Hangover

225 109 2
                                    

TENTH

Ezekiel Farrell


"WAAAAAAHHH!!!!" rinig kong sigaw nila Hyung sa kuwarto ni Soul Keeper Hyung.

"Zeke, tumawag ka ng pulis at pinagsamantalahan ako ng soul keeper na 'to!" Labas ni Hyung sa kuwarto ni Soul Keeper Hyung na nakatapis ng kumot kahit kumpleto naman ang damit niya.

"Ako pa talaga ang namantala eh ikaw 'tong nasa kuwarto ko!" Hablot ni Soul Keeper Hyung ng kumot niya na hawak ni hyung.

"Waaah!" Sampal ni hyung kay Soul Keeper Hyung.

"Nakita mo, hinuhubaran niya ako!"

"Anong hinuhubaran ka riyan eh kumot ko 'yang hawak mo atsaka may damit ka naman oh!" Hatak ni Soul Keeper Hyung sa kumot niya at pumasok na ulit sa loob.

Bigla namang nawala si Hyung at hindi nagtagal, lumabas siya nang dahan-dahan mula sa kuwarto niya at mabilis na lumapit sa akin.

"May babae sa kuwarto ko!" bulong niya sa akin. Nag crossed-arms naman ako.

"Alam ko."

Napagasp naman siya atsaka nagtanong ulit.

"Bakit may babae sa kwarto ko?!" bulong niya.

"Inuwi mo siya kagabi, Hyung."

"Inuwi ko siya kagabi..." Naglakad-lakad siya at para bang hindi niya maalala at maintindihan ang sinabi ko at pilit niyang inaalala.

"Waaah! Anong nangyari dito??" Turo ni Hyung sa maputik na kusina. Nag crossed-arms ulit ako.

"May guardian na nalasing kagabi at nagpaulan sa loob ng bahay niya."

"May guardian na pumunta dito?? Bakit hindi mo ako tinawag??" gulat na tanong niya at napafacepalm nalang ako. Hindi ba niya magets na siya ang tinutukoy ko?

"Bakit may kotse dito?" Turo niya sa kotseng binagsak niya dito kagabi.

"Wala ka talagang maalala?" nanliliit na mga matang tanong ko. Binigyan lang niya ako ng clueless na tingin.

"Naglasing ka kahapon. Nalasing ka sa isang can ng beer na hindi mo nga man lang naubos. Nalasing kayo ni other hyung at nag-espadahan kayo riyan sa ibabaw ng lamesa tapos bigla ka nalang umiyak at nagpaulan dito sa loob ng bahay at gumawa ng kotseng muntikan na akong mahulugan at nagtatalon ka pang parang tanga nang mabalot ka sa blue na usok habang kumakanta." frustrated na explain ko.

"Talaga? Ang weird lang, napanaginipan kong patay ka na kagabi eh." Lang ang sagot niya. Mukhang hindi pa rin makaalala. Itinaas niya nang kaunti ang kamay niya at nagsilutangan ang mga panlinis at kusa silang naglinis. Tinapat niya ang kamay niya sa kotse at bigla 'yung nawala.

Woah! Ang galing talaga kapag may powers ka, 'no?

"Hyung, gusto ko rin maging guardian." sabi ko at biglang tumigil ang mga gamit sa paggalaw at tumingin siya sa akin.

"Paano mo nalamang guardian ako?!" gulat at galit na tanong niya at biglang kumulog nang malakas sa labas.

"Mukha bang may normal na taong nakakagawa niyan?" Turo ko sa mga lumulutang na gamit.

"Ah, gano'n ba? Oo nga 'no." sabi niya at nagsigalawan na ulit yung mga gamit at lumiwanag na ulit sa labas.

"Cool din naman maging soul keeper katulad ni Soul Keeper Hyung, may powers ka rin tapos—"

"Paano mo nalamang soul keeper ako?" walang emosyon habang nababalot sa usok at may masasamang tingin sa akin na tanong ni Soul Keeper Hyung na kararating lang kung nasaan kami.

"Alam niyo, mag-ingat kayo sa pagtawag sa isa't isa. Matagal ko nang alam na guardian si Hyung at kapag nagtatawagan kayo, 'guardian' at 'soul keeper' ang tawagan niyo. Tapos unang araw niyo palang magkasama ang dami ng mga lumulutang na gamit at kung anu-anong nangyayari dito lalo na kagabi. Kaya huwag na kayong magtakang alam ko, okay?" sabi ko.

"Alam mong guardian ako dati palang?" tanong ni Hyung.

"Bata palang ako nakikita na kitang lumulutang kung saan-saan at nagpapalabas ng mga bagay diyan sa kamay mo."

"At hindi ka man lang natakot?" may masamang tingin na sabi niya at binalot siya ng blue na apoy at dumilim na naman sa labas.

"Ah, bibili na ako ng pagkain kaya ayusin niyo na paglilinis diyan ah!" Takbo ko palabas at baka maging tinustang gwapo pa ako dahil sa apoy na bumalot kay Hyung. Bumili ako ng mga pagkain sa fast food chain atsaka bumalik.

"Andito na ako." sabi ko pagkarating at pumasok na sa loob. Malinis na ang kusina at wala nang nakakalat na mga gamit.

"Hyung?" tawag ko.

"Zeke!" rinig kong sigaw ni Hyung kaya pumunta agad ako kung saan ko narinig sumigaw si Hyung at nakarating ako sa banyo.

¤¤¤

SenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon