga magulang niya. Inutos ni Haring Elijah na ipapatay ang prinsipeng kawal na pinigilan naman ng prinsesa at sumama ito sa prinsipeng kawal. Nang malaman 'yun ni Haring Elijah at Haring Xantheos, nagpadala sila ng maraming kawal na kukuha sa prinsesa para ibalik sa kaharian at papatay sa prinsipeng kawal. Maraming napatay na kawal ang prinsipe kaya sinamba siya ng mga taong nakarinig sa istorya ng pakikipaglaban niya na kahit ibang kawal na ipinapadala para patayin siya ay tumanggi na sa mga hari."

"Nakabalik ang prinsipe sa kaharian niya at sinalubong siya ng papuri ng mga tao niya pero paggising niya kinabukasan, nabalitaan niyang ipinabalik ng ama niyang hari ang prinsesa sa kaharian nito dahil hindi niya ito tanggap bilang asawa ng anak. Kaya mabilis na bumalik ang prinsipe sa kaharian ni Haring Elijah ngunit nabalitaan niyang nasa kaharian ito ni Haring Xantheos para sa kasal ng prinsesa at pagkorona dito bilang reyna ni Haring Xantheos."

"A-Anong pangalan nung prinsesa? atsaka nung prinsipeng kawal?" tanong ko.

"Wala nang nakakaalala eh, pero baka alam ni Icarus."

"May tinakas akong prinsesa."

"My first love."

"Tinakas ko siya dahil ikakasal na siya at ayoko siyang ikasal sa iba." Tuloy niya at umandar na ang sasakyan.

Si Icarus ang prinsipeng kawal.

"Ang sinabi ni Haring Xantheos, 'kung hindi ko makukuha ang babaeng 'to, walang sinuman ang makakakuha sa kaniya.'"

"Kung hindi ko siya makukuha, walang sinuman ang makakakuha sa kaniya."

Si Terrence si Xantheos.

"Ah, 'yun ba? Pinutol ko ang istorya dahil hindi maganda sabihin sa bata pero nung sinabi ni Haring Xantheos, 'kung hindi ko makukuha ang babaeng 'to, walang sinuman ang makakakuha sa kaniya,' sinaksak niya sa puso ang prinsesa gamit ang espada niya."

At ako...

Napatingin ako sa espada.

"Look, I know naguguluhan ka—" Lapit ni Icarus pero pinutol ko agad ang sasabihin niya.

"Oo! Sobra! Pero sagutin mo 'tong mga tanong ko, sino si Sena? Siya ba ang first love mo? Yung tinakas mo?"

"Oo." sagot ni Icarus.

"At ako, ako ba yung Sena na 'yun?"

"Oo." sagot ulit niya. Napatayo ako.

"Anong nangyari? Bakit nandito pa 'tong espadang 'to? Paano mo nalamang ako yung Sena? Bakit wala pa rin akong maalala? Paano ako napunta sa mga fairytales? Bakit walang nakakaalala sa pangalang Sena?!" sunud-sunod na frustrated na tanong ko. Gulung-gulo na ako sa mga nangyayari.

"Skye... hindi ko rin alam. Noong matamaan ako ng kidlat at bumaon ang espada ko sa lupa, nabura ang pangalang Sena sa alaala ko at lahat-lahat tungkol at kaugnay sa pangalan na 'yon. Naalala ko lang lahat noong gabing kumanta ka, doon lang bumalik lahat ng alaala ko."

"Eh ikaw, ha?! Bakit ka pa bumalik?!" inis na sabi ko na kulang nalang suntok-suntukin ko siya sa inis.

"I thought... I was being selfish when I chose to be with you knowing that it would put you in danger."

He took a step forward.

"But now I realized that I'd rather be the man who chose to be with you and be loved by you than the man who hurt you for leaving."

Nakita kong tumulo ang luha niya at ewan ko ba kung bakit parang mas masakit pa sa puso kong makita siyang lumuha kaysa pagtangka ni Terrence bunutin ang espadang nakabaon sa puso ko. Galit ako sa kaniya dahil bigla nalang niya akong iniwan pero nang makita kong tumulo ang luha niya, nawala lahat ng galit ko at biglang nanlambot ang puso ko.

"I've decided... to be with you as long as I can. I want you beside me until the end of my days." sabi niya at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit.

"Saranghae... Sena."

¤¤¤

SenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon