The Proposal

201 91 0
                                    

FORTY-FIFTH

Skye

"For your information, you're still future Mrs. Farrell. Wala tayong closure at technically speaking, you're still my fiancee and I still love you."

Hindi ko alam ang isasagot sa sinabi niya. Nakakaalala na ba siya? Naaalala na ba niya ako? Naaalala na ba niya lahat?

Pero... anong future Mrs. Farrell ang sinasabi niya?! Nagpropose na ba siya sa akin, ha?!

"Anong fiancee-fiancee pinagsasabi mo riyan, ha? Nagpropose ka ba noon?" sabat ko.

"Ah... kailangan ko bang magpropose?" sabi niya at bigla akong hinila palabas.

"S-Saan mo ako dadalhin?" tanong ko pero binitawan na rin niya ako. Pinasok niya ang kamay niya sa bulsa ng coat niya at biglang bumagsak ang snow.

"Really, Icarus?! Pinasnow mo sa gitna ng autumn?? Baliw ka na ba?!" sigaw ko sa kaniya at babalik na sana sa loob dahil nilalamig ako sa mga snow na bumabagsak sa katawan ko pero hinawakan ni Icarus ang braso ko.

"Saan ka pupunta? Sabi mo kailangan ng proposal, 'di ba?" sabi niya at binalik ang mga kamay sa bulsa niya.

"A-Ah, sinabi ko lang 'yun kasi sabi mo fiancee mo ako eh hindi ka naman nagpropose sa akin noon." sagot ko sa kaniya.

"Well then," Nilabas niya ng kamay niya sa coat niya at lumuhod na may hawak na singsing.

"Sena, Skye, or whoever you wanted to be, I want to spend my eternal life with you. You're my love back then in the past, my love right now in this time, the only person I want to have my future with and the only one I'll ever love in my never-ending life. Let's give our love the happy ending we didn't have last time, will you please marry me?" sincere na sabi niya habang titig na titig sa mga mata ko.

Para akong matutunaw sa mga titig niyang 'to. Ni hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Gustung-gusto ko siyang makasama, ayaw ko na siyang pakawalan ulit. Pero paano kapag maulit na naman ang lahat? Paano kapag magdusa na naman siya? Hindi ko yata kayang makita siyang nahihirapan na naman dahil sa akin.

Naramdaman ko nalang ang pamumuo ng mga luha sa mata ko. Pinigilan ko ang pagbagsak ng mga 'yon.

I'm sorry Icarus, hindi ko kayang isugal na naman ang kalayaan mo dahil sa pagmamahal natin.

"N—" Irereject ko sana siya kaya lang bigla siyang tumayo.

Hindi ba dapat tatayo lang siya kapag nakasagot na ako??

Sinuot niya ang singsing sa akin at niyakap ako.

"Alam ko kung anong iniisip mo." rinig kong sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin.

"Hindi ko na hahayaang mawala ka ulit sa akin at pinapangako ko sayong hindi na mauulit ang mga hindi magandang nangyari noon." tuloy niya at iniharap ako sa kaniya.

"I want you to trust me, okay?" sabi niya kaya't tumango ako. Ngumiti siya sa akin na onti nalang talaga wala na siyang mata.

"Saranghae, Skye."

¤¤¤

SenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon