Amusement Park

148 95 0
                                    

THIRTIETH

Skye

"Pero 1000+ talaga ang mga napatay mo?" curious na tanong ko habang kumakain ng cotton candy. Nakaupo kami sa isang bench dahil hilong-hilo siya sa roller coaster.

"Oo." Inom niya ng tubig at tumayo na. Sinundan ko naman siya..

"Bakit ang galing mo? Gano'n ka talaga kalakas?"

"Hindi lang ako mahina." sagot niya.

"So, ano ngang trabaho mo dati? Bakit gano'n ka kagaling? Kasama ka ba sa King's guard o kahit anong royal guard." tanong ko.

"Knight ako nun." sagot niya at saktong may nakita ako sa likod niya.

"Waaahh! Tignan mo, archery!" Hila ko sa kaniya sa isang mini game. Nagbayad naman siya at binigyan ako ng pana at arrow nung lalaki. Siyempre inayos ko ang pagkakalagay ng arrow sa bow at pagkakaasinta ko.

"Marunong ka ba humawak ng bow?" biglang tanong ni Icarus. Bakit ba kasi hindi magstay put 'tong arrow eh.

Inasinta kong mabuti ang target atsaka pinakawalan ang arrow.

"HAHAHAHAHA!" rinig kong tawa ni Icarus. Bastos.

Hindi man lang kasi tumama roon sa mismong bilog kahit sa outer man lang sana, sa pader kasi tumama huhu. Tumira ulit ako pero this time, doon na sa pinakababa at saktong border line nung outer circle. At least, 'di ba?

Okay, third and last arrow.

Matatama ko 'to, matatama ko 'to.

"Paano ka makaka-bullseye niyan eh nakapikit ka?" Napadilat naman ako nang magsalita si Icarus.

"Malay mo suwertehin ako 'pag nakapikit." sagot ko.

"Don't depend on luck, work hard to have what you want." sagot niya pero hindi ko na siya pinansin. Huminga ako nang malalim at inasinta yung bullseye. Nagulat ako nang biglang tinabig ni Icarus ang kamay ko kaya napakawalan ko yung arrow.

"Waaaah! Bakit mo ginawa 'yun, ha? Last ko na ngang arrow 'yun eh." Hampas ko sa kaniya.

"Look." Nguso niya roon sa target board kaya lumingon ako.

"Wooooaahh!! Ako gumawa niyan?? Teka! Minagic mo 'yan, 'no?" sabi ko.

Tinaas naman niya ang dalawang kamay niya.

"I told you, no magic for today."

"Waaaahh edi ang galing-galing ko!" tuwang-tuwang sayaw ko pero tumigil din ako agad dahil tinawanan ako nung lalaking nagbibigay ng arrow, pft.

"Paano mo nalamang sakto 'yun kapag tinabig mo ang kamay ko? Magaling ka ba sa bow? Maglaro ka nga!" Tulak ko sa kaniya roon sa lalaki. Nagbayad naman siya at binigyan siya ng bow at arrows. Mabilis niyang inayos ang arrow sa bow at pinakawalan 'yon.

"Woooaahh..." nasabi ko dahil natamaan niya 'yung pula at sabay niyang pinakawalan 'yung dalawa at pareho pa rin silang nasa loob nung pulang bilog.

May inabot na stuffed toy yung lalaki kay Icarus.

"Congratulations, Sir."

"Waaahh kuya, bakit ako wala? Nakatama ako ng isa ah?" sabi ko. Bigla naman niya akong inabutan ng lollipop.

"Congratulations din po, Ma'am."

"Bakit sa akin lollipop lang huhu." reklamo ko nang makalayo na kami sa mini game na 'yun.

"Oh." Napalingon naman ako kay Icarus. Inaabot niya sa akin yung stuffed toy.

"Talaga?" tanong ko at tumangu-tango siya. Kinuha ko naman agad 'yun at nag thank you. Brown na teddy bear siya.

Sayang hindi panda pero okay lang kasi galing kay Icarus ≥﹏≤

"Owen," tawag ko.

"Kanina ka pa Owen nang Owen ah." reklamo niya.

"Eh kasi siyempre masusummon kita tapos baka may makakita kapag tinawag kitang I C A R U S."

"Ah, oh ano na 'yun?"

"Magaling ka pala sa archery eh." sabi ko.

"Mas magaling ang tatay ko. Siguro nga kung nakita niya yung mga tira ko kanina ay magagalit siya sa akin." sagot niya kaya napasimangot ako. Grabe naman, ang strict naman ng tatay niya.

"Strict ba ang tatay mo? Knight din ba siya?"

Natawa siya.

"Hindi siya knight."

"Hmm kaya ba siya strict sayo kasi gusto ka niyang maging knight?" tanong ko.

"Madami akong kapatid na babae sa iba't ibang nanay at ako lang ang nag-iisang lalaking anak ng tatay ko kaya kahit pang-apat ako at sa pangatlo niyang asawa, ako ang sinunod sa trono. Dahil doon, strict siya sa akin. Archery ang pinakamahina ako nung bata pa ako kaya hindi ako pinapakain hangga't hindi ako nakakasampung tama sa gitna." kuwento niya.

"Teka, teka. Crown prince ka?!" gulat na tanong ko at ngumiti siya atsaka tumango.

"Wait, what? Eh bakit ka naging knight?" tanong ko.

"Malaki ang expectations sa akin ng kaharian namin kaya medyo napressure ako noon at ayaw ko silang biguin. Noong tanungin ako kung ano bang klaseng hari ang gusto ko maging, sinabi kong gusto kong maging haring rerespetuhin hindi dahil may korona akong suot o may kapangyarihan ako kundi bilang hari nila na alam nilang maaasahan nila at mapapamunuan sila para sa ikabubuti nila. Dahil doon, gusto kong maranasan maging simpleng mamamayan na kailangang magtrabaho para sa mga kailangan ko at hindi yung pagsisilbihan ako para ibigay lahat ng kailangan at hilingin ko nang walang kahirap-hirap. Umalis ako ng kaharian namin dahil hindi ko magagawang mamuhay nang normal sa kaharian namin dahil kilala ako roon kaya pumunta ako sa ibang kaharian. Dahil banyaga ako sa lugar na 'yon, pagkadating ko palang ay napaaway na ako. Hindi ko alam na pinapanood ako ng hari kaya nang makita niya kung paano ako makipaglaban, ginawa niya akong kawal. Kaya lang naman din ako magaling kasi siyempre sinanay akong makipaglaban bata palang dahil kapag naging hari ako, ako ang mamumuno sa mga kawal ko." tuluy-tuloy na kuwento niya.

"Yung... hari bang nakakita sayo yung sinabi mong kaibigan mong hari?" tanong ko at tumango siya.

Woah, hindi pa rin ako makapaniwala na hindi lang basta-basta si Icarus. Prinsipe pala siya noon pero... naging hari ba siya?

¤¤¤

SenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon