The Distance

161 93 0
                                    

THIRTY-NINTH

Skye

"Ayan pala ang espada ni Icarus." Napaatras ako.

"Hindi ko 'yan makita kahit anong gawin ko pero ngayong nandito ka, lumabas na rin siya." sabi niya at tumingin sa espada.

"Alam mo naman sigurong ikaw lang ang makakabunot nito, 'di ba?" Tingin ulit niya sa akin. Lumapit siya sa espada at dahan-dahang nilapit ang kamay niya roon. Hindi pa niya nadidikit ang kamay niya, inalis na agad niya 'yun na para bang napaso siya.

"No ordinary sword can kill me. It's the one or the other. You, of all people knows that... Icarus."

It's the one or the other.

It's the one or the other.

It's the one or the other.

It's his own sword or his enemy's.

Ibig sabihin ba... guardian din si Terren—Xantheos nga pala.

Humarap sa akin si Xantheos at dahan-dahang lumapit.

"Bunutin mo ang espada ni Icarus o ako bubunot ng espada riyan sa puso mo."

"L-Lumayo ka, hindi ko tatawagin si Icarus kapag—" Napapikit nalang ako sa katangahang ginawa ko. Bakit ko sinabi ang pangalan niya?!

Bigla akong kinuha ni Xantheos at inilagay ang dalawang kamay ko sa espadang nakasaksak sa lupa. Nanlaki naman ang mga mata ko nang marealize ko ang balak niyang gawin.

"Huwag!" sigaw ko at pilit kumawala pero malakas niyang hinila ang espada at biglang dumating si Icarus.

Pagkadating na pagkadating palang ni Icarus, napaluhod siya sa lupa na para bang pinapatay na siya sa sakit na nararamdaman niya kaya napatingin ako sa espada. Onti nalang at mabubunot na talaga siya nang tuluyan.

Naramdaman ko kung gaano kasakit ang nararamdaman ngayon ni Icarus dahil ganoon ang naramdaman ko nang subukang bunutin ni Xantheos ang espada niya mula sa puso ko kaya kailangan kong gumawa ng paraan para maligtas siya kaya buong pwersa kong tinabig si Xantheos para hindi na ulit niya ako magamit para mabunot ang espada.

Nagulat ako nang hawakan ni Xantheos ang espada gamit ang sarili niyang mga kamay. Hindi puwede. Unti-unti niya itong nahila at
umaakyat ang espada.

Sumigaw siya nang malakas at tuluyan na ngang nabunot ang espada ni Icarus. Napatulala nalang ako nang makitang hawak-hawak na ni Xantheos ang espada ni Icarus.

Kaya pumatay ng napakaraming tao ang espada ni Icarus ay dahil sa akin. Nagsimula ang lahat dahil sa akin. Ang espadang kumuha sa buhay ng maraming tao... ang espadang nagsimula ng lahat.

Mas lalong napaluhod sa lapag si Icarus at kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman niya.

Naglakad si Xantheos palapit kay Icarus kaya humarang ako sa dadaanan niya.

"Huwag!"

"Wala na akong balak patayin ka. Sumama ka nalang sa akin pagkatapos nito kaya umalis ka riyan." sabi niya at hinakbangan ako.

"Xantheos!!!"

Elijah...

Nakita ko ang gintong hawakan ng espada niya. Espada ito ng haring hindi nailigtas ang kapatid niya noon kaya iniligtas niya ang prinsipeng makakapagligtas sa kapatid niya ngayon. Ito ang nakapagtapos noon sa buhay ng haring kalaban niya ngayon.

Nagpatuloy lang sa pag e-espadahan sina Xantheos at Elijah pero alam kong walang sense ang labanang 'yon. The same sword can't kill a man twice. Sabi nga mismo ni Xantheos, it's his own sword or his enemy's pero dahil nasa kaniya ang espada ni Icarus... kailangan kong gawin kung anong dapat kong gawin.

Napatingin ako sa espadang nakabaon sa puso ko. Ito ang espada ng hari na hindi nakuha ang prinsesang mahal niya. Espada ito na punung-puno ng poot at galit. Espada ni Xantheos ang nagtapos ng buhay ko noon... ito ang espadang nagtapos ng lahat.

"A-Anong ginagawa mo?" nagulantang tanong ni Icarus nang kunin ko ang mga kamay niya.

"Oo nga pala, tungkol diyan sa espada." Napatingin ako kay Harris Oppa.

"Gawin mo ang kailangan mong gawin."

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa mga kamay ni Icarus na nakahawak sa espadang nakabaon sa puso ko.

"Gawin mo ang dapat mong gawin." Nilakasan ko ang paghila sa espada. Sobrang sakit pero tiniis ko. Para lang akong sinaksak ulit ng espada na triple ang sakit.

Kapag sinaksak ka, mabilis lang. Pero pag tinanggal, matagal. Ramdam na ramdam ko ang paggalaw nito sa puso ko pero kahit matagal, mahirap, at masakit, tiniis ko dahil... ako ang nagsimula at ako lang ang may kakayahang magtapos.

"Sena!!!" rinig kong sigaw ni Icarus at tuluyan nang natanggal sa pagkakabaon ang espada. Naramdaman ko ang pagtumba ko pero agad na binitawan ni Icarus ang espada at sinalo ako atsaka nilapag nang maayos.

Nasasaktan akong makita ang mga mata niyang puno ng luha pero wala akong ibang magawa kundi humiga rito. Sobrang nanghihina ang katawan ko. Sobrang sakit ng puso ko. Nakita kong kinuha ni Icarus ang espada at nawala.

The next thing I saw, nasa harap na siya ni Xantheos at nakabaon na rito ang sarili nitong espada. Nakita kong sabay-sabay na naging abo ang tatlong espada kasama si Xantheos.

Natumba sa lapag si Icarus. Nakaharap siya sa akin, pinipilit niyang abutin ang kamay ko pero... masyado kaming malayo sa isa't isa.

¤¤¤

SenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon