THIRTY-EIGHTH
Skye
"Kapatid ka ni I C A R U S? Pero 'di ba crown prince siya? Bakit ikaw yung pumunta roon sa kung saan man kayo nagkakilala ni Eli Oppa? 'Yun yung nakasulat sa book ah." tanong ko kay Sav unnie at tumango siya. Nakipagkita siya at may sasabihin daw siyang importante. Nagulat naman ako nang malamang kasama rin pala siya sa mga alaalang nakalimutan ko at ewan ko ba pero naiinis ako nang onti dahil lahat pala ng nakapalibot sa akin ay parte ng nakaraan na ako lang ang hindi nakakaalala."14 kaming magkakapatid na babae, 15 kasama si Icarus. Pang-apat kami ni Icarus sa pangatlong asawa at siya lang ang nag-iisang lalaki kaya napakapilyo niya. Madalas lumayas at lumabas ng kaharian namin si Icarus para pumunta sa iba't ibang kaharian kaya noong magpakuha ng representatives, ako nalang ang pinapunta dahil nga kami ang unang royal seeds ni Icarus. Yung nauna sa aming tatlong babae, anak ng tatay namin noong prinsipe palang siya at hindi galing sa mga noble families ang mga nanay nila kaya kami ni Icarus ang sinasabing unang royal seeds ng tatay namin dahil royal bone ang nanay namin na naging reyna ng tatay namin nang maupo siya sa trono." kuwento niya.
"Naalala mo ba ako?" tanong ko.
"Nakita kita nung dinala ka ni Icarus sa kaharian namin." sagot niya kaya napatangu-tango ako. Ang weird talaga na wala akong maalala kaya pakiramdam ko ibang tao si Sena sa akin.
"Kambal kayo ni I C A R U S?" tanong ko at tumango siya.
"Pero nauna siyang ilabas sa akin." Napatangu-tango ako.
"Pero ano nang plano mo?" biglang tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya. Ano na nga bang plano ko?
Ilang linggo na akong naghahanda na mahiwalay kay Icarus. Sinulit ko na lahat ng pagtingin ko sa kaniya at mga panahong kasama ko siya pero hanggang ngayon hindi pa rin ako handa.
"Hindi ko siya mapakawalan." diretsong sagot ko. Hinawakan ni Sav unnie yung kamay ko.
"Walang nagmamahal ang gustong pakawalan ang mahal niya."
"Kahit kailan hindi ko nakalimutan si Elijah. No'ng bigla niya akong iniwan, sobrang nawasak ang puso ko pero mahal ko pa rin siya. I couldn't let go. And until now, I can never let my love for him go."
"Kahit kailan naman walang handang pakawalan ang mahal nila, malalaman mo nalang na papakawalan mo na siya sa mismong oras na papakawalan mo na siya."
"Pinili ni Elijah na makalimot, pinili niyang kalimutan ako. Kahit kailan hindi ako handang pakawalan siya pero no'ng sinabi niya 'yun at alam kong 'yun ang mas makabubuti sa kaniya, doon ko lang narealize na pinakawalan ko na siya." kuwento ni Sav Unnie at ramdam kong sobrang nasaktan siya noong mga panahong 'yun.
"Letting someone go doesn't mean you also have to let go of the love you have for that person. It just means that you're willing to take the pain just to let that person move on for the better. And that's love." saad niya.
"You can always love someone from afar and still continue to live."
Pinunasan ko ang luha ko at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa isa kong kamay.
"Thank you, unnie."
"You're always welcome." Ngiti niya at niyakap ako. Pagkatapos namin kumain, lumabas na kami ng restaurant at naghiwalay na.
Madilim na pero naisipan ko pang pumunta sa espada ni Icarus. Pinagmasdan ko ito. Hindi 'to espada ng traydor na kawal. Espada 'to ng prinsipeng nagmahal at ginawa ang lahat makasama lang ang prinsesang mahal niya kahit pa hindi sang-ayon sa kanila ang tadhana.
Paalis na sana ako nang bigla akong may mabangga.
"Ayan pala ang espada ni Icarus."
¤¤¤