Panda Matchy

160 96 0
                                    

TWENTY-NINTH

Skye

"Dali na, dali na, dali naaaa!" pilit ko kay Icarus isuot yung panda cap ko. Cute kasi eh atsaka sure ako bagay sa kaniya!

"Sa pagkakaalala ko, niyaya kitang pumuntang amusement park para sa date natin, hindi para pumalit sa mga panda sa zoo." sagot niya sabay crossed-arms.

"Cute kaya natin tignan, matchy-matchy!" tuwang-tuwang sabi ko. Pailing-iling naman niyang inabot ang cap at sinuot.

"Masaya ka na ba?" tanong niya.

"Lagi naman akong masaya basta kasama kita!" nakangiting sagot ko. Napansin ko namang biglang namula ang buong mukha niya. Yiiee, kinilig siya sa akin!

"Naririnig kita." biglang singit ni Eli Oppa na nakatingin kay Icarus. Biglang sumimangot si Icarus at pinanliitan siya ng mata.

"Kinikilig siya sa sinabi mo." sabi sa akin ni Eli Oppa bago nawala.

Sinundut-sundot ko naman ang tagiliran ni Icarus.

"Ikaw ha, kinikilig ka pala ah." pang-asar ko sa kaniya. Bigla namang nagkaroon ng mga bulaklak sa kamay niya at inabot niya 'yun sa akin.

"Thank you! Rainflower 'to, 'di ba? Katulad nung binigay mo sa akin dati?" tanong ko at ngumiti siya atsaka tumangu-tango.

"Anong ibig sabihin ng Rainflower?" curious na tanong ko. Nakita kong biglang nagbago ang ekspresyon sa mga mata niya. Biglang parang... lumungkot pero ngumiti ulit siya at tumingin sa akin.

"Happy love, masayang pagmamahalan." bahagyang nakangiting saad niya.

"Oh, Hyung. Papakulong na kayo sa zoo? May kilala akong zoo keeper para hindi na natin kailangan mag-import sa China." natatawang biro ni Zeke Oppa. Sinamaan naman namin siya ng tingin.

"Halika na nga, Blobby." tawag sa akin ni Icarus at lumabas na kami ng bahay. Inexpect ko paglabas namin ng bahay nasa amusement park na kami pero mali ako.

"Oh, bakit ganiyan mukha mo?" tanong niya. Mukhang nakita niyang medyo disappointed ako.

"Akala ko kasi pagbukas ng pinto nasa amusement park na tayo." sagot ko.

"Ayaw mo bang magdate katulad ng mga ordinaryong tao?" tanong niya. Naexcite naman ako bigla.

"So, ibig sabihin... walang magic?"

"Walang magic." Ngiti niya. Biglang may humintong sobrang gandang kotse na kulay silver sa tapat namin at bumaba si Harris Oppa.

"Here's your car, future Mr. and Mrs. Farrell." Ngiti ni Harris Oppa at inabot ang susi kay Icarus. Pumasok naman na kami at woooaahh mukhang bagong-bago!

"Kailan binili 'to?" tanong ko habang hinahawakan ang mga kung anu-ano sa loob. Tumingin si Icarus sa wristwatch niya.

"Mga 15mins ago." Start niya ng engine.

"WEEEHH?!" gulat na tanong ko. Bumili siya ng kotse para sa date namin? Romantic talaga hihi!

Napatingin naman siya sa akin na nakataas ang kilay.

"Wae?"

"Wala, wala hehe." sabi ko. Bigla-bigla naman siyang lumapit sa akin kaya napasandal agad ako sa bintana ng kotse.

Omg! Omg! Ikikiss ba niya ako? Grabe naman kaatat 'tong lalaking 'to, kakasakay palang namin eh.

"Bakit ganyan itsura mo?" nagtatakang tanong niya at sinuot sa akin ang seatbelt atsaka umupo na ulit sa driver's seat. Nagseatbelt din naman siya atsaka nagmaneho.

"Owen, 'di ba kailangan kita patayin? Paano na ngayon 'yan?" tanong ko. Bigla ko nalang kasing naalala.

"Pass." sagot niya.

"Ang daya mo naman eh. Pero si Harris Oppa, parang madalas na siya sa bahay mo tapos may kuwarto rin pala siya roon. Doon ba siya nakatira?" tanong ko. Napansin ko kasi nakikita ko si Harris Oppa sa bahay kahit na wala naman siyang business kanila Icarus, Zeke Oppa, or Eli Oppa.

"Doon siya nakatira kaya lang madalas siyang busy nung lumipat ka kaya siguro hindi mo siya nakita agad. Si Zeke ang hindi nakatira sa bahay ko kaya ewan ko ba bakit nandoon na rin lagi eh may sarili namang bahay 'yun." sabi ni Icarus ang lumiko ang sasakyan.

"Eh ano yung sinabi mong malaking kasalanan mo?"

"Marami akong napatay dati." tipid na sagot niya habang tutok ang atensyon sa daan.

"Ha? Bakit?"

"Inutos ng mga haring ipapatay ako kaya ipinagtanggol ko ang sarili ko at ang kasama ko."

Napakunot ang noo ko.

"Magnanakaw ka ba? Bakit ka naman pinapatay?"

"May tinakas akong prinsesa." sagot niya na nakapagpalaki sa mga mata ko dahil sa gulat.

"Bakit mo naman kasi tinakas? Papatayin din ba siya kaya tinakas mo siya? Atsaka sino ba 'yun?"

Nakahinto ang kotse dahil red light kaya napatingin siya sa akin, yung seryosong tingin na titig na titig sa mga mata ko.

"My first love."

Bigla akong nagkamixed emotions. Nagseselos ako na hindi. May part sa akin na nagseselos pero may part rin na nagsasabing hindi naman dapat ako magselos. Naiinis ako na hindi. Naiinis ako at the same time hindi ako naiinis. Sobrang gulo ko!

"Tinakas ko siya dahil ikakasal na siya at ayoko siyang ikasal sa iba." tuloy niya pa at umandar na ang sasakyan.

Sige, ikuwento mo pa 'yang first love mo hmph! Buti nga hindi kayo nagkatuluyan.

"Pero sabi mo, pinapatay ka ng mga hari. Ang dami naman?" tanong ko.

"Yung isa, hari na dapat papakasalan niya at yung isa, kaibigan ko. Yung kapatid niya mismo."

"Woooaahh may kaibigan kang hari? Ano bang trabaho mo noon? Adviser? Eunuch? Servant? Tagahugas ng paa? Taga–" Biglang huminto ang sasakyan at bumaba siya atsaka ako pinagbuksan ng pinto.

"Ganiyan ba kababa ang tingin mo sa aakin, ha? Anong eunuch, tagahugas ng paa ang makakapatay ng lagpas 1,000 na sundalo?"

"*gasp* Lagpas 1000 ang napatay mo? Ang galing mo naman!" Baba ko sa kotse at sinara na niya ang pinto.

¤¤¤

SenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon