CHAPTER 1

5.4K 32 1
                                    

"Sinabi ko nang 'wag akong tatawaging senyorita."

 

 

Sasali ba ako o hindi? Grabe ang panginginig ng mga kamay ko. 'Di ko na rin maalala kung gaano katagal na kong nakatayo dito. Sabi ni Alex, short for Alexandra sumali na daw ako, kaso di ko sure kung makakapasa ako. Mga poems, and short story lang naman iyong sinusulat ko. But I think I must give it a try. Sinulat ko na rin ang buo kong pangalan- Elizabeth Molina. Kahit hate ko 'to, no choice ako. Bakit? Saka ko na lang sasabihin. Nababadtrip akong mag-isip. Pagkatapos no'n, uuwi na rin ako kaagad. Buti at walang umaaligid dito-

"Hi Liz, you signed?" Hay. Akala ko pa naman makakatakas na 'ko dito.

"Obvious ba?" pagtataray ko.

"Sungit mo na naman. Meron ka ba?" aba naman at ang bastos ng hinayupak na 'to.

"Oo. Satisfied? Walang modo. Langya talaga." Tawa lang ng tawa iyong sira-ulo na 'yon. Hindi ko naman siya kilala.

Tumakbo na kagad ako para makasakay at baka may kumausap na naman sa akin na kung sinu-sino. Nakakainis pag ganito.

Pagdating ko sa bahay puros mga maids lang ang nando'n, wala pa rin si Mom. Kumain na lang ako at pumasok na din sa kwarto.

Inopen ko ang laptop ko then pumasok sa website na ginawa ko. Madami pa ring pumapasok at binabasa iyong mga poems and short stories na ginawa ko. Nagstart akong gumawa no'ng Grade 6 pa lang ako. Nagpakuha pa ko ng tutor kay Mom para turuan ako about sa computer. Mga sad stories lang ginagawa ko, pero nung pumasok na ko ng high school, iniba ko na iyong plot.

Hindi ko alam kung talent nga bang matatawag ang ganito pero ayokong ipaalam ang ganitong mga bagay. Even Mom doesn't know about this and my one and only best friend Alex. Sandali... Oh my God! Tatawagan ko pala siya. Kinuha ko kaagad 'yong phone ko at nag-dial, sinagot din naman niya kaagad.

"Bruha ano na? Sinulat mo na ba?" tanong ni Alex.

"Yup. Sobrang kabado ako. 'Lam mo namang di ako sure kung makakapasok ako."

"Sure akong makakapasok ka do'n." pagpapalakas pa niya ng loob.

"Thanks sa pagpapalakas ng loob. May kumausap na naman sakin Alex kanina."

"Anong ginawa mo?" tanong niya.

"Tanong ka pa, alam mo naman kung ano." sagot ko.

"Magboyfriend ka na kasi ng walang umaaligid sa 'yo diyan."

"Shut up Alex." Sabi ko.

"Nagpapaka-NBSB ka pa eh." Pang-aalaska ni Alex.

"Ano ba? Pag-uusapan na naman ba natin yan?" Nakakagalit na 'tong si Alex ah.

"Ewan ko sayo. Nga pala may nalaman akong news."

"Baka tsismis." Aba at humahagikgik ang bruha.

"Ano ba 'yon?" Tanong ko pa din sa kanya.

"Meron tayong magiging bagong classmate. Bukas na daw siya papasok."

"So what?" Naiirita kong sagot. What's the big deal.

"Anong so what? Ano ka ba galing 'to sa private school."

"Crap Alex, nag-aral na din ako sa private school 'no." Hindi ko malaman sa mga nasa public bakit ganoon na lang ka-big deal sa kanila na may magtatransfer. Tsk.

"'Wag ka ng magulo Liz. Ang sabi pa nila, hindi lang gwapo, mayaman pa. Hahaha. Aakitin ko siya."

"What?! Nahihibang ka na ba?" Ano na naman ang problema mo Alex? Naririnig ko na lang siyang bumubungisngis. Baliw talaga.

"Hoy Alexandria Escalante. Mag-isip-isip ka nga diyan, baka manloloko lang 'yan. 'Di mo pa nga siya kilala pero ganyan ka na umasta. Baka nakakalimutan mo Alex, new classmate din natin iyong manloloko mong ex-boyfriend."
   
"Hey! Hey!' Yan ka na naman huh. Iyang ugali mo."

"Eh kasi naman, baka nakakalimutan mo ang ginawa ng dalawa mong ex-boyfriends. Dahil sa mga gwapo, hayun hindi lang ikaw ang girlfriend."

"Tapos na 'yon Liz, umiral na naman 'yang ugali mong pagkaman-hater. I know what happened before kaya ka nagkakaganyan, pero sana naman 'wag mong lahatin lahat ng mga lalaki."

'Wag lahatin? Alam nga kaya niya ang nangyayari? Kung papansinin mo naman talaga, salot ang mga LALAKI! Madaming manloloko!

"Hmp! Sige na. Matutulog na ko. Kita na lang tayo tomorrow sa school."

"Okay. Bye. Take care. Iyong ugali huh." Pagpapaalala pa niya sakin.

"Tse."

Hindi pa naman talaga ako matutulog, inayos ko lang mga gamit ko. Pag 'di ko tinigil itong conversation namin, baka abutin kami hanggang bukas no'n. There's a knock on the door so I opened it, iyong maid namin.

"Senyorita, meron pong naghahanap kay Ma'am eh wala pa po siya dito."

"Sinabi ko nang 'wag akong tatawaging 'senyorita'." Mataman akong nakatingin sa maid na tumawag sa akin.

"Ay sori po senyo- este Ma'am."

"Hay. Ayoko rin ng Ma'am." Kulit talaga ni Ate Lita.

"Eh ano pong pwede kong itawag sa inyo?"

"Liz."

"Hindi po pwede, magagalit po ang mama niyo."

"Hay naman. Oh siya, siya. Sige bababa na ko."

Lumabas na nga kaagad ako ng kwarto ko dahil baka nga importante 'yong kailangan kay Mom. Pagpunta ko sa sala, binata pala iyong bisita ni Mom. Mukhang rocker huh, ang daming stuff na black sa katawan, like me. Naka-nail polish pa ng black. At may mga bagahe pang dala. I like his outfit. Like? Joke ko lang 'yon.

Crap. Why the hell am I saying this to a guy?

Nakatuon lang ang tingin niya sa mga pictures namin ni Mom since I was a child. Sino kaya 'to? Ano ba Liz, paano mo malalaman kung 'di ka magtatanong 'di ba?

"Anong kailangan mo kay Mom?" nakataas pa ang kilay ko na nagtanong ng ganyan.

Humarap sa akin iyong guy. Hmm. Mukhang tao naman.

"Anak ka ba ni Ninang? Hmm. Nababanggit ka na niya sa akin." Ang daldal mo talaga Mom.

"Inaanak ka ni Mom?" Nakakagulat na may bumisita kay Mom na inaanak niya na ka-age ko. Mostly kasi ng inaanak ni Mom puros mga bata at wala siyang nababanggit na may bisita kami this day.

"Yes." tapos sabay ngiti sakin. Meron ba'ng nakakatuwa para ngumiti? Wait dapat itigil ko 'tong ugali ko. Baka magalit na naman sa 'kin si Mom.

"Hintayin mo na lang si Mom, nasa work pa kasi siya."

"Ah gano'n ba? O sige, hihintayin ko na lang siya dito."

"Wanna eat?" I asked him.

"Hindi na, busog pa-"

"Liz sino yang kausap-"

Napatingin kami kay Mom. Halatang nagulat ito nang makita iyong bisita. Bigla ba naman kasi niyang niyakap iyong guy. Hmpp! Nagseselos ako Mom!

"Hindi mo man lang sinabi na ngayon ka pala pupunta. 'Di tuloy ako nakauwi ng maaga. Ang gwapo-gwapo mo pa rin ah."

"Si ninang talaga."

Napag-isipan ko na lang bumalik sa kwarto ko kaso sabi ni Mom kumain daw muna kami, sinabi ko na lang na tapos na ko. Nung paakyat na ko, nakatingin sa akin iyong lalaki na 'yon. Nagpatugtog lang ako ng rock. Yeah. I love rock songs. Naalala ko, hindi ko alam name niya. Oh well, ba't kailangan ko pang malaman eh mukhang hindi na kami magkikita no'n. At lastly, ayoko makipagclose sa isang tulad niya.



I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon