CHAPTER 18

2.2K 19 1
                                    

"Aish. Ang ganda mo kasi, dapat sa akin ka lang palagi titingin okay?"

 "Lizbeth bilisan mo. Ninang paalis na po kami."

"Okay Shane. Darling, bumaba ka na. Tama na yang pagpapaganda. Kahit wala kang i-apply sa face mo, ikaw pa rin ang maganda para kay Shane."

"Mommy! Ano ba yang pinagsasabi mo?" Sigaw ko kay Mommy.

Kahit kailan naman oh parati na lang ang dami niyang comment. Nakakairita pag yung nanay mo eh ganito.

"Oh before you leave, pwede bang humarap kayo?"

"Ayoko nga." Sabi ko. Mukhang may binabalak na naman siya.

"Lizbeth sige na humarap ka na." I looked at his face. Naman oh. Why the hell I can't defy him?

"Fine!"

"Ang arte mong babae ka, haharap ka din pala eh. Kailangan si Shane pa magsalita. Tsk. Tsk. Okay. Smile!"

"Smile na Lizbeth." Nagsmile ako sa cam kasi sabi ni Shane. You read it right. Shane ng tawag ko sa kanya.

Tuwang-tuwa nga siya eh. Parang music to his ears daw. Eww corny ng boyfriend ko noh? 

You read it correctly again. Boyfriend ko na siya. First boyfriend ko. Two weeks ko na siyang boyfriend.

"Oh sige honey, I'll post it na lang sa website niyo okay?"

"Mom what site?"

"Lizbeth lika na, malelate na tayo."

Si Mommy masyadong happy. Hindi ako pinansin at umakyat kaagad sa taas. Alam ko namang botong-boto siya dito. Hindi naman siya against sa relasyon namin. Dapat lang. Nafefeel kong isa siya sa may pakana.

Kinuha sa akin ni Shane yung bag ko at dala-dala na niya. Kinikilig nga ko sa mga gestures niya. Ang sweet kasi.

Tapos hinawakan na niya yung kamay ko. HHWW kami.

Oh let me correct that, HHWWPSSP.

Oh sige ayusin natin, HOLDING HANDS WHILE WALKING PA-SWAY SWAY PA.

Palabas na kami ng gate nang may makita akong lalaki doon, he's looking at our hands. He's holding something, I think love letter.

Yung mga tao sa lugar namin, nakatingin din. Shocked. Sino ba namang hindi mashoshock, si Elizabeth Molina may boyfriend na.

Nakangiti lang ako at siya rin. Sobrang saya ko. Sobrang sarap ng pakiramdam ko. Parang may mga lumilipad na paruparo sa tiyan ko.

Nang nakarating kami sa school, nakatingin din yung mga ka-schoolmate namin. Shocked din sila. Yung iba, nakangiti naman. Yung iba, sanay na.

After ng class, lumabas kami. Magde-date daw kami. Wala daw siyang quality time with me. So this is my first date with him, masyado kasi akong busy. Oh let me put it on another way, my first date on my entire existence.

Kumain kami, then take ng pictures. Nagkekwento ako sa mga ilang bagay. Siya rin sakin. Natutuwa naman ako sa mga ganitong pagkakataon, I don't date with some guy, just with my girl friends or Mom.

My phone was ringing so I answer it pero walang nagsasalita.

"Hello? Who is this?" Binaba ko na lang yung phone ko. Maybe prank caller lang. I need to change my sim again.

"Who's that?"

"Prank caller." He smiled. Aww... and I think I'm going to melt.

Nagpunta naman kami sa jewelry shop. May bibilhin daw siya. Ako naman nakatingin sa labas. I saw a guy looking at me intently. Kilala ko ba siya?

I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon