He Left

156 96 2
                                    

THIRTY-FOURTH

Icarus


"Icarus!" rinig kong sigaw ni Skye at nasummon na naman niya ako pero agad akong umalis.

Ilang araw na rin siyang summon nang summon sa akin pero tumatakas lang ako lagi. Kahit sobrang layo namin sa isa't isa, naririnig ko ang tawag niya sa pangalan ko at napupunta ako kung nasaan man siya. Alam ko na kung bakit nasusummon niya ako tuwing magwiwish siya, nasa panganib, at kapag tinatawag niya ang pangalan ko.

Noong kawal ako na nagbabantay sa kaniya, kapag kailangan niya ng tulong, lagi akong nandoon. Kapag may gusto siyang bagay o puntahan o kahit ano, gagawin at ibibigay ko. At kapag tinatawag niya ang pangalan ko, pupunta ako.

Kung tutuusin prinsipe ako ng isang malakas na kaharian pero mas kilala ako ng mga nakakaalala sa akin bilang kawal na nagtraydor sa sinisilbihan, kawal na tinakas ang prinsesa para sa sariling kapakanan, at kawal na pumatay ng sandamakmak na kapwa niya kawal.

Ipinanganak akong prinsipe pero namatay bilang taksil na kawal ng kahariang hindi naman sa akin.

Pero mas pipiliin ko nang maging kawal na prinotektahan ang prinsesa kaysa prinsipeng naghintay lang mamatay ang ama para maging hari.

"Icarus..." narinig kong tawag niya kaya napunta ako sa likod niya pero hindi ako nakapag-isip agad ng pupuntahan kaya unang pumasok sa utak ko ay ang kabilang kwarto kaya doon ako napunta.

"Hindi ko nasabi sayo 'to dati pero tingin ko magiging mahusay kang hari noon, sayang lang wala ng mga kaharian ngayon." narinig kong sabi ni Skye mula sa kwarto niya.

Pinagmasdan ko ang kwarto kung nasaan ako ngayon. Nasa kabilang side pala yung kwarto ko dati, mali ako ng napuntahan.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Elijah nang makita niya ako pagkapasok niya sa kwarto niya kung nasaan ako ngayon.

~•~

Sinamahan ako ni Elijah sa isang coffee shop at mag-usap daw kami. Tinawagan din niya si Savannah at Harris. Inabot ko sa kaniya ang bouquet ng Rainflower at sinabing pakibigay kay Skye, tinanggap naman niya.

"She's not that well." Inom ni Elijah sa coffee niya.

"Bakit mo ba ginagawa 'to, Icarus?" tanong ni Vana.

"Mamamatay siya kapag binunot ko yung espada..."

"H'wag kang lalapit sa kapatid ko." agad na banta ni Elijah nang marinig na puwedeng mamatay ang kapatid niya dahil sa akin. Dahil na naman sa akin.

"Elijah!" saway sa kaniya ni Vana. Mukhang ayos lang sila dahil magkasama sila ngayon samantalang kami ni Skye... wala pa ring pinagbago. Hindi itinadhanang magsama noon, hindi pa rin itinadhanang magsama ngayon.

Ako ang dahilan ng pagkamatay ni Sena at ayokong maging dahilan ulit ng pagkawala ni Skye.

"Tama 'yan kaya h'wag mo na balakin." sagot ni Elijah. Malamang naririnig niya inner thoughts ko.

"Pero hindi nakikita ni Skye ang espada ni Xantheos?" natanong ni Vana.

"Nakikita lang ng isang nilalang kung ano ang gusto niyang makita." sagot ni Harris.

"Kapag nalaman ni Skye na may espadang nakasaksak sa kaniya at makita na niya, malamang baka hindi pagbunot sa espada ang ikamatay niya kundi heart attack. Ikaw ba naman buong buhay mo may nakasaksak palang espada sa puso mo, ewan ko nalang kung 'di ka atakihin."

"Kaya pala lagi kong naiimagine na nakasaksak sa kaniya 'yon, akala ko naaalala ko lang yung nangyari noon. Hindi pala imagination ang nakikita ko." sabi ni Elijah.

"Pero bakit hindi ko rin naman nakikita?" nagtatakang tanong ni Vana.

"Mga nakakita lang sa nangyari ang makakakita ng espada, yung mga nakakita roon sa espada bago pa man 'yun sumaksak kay Sena." sagot ni Harris.

"Kaya tayong tatlo—"

"Apat tayo." putol ko sa sasabihin ni Elijah.

"Kasama ang naglagay ng espadang 'yun doon."

¤¤¤

SenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon